"Hoy. Hanggang kelan mo tatakbuhan si Haechan?" Tanong ni Mark saka sumandal sa balikat ni Donghyuck.
"Hanggang kaya ko pang tumakbo." Sagot ni Donghyuck habang ginagawa yung assignments nila.
"Sabi ng coach mo, pag-di ka raw sumipot bukas iki-kick out ka na daw sa team."
"Shit... nakalimutan ko yung intramurals." Mura ni Donghyuck saka tumayo.
"Sige. Takbo pa."
"Swimmer ako Mark. Hindi runner."
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mark saka sinundan si Donghyuck.
"Sa school." Sagot ni Donghyuck habang kumukuha ng damit.
"Pero six thirty na?" Tanong ni Mark.
"Good. Wala nang tao dun saka masosolo ko yung pool. Sasama ka?" Tanong ni Donghyung saka tumango si Mark.
Inihanda ni Donghyuck yung bag niya saka pumunta sila sa bus-stop. Sumakay sila ng bus at pumasok sa school. May mga tao pa naman saka kaagad pumasok si Donghyuck sa club room.
"Anong nangyayari sayong bata ka ha?" Tanong ng coach nila at pinagalitan si Donghyuck.
"Patunayan mo'ng karapat dapat ka pa sa team Lee Donghyuck. Bukas, whole day practice natin saka wala akong pake-alam kung booked yung weekends mo. Kung ano man yung bumabagabag sayo, wag mo sanang apektohan yung pagaaral mo..."
"Sorry po ulit sir."
"Sige na. Uuwi na ako... gagamit ka ba sa pool?"
"Opo sir."
"Eto yung susi. Mauuna na ako sa inyo." Sambit ng coach ni Donghyuck saka umalis pagkatapos ibinigay yung susi kay Donghyuck.
Yung nga, nagbihis si Donghyuck sa kanyang swimming trunks at nauna na si Mark sa may pool.
"B-bakit ba ganyan lang yung suot niyo mga swimmers?" Tanong ni Mark habang namumula.
"Alangan naman mag jersey kami noh? Wag mong sasabihin sa kapatid mo na magkasama tayo at kung nasan tayo ha?" Sambit ni Donghyuck saka nagstretching.
"Bakit ko naman sasabihin? Di kami close noh. Saka grab the opportunity na kasama kita." Sambit ni Mark saka kumindat kay Donghyuck.
"Stress na stressed talaga ako. Si Minhyung panay Haechan, ganito siya ganyan. Bwisit siya. Kabadtrip." Reklamo ni Donghyuck saka isinoot yung swimming cap at goggles niya.
"Pero mahal mo. Mga bwisit kayo." Sambit ni Mark saka tumawa si Donghyuck.
"Oo mahal ko kaya mag-move on ka na please."
"Wala pa namang kayo saka isang threat si Haechan sa-"
"Paano kung si Haechan nalang yung sayo?" Tanong ni Donghyuck.
"Matatanong ko rin to sayo. Bakit hindi ako yung pinili mo Donghyuck?"
"Aisht. Ewan ko sayo!" Sagot ni Donghyuck saka umiling.
Nageensayo si Donghyuck at si Mark naman panay scroll at tingin lang sa kanyang social media.
Nagbabasa rin siya ng mga comments kaya nabwisit at nagalit tuloy siya.
"Bakit ka ba nag-aaegyo ha? Pisti ka. Sinisira mo image ko. Humanda ka Minhyung..." galit na sambit ni Mark saka tinawagan ni Minhyung.
"Hyung?"
"WAG NA WAG NA WAG KANH MAGPAPACUTE! COLLECT YOURSELF! UMAYOS KA NGA MINHYUNG! MUKHA KANG EWAN SAKA SINISIRA MO YUNG CO KO'NG IMAGE! WAG KANG MAG-AEGYO KUNDI SUSULUNGIN KITA DIYAN!!!"
BINABASA MO ANG
Double Trouble || MarkHyuck
Fanfiction"-magulo yung buhay, gaya ng love life at story natin apat."
