Jeira's P. O. V.
Pagmulat ng mata ko puro kadiliman lang ang nakikita ko sa paligid ko at tanging ito lamang ilaw ang nasa tapat ko. Sinusubukan kong makawala ngunit nakatali ang dalawa kong kamay sa makabilang bahagi ng silid at nakatali ang dalawa kong para sa upuan.
"Welcome to hell Queen" napalingon ako sa nagsabi ngunit wala akong nakita
"Sino ka ba? Magpakita ka?" Sabi ko sa nagsalita kanina
"Opps! To excited to know me Queen, hindi mo nga ako nakikilala hindi ba, kinalimutan mo ako ng matagal na panahon" sabi nung nagsasalita ng may lungkot
Biglang nagbukas ang ilaw sa paligid. Isang babae naka pulang maskara at lalaking nakaitim na maskara. Naalala ko nanaman ang nangyari 2 years ago.
"MGA WALANG HIYA KAYO! ANU BANG KAILANGAN NYO SA AKIN! (sigaw ko habang patulo na ang luha ko) KAYO! KAYO! RIN ANG PUMATAY SA KAIBIGAN KO! (tuluyan ng tumulo ang luha ko) NASAAN SI MICA, SAAN NYO SYA DINALA!" Sigaw ko sa kanila ngunit tawa lang ang sinagot nila.
"MAKAWALA LANG AKO DITO PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT" sigaw ko ulit.
"Alam mo Queen may pagkatanga ka din palang taglay (sabi nya habang lumalapit sa Akin) Hindi mo ba naisip na baka trap lang yung nakita mo! *PAK* (at isang malakas na sampal ang binigay nya sa Akin) unang una hindi kami ang mangingidnap sa kanya nahulog lang nya ang cellphone nya at pinulot lang ng mga tauhan ko, sa tingin mo ba Queen tanga ako na hindi ko malalaman na may tracking devices ang bawat cellphone na gamit nyo" sabi nya sa Akin habang nakaharap sa mukha ko.
"Unang-una din napakabaho ng hininga mo! *Pwe* (dumura ako sa harap nya na may ngising kasama) kailan ka ba nagsipilyo nung isang taon Pa" sabi ko sa kanya ng may kasamang pagtawa
*PAK* isang sampal ulit ang natanggap ko na ikinadugo ng labi ko.
"Kayo ng bahala sa kanya! Kill her if you've wanted too" utos nito sa mga kasama nya at umalis na.
Sabay sabay naman silang nag ngisihan ang mga lokong kasama ng babaeng yun.
Lumapit muna yung mukhang unggoy na may hawak ng baseball bat at umikot sa kinauupuan ko sabay hampas ng baseball bat sa tyan ko.
*Ughh!* "Yan lang ba kaya mo ang manakit ng babaeng walang kalaban laban." Dumura ako ng sabihin ko yun sa humampas sa Akin.
Kailangan kong makatakas dito. Isip Jeira! Magisip ka kung ayaw mong mamatay. Nakita kong kahoy lang yung upuan at madali lang mawasak. Naisip ko din ang relong suot ko may laser ito na nakakaputol ng bagay.
Habang papalapit yung mga unggoy ini aim ko yung laser para maputol ang nakatali sa kamay ko.
"1..2..3..4..5..6..7..8..9..10..11" Bilang ko sa kanila habang papalapit sila. Nakangisi lang sila habang tinitignan ko ang lubid sa braso ko.
"Tsk! Tsk! Alam nyo madaya kayo masyado! Dapat lumaban kayo ng patas! At sana wag nyo akong kakantihin dahil wala Pa kayo sa kalingkingan ng lakas ko" sabi ko sa kanila naramdaman ko na din na naputol na ang lubid hinawakan ko muna ito para di nila mahalata.
"Alam mo sayang ka eii! (Sabay hawak sa baba ko *Pwe* dinuraan ko lang sya) *PAK* (isang malitong na sampal ang inabot ko sa kanya) sayang ka kasi lulumpuhin ka namin at itatapon nalang sa kung saan (sabay hatak sa buhok ko) Tsk! Tsk!" Sabi nya sa Akin hayop na toh pasalamat ka at nagtitimpi lang ako.
Sinenyasan nya ang mga kasama nya na sugurin na ako. Agad kong binitiwan ang lubid na nakakabit sa Akin at umikot para matamaan ng baseball bat ang upuan ko at tuluyan itong mawasak.