"Aisht... may date pala kami ni Mark..."
Dapat masaya si Donghyuck kasi crush niya yung kadate niya pero bakit parang naiirita siya? Bakit ayaw niyang lumabas ng bahay?
Tumingin siya sa orasan saka bumuntong hininga. Oras na para maghanda... Dali-dali siyang naghanda saka naligo bago bumaba para kumain muna.
Wala naman yung parents niya kaya wala siyang kasabay kumain.
"HOOOY BAKLA! LABAS TAYO OY!" sigaw ni Jaemin saka pumasok sa loob ng bahay nina Donghyuck na di manlang nag-doorbell o kaya kumatok.
"Yayain mo jowa mo." Sambit ni Donghyuck sabay inaayos yung buhok.
"Eh busy yun kakaalaga sa baby Jisung namin."
"Tanga ka ba? Malaki na si Jisung saka di mo siya anak! Malandi ka no-"
"PAKE MO BA??? SIRAULO TO KABADTRIP."
"Saan ba asawa mo oy? Saka anak niyo?" Tanong ni Donghyuck inikutan ng mata yung feelingera at assumera niyang malanding fren.
"Ah, ngayon natanong mo, as you can see... may ano kasi eh... may dance workshop silang dalawa saka si Junjun na maliit ang junjun nilalandi si baby Lele ni Kunnie Eomma sabay singing workshop na rin... magkasama sila pota. Mga Hayof... bakit nga ba wala akong talent? Hayst... maganda nga ako pero walang talent aside sa landi..." Malungkot na sambit ni Jaemin at humiga sa sofa.
"Kaya eto ako ngayon... nagiisa... naglalakbay sa dilim. Bawat patak ng ulan at ang lamig-"
"Pota. Wag mo'ng ituloy Jaemin. Wag!"
"Anueba! Maganda boses ko noh saka-"
"Saka singlalim ng pacific ocean! Staph! Tahp! Staaaph!" Singhal ni Donghyuck.
"May date ka?" Tanong ni Jaemin sabay simangot.
Umiling si Donghyuck saka ayaw niyang sabihin na kikitain niya si Idol Mark. Wala pa kasig alam sina Jeno, Jaemin, Renjun, Lele at Jisung tungkol kay Minhyung at Mark.
"Sasamahan ko lang yung kaibigan ko."
"Ayyy... wala akong magawa-"
"Jaemin, magpaka-wife at nanay ka? Adbans tayo magisip kaya asawa mo na si Jeno at anak niyo si Jisung. Okay... so magluto ka para sa kanila saka magdinner kayo sa condo mo." Sambit ni Donghyuck saka nagspray ng perfume.
"AY OO NGA NOH?! LABYU HYUCK!" Sigaw ni Jaemin saka umalis pagkatapos niyakap si Donghyuck.
Ilang minuto ang nakalipas, dumating rin si Mark at ngumiti si Donghyuck sa kanya.
"Good morning." Bati ni Mark.
"Good morning din." Bati ni Donghyuck pabalik.
Pumasok sila sa isang kotse saka may driver sila. Di kasi pinayagan si Mark na umalis at magdrive... kaya eto... may driver siya.
"So saan mo gusto pumunta? Sa mall? Sa amusement park? Saan?" Tanong ni Mark at sumimangot si Donghyuck
"Yah. Sikat ka saka baka makilala ka ng maraming tao. Sa ano nalang tayo... aish. Ikaw bahala basta wag lang sa mataong lugar... baka madawit ako huhuhu..."
"Ano ibig mong sabihin Donghyuck?" Tanong ni Mark.
"Baka maging cover tayo ng balita jusko. Ayoko ng ganon. Maging headline saka ano... ayoko masira yung reputasyon mo. Idol ka Mark saka di lang idol... isang sikat na Idol..." nag-aalalang sambit ni Donghyuck.
"Ah... okay. Okay lang Donghyuck."
"Sorry talaga Mark pero ayokong mapagkamalang jowa mo. Ayokong maging centro ng media at attensiyon. Sorry ulit Mark..."
Mark balled his fist in anger, annoyance and frustrations. Napipikon at nagagalit kasi siya dahil bakit ayaw ni Donghyuck... Mark Lee na yung ka date niya at hard to get pa rin pero kapag yung kambal niyang si Minhyung yung kasama... sobrang landi niya.
Bakit ang unfair ng mundo?
Ano bang meron kay Minhyung na wala sa kanya?
Mapaklang ngumiti si Mark saka di niya ito pinakita kay Donghyuck.
Tahimik lang sila sa loob ng kotse at ayaw nila ito... ang awkward kasi saka... wala naman silang mapaguusapan...
Pinagmamasdan nalang ni Donghyuck si Mark at hinahanap yung pagkakaiba nila ni Minhyung sa panlabas na anyo.
Aside sa buhok... wala na. Wala nang pagkakaiba sa pisikal na anyo sina Mark at Minhyung... Si Minhyung ay may Blonde na buhok... Si Mark naman may Reddish Brown na buhok...
Si Minhyung, mahiyain at palangiti... matamis at innosente yung mga ngiti niya... kahit maliliit na bagay, mapapangiti na si Minhyung... Si Mark naman, Fierce at matapang. Bihira lang ngumiti at sobrang seryoso... para bang galit sa mundo at pinagkaitan ng kaligayahan.
Nagtataka si Mark kung bakit grabe makatingin si Donghyuck sa kanya. Pakiramdam niya tuloy may gusto na sa kanya si-
"Mark. Ngumiti ka nga... may titingnan lang ako." Sambit ni Donghyuck kaya ngumiti siya at umiling si Donghyuck saka tumango.
Ano ibig sabihin kaya nun?
"Bakit?"
"Tinitingnan ko lang kung may pagkakaiba ba yung ngiti niyo ni bebelabs." Sambit ni Donghyuck saka tumingin sa may bintana.
Mark was taken a back by that. Sa lahat ng ayaw niya, yung ikinukumpara sa kambal niya... ayaw na ayaw na ayaw niya talaga sa kakambal niya.
"Ah... ganun ba?"
"Oo... hehe."
Ayan... tahimik na naman... sobrang awkward nila. Walang nagsasalita saka parehas silang nakatingin sa may bintana. Date ba to?
"Nandito na tayo sir." Sabi ni Manong drayber and Tumango lang si Mark saka lumabas na sila sa kotse.
Pumunta sila sa isang arcade at walang masyadong tao. Sa arcade talaga sila pumunta at di naman sa nagrereklamo si Donghyuck ha? Okay na to...
Naglaro sila ng kung-ano-ano para pampalipas oras. Buti nalang walang nakakakilala kay Mark...
For lunch, pumunta sila sa isang mamahaling restaurant para kumain. Kilala naman siya ng may-ari kasi kapartner ito ng lola niya sa negosyo.
"So... saan ka lumaki Mark?" Tanong ni Donghyuck para naman may mapagusapan sila kahit konti.
"Pinanganak at lumaki ako sa Canada... saka lumipat kami dito nina Taeyong at Jaehyun dito noong 13 ako." Sagot ni Mark.
"Bakit di tini-Taeyong at Jaehyun mo lang sila? D-di mo sila tunay na magulang?" Gulat na tanong ni Donghyuck.
"Sira ka ba? Hahaha! Grave ka Donghyuck! Hindi ko sila totoong magulang okay? Since... wala na akong parents kasi pumanaw na sila... Kinopkop ako nina Taeyong at Jaehyun hyungs. Sa new registration ng Pangalan ko... sina Jaehyun at Taeyong hyungs na parents ko. Di alam ng publiko na sila talaga at sana wag mong ipapaalam yung totoo okay? Mahirap na kasi... anyways. Yeah. Sila na parents ko ngayon." Sagot ni Mark.
"Eh si Minhyung?"
Pota. Heto na naman tayo. Pisteng Minhyung na yan.
"Ano... naiwan siya sa Canada na Coma kasi siya at malapit mamatay kasama yung mga magulang ko. Ilang taon rin yang tulog saka... basta. Siya na magkukwento sayo." Sambit ni Mark saka tumango lang si Donghyuck.
"May big Concert kami sa Japan next next month at pinaghahandaan namin yun." Sabi ni Mark habang nakangiti.
"Wooowww... sana makapunta ako... kasi di papayag parents ko. Japan. Huhuhu. Saka ang mahal ng ticket-"
"Ililibre kita." Ngumiti si Mark saka umiling si Donghyuck. Pakiramdam niya tuloy ginagamit niya yung kambal...
"So anong petse ba yan Mark?" Tanong ni Donghyuck.
"Twenty three till twenty five. Tatlong araw na concert dun... may iilang guest din ang NCT U dun. Sige na Donghyuck, tanggapin mo na offer ko..." Sambit ni Mark saka nanlaki yung mata ni Donghyuck.
Intramurals pala nila natapat yung concert saka di siya pwede mawala kasi athelete siya saka malaking grades yun!!!
"No thank... intramurals yan namin saka di ako pwedeng mawala. Parte kasi ako sa varsity ng swimming team saka oo... athlete ako. Di pwede Mark... sorry." Wika ni Donghyuck saka malungkot na tumango si Mark.
"Sayang naman..."
"Uhm... de bale. Sa susunod na concert, fanmeeting at fansign events niyo pupunta ako." Sagot ni Donghyuck.
Pagkatapos nilang kumain ng pananghalian, naglakad-lakad sila saka may mga maswerteng fan na nakapagselfie kasama si Mark at binigyan ni Mark ng autograph.
"OMG! ARE YOU TWO IN A RELATIONSHIP???"
Walang maintindihan si Donghyuck saka tiningnan niya si Mark na nakangiti lang.
"Kyaaah! Ang kyot niyo!!!"
"Sorry miss. Magkaibigan lang kami saka nuepinagsasabi niyo oy?" Natatawang sagot ni Donghyuck.
At di na mabilang ni Mark kung ilang beses nabasag yung puso niya at nireject siya sa araw na yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/153886058-288-k950767.jpg)
BINABASA MO ANG
Double Trouble || MarkHyuck
Fanfiction"-magulo yung buhay, gaya ng love life at story natin apat."