|The new student/s|

351 24 6
                                    

"Wag kang lumandi saakin ha? Ako lang ang lalandi sayo. Kuha mo?"

Tumango si Mark bago sila sumakay ng bus papunta sa school. Sobrang kinakabahan kasi siya. Pati rin si Donghyuck kinakabahan ng sobra.

"May training ako mamaya... boring dun saka... ano... uhm... baka mailang ka. Mga gago at siraulo yung mga teammates ko kaya..."

"Di okay lang. Di ako uuwi ng magisa..." sambit ni Mark.

"Minsan na kasing napagtripan si Minhyung nila saka... ayokong matulad sayo yun." Nagaalalang sambit ni Donghyuck.

"Ganon na ba siya ka uncool ha? Gosh. Lampa-lampa pa..."

Sumandal si Mark sa balikat ni Donghyuck nang may mga schoolmates nila na sumakay ng bus. Buti nalang malayo yung upuan nila...

"Donghyuck? Anlayo-layo ng binabyahe mo araw araw para makasabay lang si Minhyung." Sambit ni Mark.

"Anueba. Choice ko yun."

"Gusto mo ba siya?" Tanong ni Mark. Tinanong niya talaga kahit madurog yung puso niya. Bobo kasi siya pagdating sa mga ganyan.

"Anueba... siraulo ka talaga noh? Kinikilig tuloy ako ngayon." Sambit ni Donghyuck na nakangiting loko.

"So gusto mo nga siya?"

"Di ko pa alam." Pagsisinungaling ni Donghyuck.

Alam niya kasing may nararamdaman si Mark sa kanya at alam niya biyak na biyak at durog na durog na ito nang dahil sa kanila ni Minhyung at ayaw niyang dagdagan pa ito.

"Ah ganun ba? Pinaglalaruan mo lang ba siya?" Tanong ni Mark.

"Hindi ah! Sana kung laro lang to eh sana nagsports attire kami para ready."

Tumawa lang si Mark saka ipinikit yung mata niya. Nakasandal parin siya kay Donghyuck na tahimik lang na iniispam si Minhyung na di parin nagrereply.

At least nababasa niya naman yung mga message diba???

3 unread messages from
Markue❤

|7:20 am|

Good morning din
Hyuckie😊 papunta
na kayo ni Hyung sa
school diba? Ingat
kayo ha? Good luck
sa inyo. Sorry din...

Gagalingan ko talaga
mamaya kasi
manonood ka
diba?

\(>_<)/ ❤❤❤

"Shit... bakit ba ang kyot-kyot mo ha? Pota kinikilig tuloy ako loko ka Lee Minhyung..." Mahinang tili ni Donghyuck saka kinagat yung labi niya para makontrol yung feels niya.

"Si Minhyung ba yun?" Tanong ni Mark na nakasandal parin sa balikat niya.

"Mhmmm." Sagot ni Donghyuck at pinaglaruan yung buhok ni Mark habang nakangiting loko.

"Must be nice. He's so lucky to win you without even trying so hard like I always do..."

"Ha?" Tanong ni Donghyuck.

"Sabi ko, kinakabahan ako at gusto kong magback out."

"Shacks. Don'cha worry brotha' in law. Di kita papabayaan. Ano nalang sasabihin ng bebelabs kong nagpapakahirap at nagtatrabaho ngayon?"

Double Trouble || MarkHyuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon