ABBY GALE ORTEGA-ABELLARDO
"So ayon na nga, eh di siympre pumayag na lang ako kasi sayang naman yung effort niya diba? Ayoko namang masabihan na ang arte ko dahil lang hindi ako pumayag makipagkita sa kanya. So last night, I agreed and went to meet him at in fairness sa kanya. A+ for effort talaga! Tapos pumunta rin kami sa---"
"Can I tell you something?" tanong kay Jean, cutting her off habang nagkukwento siya about dun sa lalaking dinedate niya ngayon. Matagal nang ikinukwento ni Jean yung lalaki sa akin pero hindi kasi siya interesado kaya ilang beses niyang tinanggihan.
"Of course. May problema ba?" tanong niya sa akin. Totally stopping her story telling and pouring all her attention to me. Mas matanda sa akin si Jean ng dalawang taon kaya ate ate ko rin siya minsan kapag kailangan ko ng makakausap.
"He told me he loves me. Jazz told me na mahal niya ako."
"Teka teka teka. Vocal? Sinabi niya? Vocally?"
"Oo."
"Kailan?"
"Nung isang araw pa. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasahihin sayo kaya hindi ko nasabi kaagad, sorry."
"No. No no no. Okay lang. Hindi mo kailangang sabihin sa akin kaya maraming salamat pa rin at sinabi mo so, what happened? Bakit niya sinaving mahal ka niya? All of a sudden?"
"Remember his first girlfriend?"
"Oo naman. Si Farrah. Sino naman ang makakalimot dun? She always makes sure that everyone knows and remembers her." Sinimulan ko nang magkwento kay Jean lahat lahat. Detailed para mas maintindihan niya at mas matulungan niya ako kasi gulo g gulo na talaga ako. Paminsan minsan lang kami magseseryoso ng ganito kasi madalas eh nag-aasaran at pilosopohan lang kami. "Okay, so umiyak siya? Ano naman ang paliwanag niya kung bakit siya umiyak?"
"Sabi niya sa akin na bumalik daw sa kanya lahat lahat kaya siya naiyak. He also told me na mag-isa lang niyang hinarap yun kaya nung naalala ulit niya, naiyak siya. Pero ang sabi naman niya eh hindi naman na niya mahal si Farrah. Does that make sense?"
"Well, we have to consider also the fact that after Farrah left, naging mag-isa si Jazz. Maybe during those times na naiinis tayo sa kanya dahil naging mas suplado siya, maybe that was just his defense mechanism para hindi natin mahalata na may mali. And when you go through that alone, maiiyak ka rin naman talaga kapag binalikan mo."
"Pero, does it make any sense na wala na siyang nararamdaman kay Farrah?"
"Of course. Matagal na panahon na mula nang maghiwalay sila at si Jazz yung taong kayang mag move on at sa nakikita ko naman sa kanya, nakapag move on siya."
"Eh bakit ayaw niyang pinag-uusapan si Farrah?"
"There are things in our past na ayaw na nating balikan and we cannot judge the person kapag ganun. Traumatic sa kanya ang naging relasyon niya kay Farrah kasi first love nga niya diba tapos okay na okay sila tapos biglang ganun yung mangyayari? Pati rin naman ako kung sa akin nangyari yun, I will never talk about that person again."
"Should I worry?" I asked.
"Ask yourself, should you?" tanong ni Jean sa akin.
"I want to tell myself na wala dapat akong ipag-alala kasi nasa akin na ang apilyedo ni Jazz pero hindi naman kasi maiiwasan na mag-alala ako na baka meron pa." Sabi ko sa kanya.
"Isang simpleng tanong. Kapag nasagot mo ang tanong na ito, masasagot mo na rin lahat ng mga tanong na nadiyan sa isip mo." Sabi sa akin ni Jean kaya tumingin ako sa kanya. "Mahal mo na ba si Jazz?" Natahimik ako sa tanong niya at pinakiramdaman ko ang sarili ko. Nasasaktan ako, lumalakas ang tibok ng puso ko at hindi ako mapakali at iniisip ko pa lang na nagkakaharao sina Farrah at Jazz eh para na akong sinasakal. There's only one logical explanation kung bakit ganun ang nararamdaman ko. "And mukhang alam na nating dalawa ang sagot dun sa tanong. Kaya if I were you, ipaglaban mo yan Abby because between you Farrah? May laban ka, siya wala."
BINABASA MO ANG
Husband and Wife: The Vow
Romance"If I tell you that I love you, will you stay?" "Tell me you love because that's what you feel and not because you just wanted me to stay."