HAW: Chapter 5

2.2K 37 0
                                    

ABBY GALE ORTEGA-ABELLARDO

Shit, nasaan na ba kasi yun? Bakit hindi ko mahanap? Saan ko ba nilagay yun? Kung kailan naman kailangan ko na tsaka hindi ko mahanap. Jusko naman.

"Tangina naman Abby. Kanina pa ako nahihilo kakasunod sayo, ano ba kasi ang hinahanap mo?"

"Yung folder na binigay ni Jazz. Hindi ko alam kung saan ko nalagay pero either nandito lang yun o nasa bahay."

"Eh tinignan mo na ba sa bahay niyo?"

"Oo. Dun ko napansin na wala yung folder. Naalala ko kasi na dinala ko yun pauwj kaya ang buong akala ko eh nasa bahay lang kaya hindi ko hinanap pero napansin ko lang na nawawala nung may pinabago ng kaunti si Jazz sa proposal natin. Kagabi ko pa hinahanap sa bahay. Sigurado naman akong wala sa kwarto ni Jazz at wala rin sa kanya kasi kung kinuha naman niya sasabihin niya sa akin."

"Ano ba kasi yung folder na yun? Anong laman nun?"

"Basta, those are confidential files na pagmamay-ari niya."

"Eh baka hindi mo lang nakita. Maybe nasa bahay niyo lang."

"Well, I hope so or else pagagalitan na naman ako nun."

"Gaano ba yun kaimportante?"

"It's probably more important than my life to be honest."

"Ang OA mo naman. Baka namisplace mo lang. Tawagan mo kaya si manang para icheck niya sa bahay niyo."

"I already did. Hinahanap na rin niya kanina pa at hanggang ngayon eh wala pa siyang text o tawag."

"How important are those ba?"

"Basta it's important."

"I wish I could look with you pero I have errands to run so, gotta go."

"Ah. Sure. No problem." Pinagpatuloy ko ang paghahanap sa folder ni Jazz dahil siguradong pagagalitan na naman ako nun kapag nagkataon. Saan ko ba kasi nailagay yun? Sigurado naman akong sa bahay ko lang nadala yun eh.

"Miss Ortega." Nag-angat ako ng tingin nang may tumawag sa pangalan ko.

"Yes?"

"Pimapatawag po kayo sa Conference Hall. May emergency meeting po kayo with Sir Jazz."

"Ah. Sige. Sunod ako. Salamat." At dahil hindi ko pa rin mahanap yung hinahanap ko, I decided to go to the conference hall dahil baka magalit sila kapag na'late ako ng dating. Agad naman akong nakarating sa Conference Hall at halos nandito na ang lahat. Nakita ko rin si Jean na busy sa hawak niyang folder. Tumabi naman ako sa kanya since sanay na ang mga tao dito na lagi kaming magkasama so they always leave a spot. "Bakit daw?"

"Hindi ko rin alam. Nasa baba na ako nang tawagan ako ni Sir. Mukhang may problema dahil dun sa bagong kumpanya."

"Mas mataas ba sales nila? They don't even sell the same product. And what was the anme of their company again?"

"Alam mo naman yang asawa mo, gusto lagi eh siya yung number one. Kahit yata mga oil companies gusto niyang higitan. Golden Asia yata yun." Tumango ako.

"Yun nga yung sinasabi ko. He's so threatened about sa new company eh magkaiba naman tayo ng binebenta." Maya maya pa ay tumahimik na ang lahat dah dumating si Jazz. Seryoso lang siyang naglakad papunta sa harapan kaya napaayos kaming lahat. Hindi maganda ang kutob ko sa sasabihin niya.

"I called an emergency meeting for an important announcement. Banners just made a huge competition in the business industry as they've open their doors for future partnerships. Every businesses and companies have the chance to sign a partnership with them and having that spot will give us a lot more.opportunities to grow. We maybe be able to expand our ventures and build our branches to every part of the world however, the competition is also fierce. We are not the only one trying to win them but there are also other big and wealthy companies who are after this partnership, Mr Leon will elaborate more on this."

Husband and Wife: The VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon