HAW: Chapter 7

2.1K 34 0
                                    

ABBY GALE ORTEGA-ABELLARDO

It's my day off kaya nasa bahay ako ngayon whilst Jazz is at the office dahil may tinatapos siya. Pero it's not entirely my day off rin kasi naman inuwi ko rin naman yung mga trabaho ko from the office kaya instead of resting eh nagtatrabaho pa rin ako. Nandito ako sa study ni Jazz. Nagpaalam naman akong gagamitin ko itong study niya. Kahit kasi mag-asawa kami, we still respect each other's spaces at ayoko namang isipin niyang pinapakealaman ko ang mga gamit niya. Malapit ko an rin namang tapusin yung trabaho ko kaya okay na rin naman. Hopefully lang eh walang ibang ibato sa akin para makapagpahinga naman ako bukas. 

"Kain ka muna anak." Sabi ni manang sa akin sabay lapag ng tray ng pagkain sa coffee table. Si manang lang ang kasama ko dito sa bahay. Hindi kasi stay in ang mga labandera namin at ang mga naglilinis ng bahay. Jazz is a very private person kaya si manang lang ang naka stay in sa amin. "Uuwi ba si Jazz mamaya?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko po alam manang. Itetext naman ako nun kapag hindi siya uuwi."

"Ah. Oh kain ka muna para makapagpahinga ka saglit. Kanina ka pa nakahrap diyan sa computer. Baka sumakit naman ang mga mata mo diyan anak." 

"Okay lang naman manang. Magsusuot na lang po ako ng glasses." Iniwna ko muna ang trabaho ko at pumunta sa couch upang kainin ang pagkain na dinala ni manang. Mag-aalas dose na pala ng tanghali kaya pala gutom na ako.

"Kumusta na kayo ni Jazz?" tanong sa akin ni manang.

"Mabuti naman manang. Ganun pa rin naman. Wala namang nagbago." Sagot ko. Alam ni manang kung ano ang nangyayari dito sa bahay sa pagitan namin ni Jazz kaya hindi ko alam kung bakit pa niya tinatanong. We never had the best relationship and friendship! Maksi nung high school kami eh hindi kami nagpapansinan so imagine the shock I had when my father told me that I will be marrying him. Akala nga namin noon eh bakla siya kasi never siyang nagkagusto sa isang babae maliban sa isa. Si Farrah Romualdez. She is the school's beauty queen at naging sila nung second year high school namin hanggang fourth year. Naghiwalay lang sila nung pumunta si Farrah sa America. 

Naalala ko pa nun na mas naging masungit si Jazz nung umalis si Farrah at mas naging nakakatakot siya. Suplado naman na siya noon pa but after Farrah left, he became even more mysterious dahil hindi na siya nasama sa mga kaibigan niya at palagi na lang siyang nag-aaral sa library. Ganun lang ang ginagawa niya.

Same school rin ang pinasukan namin nung college pero magkaiba lang kami ng course. Business Administration sa kanya ako naman eh Accountancy. Bandang third year college nung sinabi sa amin ng mga tatay namin na magpapakasal kami. I thought he's going to disagree pero wala siyang sinabi at pinakasalan niya ako. Kaya wala akong laban. Tatlo sila versus ako. Mabuti sana kung humindi rin si Jazz noon para kahit papaano eh baka napigilan pa namin.

We've never talked about Farrah since then at ayaw na ayaw niya rin na nababanggit ang pangalan ni Farrah kaya magmula noon eh hindi ko na tinanong si Farrah sa kanya. Baka magalit pa sa akin. Nakakatakot pa naman kung magalit si Jazz. Pero... Napatingin ako kay manang at busy siya sa soduko na hawak niya. Matagal nang nagtatrabaho si manang kila Jazz kaya baka kilala niya si Farrah.

"Manang?" kuha ko sa atensyon niya.

"Bakit?"

"Kilala niyo po ba yung first girlfriend ni Jazz? Si Farrah?" Tumigil siya sa paglalaro ng Soduko at tumingin sa akin.

"Oo naman. Dinala niya noon si Farrah sa bahay kaya nakilala ko siya."

"Alam niyo po ba kung bakit sila naghiwalay? I mean, ang alam ko lang po kais eh naghiwalay sila nung pumunta si Farrah sa America. Then ayaw na po niyang pag-usapan si Farrah."

Husband and Wife: The VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon