ABBY GALE ORTEGA-ABELLARDO
"Alam mo ikaw, hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari sayo, kahapon hindi ka mapakali ngayon naman balisa ka. Jusko. Ano ba kasi ang nangyari? Kahapon ka pa ganyan. Ang dami mo pang gagawin hoy. May mga trabaho ka pang kailangang tapusin. Tawagan mo muna yung utak mo na bumalik bago ka mawala." Sabi ni Jean dahil mukhang napapansin na niya na kanina pa ako nawawala sa sarili ko. Actually, kahapon pa to be honest. Hindi ko lang masabi sa kanya kung bakit dahil mahaba-habang diskusyon na naman yun.
"Huwag mo na nga ako pansinin."
"Ay. Paanong hindi kita papansinin eh nasa tabi lang kita, hello!"
"Pumikit ka na lang."
"Ay, tignan mo itong taong ito. Hoy Abellardo, huwag kang pilosopo."
"Hindi ako namimilosopo ano."
"Bahala ka na nga sa buhay mo. Kausapin ko nga si Jazz para halikan ka ulit. Mukhang nakuha niya yung katiting na utak mo eh." Nanlaki ang mga mata ko at namula ako nang sabihin yun ni Jean. Napatingin ako sa kanya pero mukhang wala lang sa kanya yung sinabi niya. Ilang beses pa akong napapikit dahil dun. Gustong gusto talaga ako nitong inaasar eh noh. "Oh bakit?" Tanong niya nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.
"Minsan hindi ko talaga alam kung kaibigan kita o kaaway eh."
"Ano na naman ba ang ginawa ko?"
"Ang lakas lakas kaya ng boses mong bwisit ka. Baka may makarinig sayo. At paano mo nalamang hinalikan ako ni Jazz?"
"Oh huli. Sabi na nga ba't may nangyari talaga sa inyo kaya ka nagkakaganyan eh."
"Huh? Akala ko alam mo na..."
"Hindi. Niloloko lang naman kita pero umamin ka. Hoy Abby, para sabihin ko sayo, mag-asawa kayo kaya normal lang yan. Bakit kung makaasta ka eh para kang ninakawan ng dangal?"
"Alam mo minsan, ang OA mo rin ano? Hindi kami nagkiss nung kinasal kami. Hinalikan niya ako pero sa pisngi at hindi sa labi. Normal lang naman siguro na maging ganito ang reaksyon ko noh."
"Jusko. Mabuti na lang talaga at nilagay ka sa arranged marriage kundi mukhang tatandang dalaga ka. Abby, mag-asawa kayo, what do you expect? I've had my first kiss pero hindi naman ako nawalan ng wisyo pagkatapos."
"Eh hindi lang naman kasi yun ang dahilan eh."
"Ano?"
"Basta. Magtrabaho ka na nga lang diyan."
"Eh di magtrabaho ka na rin diyan. Paano naman ako makakapagtrabaho dito kung yung katabi ko eh parang tinakasan ng kaluluwa."
Inirapan ko na lang siya dahil sa sinabi niya. Iwinaksi ko na muna ang mga tumatakbo sa isipan ko at bumalik sa trabaho. Mamaya ko na nga lang iisipin si Jazz. Marami pa akong aasikasuhin dahil na rin sa tumataas na kumpetensiya sa stock market kaya kailangan kong magdoble kayod. Naku! Siguraduhin lang takaga ni Jazz na tataasan niya ang sweldo naming lahat para ganahan naman kaming magtrabaho. Ah, basta ang importante eh nahanap na ang folder ni Jazz at hindi ko na iyon poproblemahin pa.
Marami akong nireview na mga budget proposals at inapprove'an after ng ilang revisions. Everyone is working really hard. Everyone's showing their determination to get that partnership with Banners. And I think my father also knows about it because he texted me at sabi niya eh magpahinga daw ako kahit saglit. Mag'aalas singko na ng hapon pero napakarami ko pang gagawin. May ilan sa amin nagdesisyong mag'ovednight at mag over time. The good thing is, may mga quarters dito na pwede nilang tulugan kapag gusto nila at pwede rin silang maligo. I told you, Jazz made sure that his employees' needs are met.
BINABASA MO ANG
Husband and Wife: The Vow
Romance"If I tell you that I love you, will you stay?" "Tell me you love because that's what you feel and not because you just wanted me to stay."