ABBY GALE ORTEGA-ABELLARDO
Anak ka ng sandamakmak na katangahan, Abby. Ang tanga nun. Ugh! I miss you?! I miss you?! I miss you?! Bakit mo siya namimiss Abby? Araw-araw naman kayong magkasama! Naku ka talaga! Baka mamaya eh mamisunderstand niya yung sinabi mo! Ang bobo mo naman kasi! Kanina ko pa inuuntog ang ulo ko sa desk ko dahil hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kagabi. Maaga pa nga akong umalis ng bahay para hindi ko siya makita at para hindi kami magkasalubong dito eh. Huhuhu. Inaantok tuloy ako dahil sa kagagahan ko. Bakit kasi may pa'I miss you ka pang nalalaman diyan Abby? Close kayo?
"Ininom mo ba yung gamot mo ngayon araw o nakalimutan mo? Tatawag na ba ako ng susundo sayo para maadmit ka sa psych ward?" Nag-angat ako ng tingin at nakita si Jean na nakatayo at pinapanood ako. Nandito na pala siya. Medyo marami na rin pala ang mga tao dito.
"Maiiwasan ko ba si Jazz kapag naadmit ako dun?"
"Ah, so iniiwasan mo ang asawa mo kaya hindi ka nila mahanap kagabi?"
"Hmmm." Inuntog ko ulit ang ulo ko sa table at this time, medyo napalakas yata dahil medyo masakit.
"Bakit?"
"Hmmm?"
"Bakit mo siya iniiwasan?"
"Dahil ang tanga ko." Sagot ko at umayos ng upo.
"Matagal ka nang tanga, ngayon mo lang narealize?"
"Pwede ba, manahimik ka na lang diyan."
"Hindi. Kasi katabi mo ako eh so meaning, makikita ko yang ginagawa mong kabaliwan at hindi ako matatahimik so, hindi ako tatahimik hangga't hindi mo sinasabi kung anong problema mo."
"I told him that I missed him."
"Huh? Si Jazz? Sinabi mong miss mo siya?"
"I know. I know. It's weird and why would I tell him that, diba? As if naman close kami or something or as if naman we treat each other as if we're married talaga."
"Excuse me, you are married talaga and what's weird about that? Bago naman tayo nagkakilala nung high school eh kayong dalawa yung close. Lumayo lang naman ang loob niyo sa isa't isa dahil diyan sa kasal niyo but, you were close."
"Hindi weird or awkward?"
"Awkward siguro, oo. Pero hindi siya weird."
"But, he might misunderstand it. Baka isipin niya na nagugustuhan ko na siya."
"Okay sige, sabihin mo sa akin kung bakit mo yun nasabi sa kanya? Ano bang nangyari prior to that?"
"Nag-away kami."
"What's new? Eh halos araw-araw naman kayo nag-aaway pero hindi mo naman araw-araw sinasbai yan."
"I know pero, those were petty things. Last night kasi nagkasumbatan kami. I mean, we were really, genuinely pissed and frustrated, annoyed, and just angry. Tapos, akala ko matutulog na akong ganun but he came and apologize. Jean, he apologized! He was sincere. It was as if sobrang close pa namin and I just saw my childhood friend that time."
"Oh di yun, you were saying I miss you to your childhood friend and not to the Jazz that we know now. Huwag kang praning."
"Are you sure? Hindi niya yun na misunderstand?"
"No. And I think ikaw lang yung affected. Umayos ka nga, may presentation pa tayo mamaya." Dun ko lang naalala na may presentation kami mamaya regarding sa mga proposals namin to improve the sales of this company. Nakaready naman na yung presentation ko kaya hindi na yun problema. Pero, dahil may conference kami mamaya, ibig sabihin lang nun eh makakaharap ko si Jazz mamaya sa conference room. Jusko naman. Kaya nga ako nagising ng maaga at umalis agad sa bahay dahil ayaw ko siyang makita dahil nahihiya pa rin ako sa sinabi ko sa kanya kahapon pero heto at makakaharap ko pa rin pala siya, kumain na lang sana ako ng breakfast para hindi na ako nagutom.
BINABASA MO ANG
Husband and Wife: The Vow
Romance"If I tell you that I love you, will you stay?" "Tell me you love because that's what you feel and not because you just wanted me to stay."