Kaagad binuksan ni Minhyung yung pinto saka binati siya ng sakal ni Donghyuck. Sinakal talaga siya ni Donghyuck saka kinagat sa may balikat.
"Yah! Kala ko ba papasok ka ha?!" Singhal ni Donghyuck.
"Mahirap baguhin ang isip nina Mama at Papa... pero... pwede sumama ka? Umabsent ka kahit one day lang oh. Practice niyo lang naman mga athletes ah!" Sambit ni Minhyung.
"Bad. Very bed you ha! Baka mapagalitan ako ni coach kasi di ako sumipot sa practice-"
"Sige na... sama kana please? Pretty please? Please Donghyuckie? Umabsent ka muna ngayon para magkasama tayo." Pagpupumilit ni Minhyung.
Tumaas yung kilay ni Donghyuck. Papasok talaga siya at sisipot sa practice nila. Di bale na at mamimiss niya yung kaibigan niya at mag-aaway sila. Final na. Papasok siya at sisipot sa training.
"Ano naman kapalit?" Tanong seryosong ni Donghyuck.
"Papalandi ako sayo ng walang reklamo at lalandiin rin kita."
Uhm... sa susunod nalang pala siya sisipot at aabsent na muna siya ngayon. Di nalang siya papasok at sisipot sa praktice :')
"DEAL!"
"Kinausap ko na sina Mama at Papa dito. Okay lang naman daw sa kanila na sumama ka saka its not like proper classdays natin ngayon kaya umabsent ka na! Sige na..."
"Oo na nga! Oo na! Sasama ako sa inyo! Di dahil pumayag kang makipaglandian saakin ha..."
"Ha?" Tanong ni Minhyung saka umiling si Donghyuck saka hinila si Donghyuck papasok sa kwarto niya.
"Magbihis ka kasi di pwede nakauniform ka dun." Sambit ni Minhyung saka kumuha ng damit na isusuot ni Donghyuck.
Tumango lang si Donghyuck saka nagbihis sa damit ni Minhyung. Buti nalang kasya yung damit at pants ni Minhyung sa kanya... medyo skinny nga lang pota.
"Isuot mo ito. Saka ito nga pala regalo ko sayo galing Busan."
Nanlaki ni Donghyuck sa gulat at takot. Sapatos kasi regalo sa kanya ni Minhyung saka bad omen yun.
"Ayoko. Di pwede. Masama magregalo ng sapatos-"
"Ayaw mo ba sa design? Sa brand?" Tanong ni Minhyung na nanlalaki yung mata sa takot.
"Makinig ka bebelabs! Ang sapatos na regalo dito sa korea ay isang parting gift at ayoko nun huhu... di pwede! HINDI PWEDE!"
"I didnt know that... bakit di ko alam yan ha?" Tanong ni Minhyung habang nakasimangot.
"Ngayon alam mo na!"
"Pero... ayaw mo ba nito?" Malungkot na tanong ni Minhyung.
"Gusto pero ayoko maghiwalay tayo okay?! Parting gift nga yan eh! Ganito nalang. Para mabasag yung sumpa niyan, hati tayo sa price nito. Huhuhu. Bakit mo isinuot na to saakin ha? Bebelabs di pwede to!" Reklamo ni Donghyuck at parehas silang nagpanick.
"Talaga?! Maghihiwalay talaga tayo dahil sa sumpa nito?!" Natatarantang tanong ni Minhyung.
"Oo nga! Oo! Oo! Oo! Ano gagawin natin ha? Di tayo pwede maghiwalay. Di pa tayo gumagraduate friend!" Kaagad kumuha ng pera sa wallet niya si Donghyuck saka binigay ito kay Minhyung.
"Sana mawala yung sumpa..." sambit ng dalawa saka nag-dasal na mawala yung sumpa.
Iniligpit ni Donghyuck yung uniform at school shoes niya at iiwan niya yung bag at gamit niya muna sa kwarto ni Minhyung.
BINABASA MO ANG
Double Trouble || MarkHyuck
Fanfiction"-magulo yung buhay, gaya ng love life at story natin apat."
