|Twinnie twins|

546 33 14
                                    

Alas cuatro palang ng umaga, nadistorbo na si Minhyung sa kanyang tulog.

"Hoy anak gising na."

"Jaehyun! Gisingin mo nga ng maayos yung anak mo!"

"Aray! Ano ba Taeyong!"

Bumangon na si Minhyung sa kama niya at nakita yung kakambal niya at yung parents niya. Blanko lang niyang tiningnan si Mark na nakasimangot.

"Minhyung, alagaan mo nga sarili mo please. Parehas tayo ng mukha saka... bakit ang lampa mo? Ang iyakin mo-"

Wala talagang maintindihan si Minhyung sa pinagsasabi nilang tatlo kaya blanko lang siyang nakatingin sa kanila.

"Mark. Tama na. Baby, sigurado ka bang ayaw mo ng bodyguards?"

"Mama are you talking about me wanting bodyguards?" Tanong ni Minhyung saka tumango si Taeyong.

"Bakit nga ba iniwan natin siya sa Canada? Ayan tuloy banyaga sa sariling bayan." Reklamo ni Mark at pinagalitan ito ng Papa nila.

"No Mama. I'm okay. I have friends and... its okay. What happened two days ago won't happen again."

"Palusot mo bulok. Wala kang kaibigan-"

"Mark ang epal epal mo noh? Kakambal mo siya saka bakit mo inaaway?" Sita ni Jaehyun kaya sumimangot si Mark.

"Paborito niyo kasi-"

"Wala kaming favorite okay?! Ikaw kasi... sobra ka kasi maka-away sa kapatid mo. Kambal pa naman kayo. Para kang sira. Inaaway yung sarili mo." Pangangaral ni Taeyong sa mas matandang kambal.

"Magkaparehas lang kami ng mukha okay? Makaalis na nga."

Umalis nga si Mark sa kwarto ni Minhyung at kahit di man naiintindihan ni Minhyung lahat ng sinasabi ni Mark and ng parents niya, ramdam niyang ayaw na ayaw sa kanya ni Mark.

"Mama, why does Mark hate me so much?" Tanong ni Minhyung na naiiyak na.

"Don't mind your brother okay? He's just stressed and he woke up at the wrong side of the bed." Saad ni Jaehyun saka tumango lang si Minhyung.

"Baby, stop crying. It makes Mama feel bad." Pinunasan ni Minhyung kaagad yung mga luha niya saka niyakap si Taeyong.

"Mama I'm scared. What if they'll mistook me for Mark and... and..."

"That's why you need bodyguards." Saad ni Jaehyun saka umiling si Minhyung.

"No... it will be more suspicious. Anyways... you have to go. You'll be late on your flight." Saad ni Minhyung saka niyakap yung magulang niya.

"Ingat ka lagi baby ha? Wag basta basta magpapapasok ng kung sino sino."

Tumango si Minhyung kahit di niya naiintindhan saka umalis na yung kapatid at magulang niya papuntang airport. Naiwan lang mag-isa si Minhyung sa bahay nila.

Bumalik si Minhyung sa pagtulog at bumangon ng 6 am para makapaghanda sa kanyang klase. Di siya marunong magluto at alam niyang papagalitan siya ng parents niya kung magtatangka siyang magluto kaya Cereal nalang yung kakainin niya.

Pumasok si Minhyung at sinalubong siya ni Donghyuck sa gates. Ngumiti si Minhyung sa kanya at sumimangot si Donghyuck.

"Why? What's wrong?"

"Bakit di mo sinabi? Ang bad mo!"

"What? I don't understand."

"You Idol?" Tanong ni Donghyuck saka tinakpan ni Minhyung yung bibig ni Donghyuck.

Double Trouble || MarkHyuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon