ABBY GALE ORTEGA-ABELLARDO
"Hoy Abby, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Jean na nakapagpabalik sa aking wisyo. Kanina ko pa iniisip yung nangyari nung Sabado at hanggang ngayon eh hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ni Jazz. Kung paano niya iyakan si Farrah. May posibilidad na mahal niya pa si Farrah. Sabi nga niya na first love niya si Farrah at hindi naman agad mawawala yun. Gustuhin mo man o hindi, iba ang epekto ng first love. Palaging nag-iiwan ng marka and trust me, I have to learn that the hard way.
"Huh? Oo naman, bakit?" sagot ko bago bumalik sa ginagawa ko. Hindi ko alam pero ramdam kong wala ako sa sarili ko ngayon. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jazz nong Sabado na yun eh hindi na ako makatulog. Hindi ako mapakali na ewan. Natatakot ba ako? Kinakabahan? Pero bakit? Hindi ba't asawa naman ako ni Jazz? Natatakot ba akong baka iwan ako ni Jazz oras na bumalik si Farrah sa buhay niya? Bakit ba sobrang apektado ako? Mahal ko ba si Jazz? Gusto ko siya oo pero mahal ko na ba siya? Hindi ko alam. Nalikito na talaga ako.
At kung nagtataka kayo kung ano ang nangyari nung nagising si Jazz nung Sabado, umaakto siya na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung ayaw lang niya pag-usapan yung nangyari o hindi niga matandaan. Pero malabo yun kasi ramdam na ramdam ko ang distansya sa pagitan naming dalawa ni Jazz. Ramdam na ramdam kong gunagawa siya ng paraan para hindi magkrus ang landas naming dalawa so I did him a favour at maaga akong umalis kanina para hindi na niya ako makita at umarteng hindi niya ako napansin. Naging invisible ako bigla sa mga mata niya kaya natatawa na lang ako.
Alam kong napapansin na rin ni manang ang pag-iiwasan namin ni Jazz at alam kong gusto niyang magtanong pero hindi lang makakuha ng tiyempo. Hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko kay manang eh. Iniiwasan nga ako ni Jazz eh. Kahapon pa ako hindi mapakali kasi I know for a fact na magkikita at magkikita sila Farrah at Jazz at hindi pa ako handang dumating yung araw na yun pero kaoag dumating na nga, paano ko kaya ihahandle? Hindi ko naman matanong si Jean kasi ayaw ko namang probelmahin pa niya ang problema ko diba?
I decided to buy myself some Milktea para makapagrelax ako. Nagpaalam muna ako kay Jean at pakiramdam ko eh alam niyang hindi ako okay pero hindi naman na siya nagtanong pa. I also offered to buy her one but she declined it kaya pumunta ako sa Milktea shop na malapit lang din sa opisina para makabalik agad ako kapag may problema. I ordered my favourite Matcha flavoured Milktea and one order of Takoyaki. I just needed to get out of Jazz's radar kahit saglit lang. I decided to finish my food here bago ako bumalik sa opisina. Hindi naman tatakbo ang mga trabaho ko eh.
"Madalas yata ang pagkikita natin sa mga cafes." Nakangiting umupo si Harvey sa harapan ko. May hawak din siyang Milktea at siomai. "Okay ka lang?"
"Yeah. Medyo marami lang ginagawa sa opisina." Sagot ko sa kanya.
"Tungkol ba ito kay Abellardo?" tanong niya sa akin. "Hindi mo naman kailangang magsinungaling sa akin Gale. You can tell me the truth. Hindi naman malalaman ni Jazz kasi hindi ko naman sasabihin sa kanya dahil hindi naman kami close eh." Dagdag pa niya.
"Okay. Oo, siya nga ang dahilan."
"Bakit hindi mo siya kausapin kaysa nandito ka't iniisip yang nga tanong mo sa kanya?"
"Hindi mo naman kilala si Jazz eh. Kapag ayaw niyang makipag-usap, hindi niya sasagutin ang nga tanong mo kahit ano pa yan at kahit gaano pa karami." Sagot ko sa kanya.
"Pero asawa mo siya." Muntik na akong mabukunan sa sinabi niya. I was about to deny it pero naunahan niya ako. "Come on Gale. Pati ba naman sa akin eh magsisinungaling ka? Matagal ko nang alam na may asawa si Jazz pero hindi ko lang alam kung sino and the way he protected you that day, dun ko napagtanto na ikaw yun."
"Hindi naman ako ang prinotektahan niya dun eh. Yung documents na hawak mo." Sabi ko pero natawa lang siya sa akin. "Oh bakut mo ako tinatawanan?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Husband and Wife: The Vow
Romance"If I tell you that I love you, will you stay?" "Tell me you love because that's what you feel and not because you just wanted me to stay."