|Swap and Pretends|

401 20 2
                                        

Naiiyak na talaga si Minhyung sa sakit ng katawan niya. Stretching palang bibigay na katawan niya.

"Tao ka pa ba Winwin-gege?" Tanong ni Mark sa sobrang flexible na Chinese member ng grupo nila.

"Oo naman. Sigaw ka lang pag-masakit Mark. Mark na pangalan mo ngayon okie?"

"Wala naman akong choice... ayokong mawala ito kay Hyung..." sambit ni Minhyung.

Isang week na siyang nagti-train at tumitira sa dorms kasama ang ibang members ng NCT. Namimiss niya yung koreanong malandi lang sa kanya na bihira nalang niyang makausap dahil nga sa hectic niyang schedule...

Si Mark naman, kasa-kasama lagi si Donghyuck. Dun nga siya tumitira sa bahay nina Donghyuck kaya naiinggit rin si Minhyung pero okay lang.

"Kamusta yung dalawang baby ko???" Tanong ni Taeyong na kararating lang galing sa pagbisitay kay Mark.

"Ma! Masakit hita ko..."

"Nahihirapan si Minhyung Yongyongie..." saad ni Jaehyun saka hinalikan si Taeyong.

"Good. Keep up the good work anak saka... kakayanin mo yan. Anyways... guys may dala ako..."

"Foods?" Tanong nilang lahat

"Manager nim, wag mo kaming isusumbong kay boss please..." pakiusap ng mga idol.

"Aisht. Di naman kayo tataba nang dahil sa pagkaing yan. Okay lang. Safe kayo. Sol! Lika dito." Tawag ni Yuta sa nobyo.

May break muna sila pero si Minhyung todo ensayo at stretching parin. Di pwede mahalata ng madla yung difference nila. Di pwede malaman ng fans na siya si Minhyung, di si Mark...

"Ganito si Mark pagkakain o kukuha ng pagkain." Panggagaya ni Lucas saka sumang-ayon naman sila.

Yun nga, gagayahin at pag-aaralan na ni Minhyung yung kambal niyang si Mark...

"So ganito kumain si Minhyung-"

"PATI PAGKAIN???" naiinis na tanong ni Mark.

"Oo kasi! Simula sa Lunes papasok kana. Di pwede na magsuspetcha yung mga kaklase at schoolmates natin!"

"Ugh. Fine."

Pati maliliit na detalye, itinuro ni Donghyuck ito kay Mark. Sobrang kilala talaga ni Donghyuck si Mark. Pati nga yung habits ni Minhyung alam niya.

"Ayoko sa paraan ng pananalita niya-"

"Pwes wala kang choice!"

"Pero parang ang slang at bobo pakinggan??? Yuck-"

"Lee Minhyung!" Tawag ni Donghyuck kay Mark na umiinit na naman yung ulo.

"ANO?!" Bulyaw ni Mark.

"Yiiieee. Nasasanay na siya Minhyung tawag ko sa kanya."

"Tumahimik ka. Ayoko nito-"

"Eto naman. Ang seryoso. Mainitin yung ulo mo noh? Sobrang ikli ng pasensya mo saka... ngiti ka naman."

"Yoko nga--- augh fine. Baliw ba siya ha? Bakit ang hilig niya atang ngumiti!"

"Yun yung paraan niyang mabuhay. Masayahin siya saka wag ka nang magreklamo please. Ilang araw nalang babalik ka na sa school." Sambit ni Donghyuck.

"Oo na! Oo na! Magcocooperate na po!"

Ngumiti lang si Donghyuck saka bumalik sa pagtuturo kay Mark na maging si Minhyung.

Kinabukasan, may mga litratong ipinakita si Donghyuck kay Mark. Ito yung mga listahan ng mga tao kilala nila... bilib talaga si Mark kay Donghyuck kasi yung kung magturo siya, andaming details.

Double Trouble || MarkHyuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon