HAW: Chapter 2

6K 53 0
                                    

ABBY GALE ORTEGA-ABELLARDO

True enough, hindi nga umuwi si Jazz. Hinanap pa tuloy siya sa akin ni manang. Akala daw niya eh nag-aaway na naman kami. Hindi pa siya nasanay. Alam naman niyang araw-araw kami nag-aaway at hindi nabubuo ang araw namin kapag hindi kami nagsumbatan. Sigurado naman akong inaalagaan siya ng mabuti ng secretary niyang akala ko eh may-ari ng hacienda kung makapagkilay, hindi naman pantay. Tsss. Sarap sapakin din minsan eh. Pagtripan ko nga yun minsan, hindi naman siguro ako pagagalitan ni Jazz. Wala naman siyang pakialam sa mga ginagawa ko basta hindi makakaapekto sa negosyo niya eh.

"Dalhan mo kaya ng pagkain yung asawa mo anak? Baka hindi pa naghahapunan."

"Manang, maraming restaurants at fast food chain na nakapalibot sa building at may sarili siyang pantry at kung ayaw niya mga pagkain dun, may cafeteria sa baba. Pwede siyang magpadala ng pagkain."

"Eh hindi naman yun ang ibig kong sabihin, baka kasi makalimutan niyang kumain."

"Naku manang, yung secretary niya, siya na bahala dun sa bakulaw na yun."

"Anak, ikaw ang asawa ni Jazz kaya ikaw dapat ang mag-alaga dun."

"Manang naman. Alam mo namang walang araw na hindi kami nag-away and I plan to keep our relationship that way. Baka sabihin pa niyang naiinlove na ako sa kanya noh."

"Aba dapat lang naman kasi! Mag-asawa na kayo Abby. Ilang taon na ba kayo?"

"Ah, ayokong alalahanin."

"Kung ayaw mong dalhan ng pagkain yung asawa mo, pwes ako magdadala, bahalang multuhin diyan."

"Manang naman, nanakot ka pa."

"Oh di kung ayaw mong sabihan ka niya na nahuhulog ka na sa kanya eh di samahan mo na lang ako. Ako na magbibigay."

"Jusko naman, akala ko matatahimik na ang buhay ko ngayong gabi pero perwisyo ka talaga Jazz Lorenzo!" Kinuha ko ang susi ng kotse ko at nadatnan ko si manang na nasa labas na. I unlocked the car kaya pumasok na siya. The company is located fifteen minutes away by car kaya medyo malapit lang naman. At ang buong akala ko eh tatantanan na ako ni manang, nagkamali ako. Hanggang sa loob ng kotse eh sinesermonan niya ako. "Eto na nga manang, ipinagmamaneho ka na nga eh."

"Ewan ko naman kasi talaga sa mga ninuno niyo at ipinagkasundo pa kayo. Kayong dalawa pang hindi magkasundo."

"Manang, kaya kami hindi magkasundo eh dahil ipinagkasundo kami. Hindi ko naman makikilala yang damuhong alaga niyo kung hindi dahil sa sanduguan ng mga ninuno namin eh at sa kamalas malasan eh sa amin pa natapat."

"Anak, wala ba talagang pag-asa na magkagusto kayo sa isa't isa upang magkasundo na kayo? Paano kayo kagkakaanak niyan?" Muntik na akong mapapreno nang malakas nung sabihin iyon ni manang.

"Manang naman! Bata pa ako!"

"Anong bata sa trenta? Dapat nga may anak na kayo kasi ilang taon na kayong kasal eh."

"Iniisip ko pa lang na magkakadikit kami ni Jazz eh nasusuka na ako. Tama na nga yang imagination mo manang." Hindi na siya ulit nagsalita kaya hindi na rin ako umimik pa. Aware naman ako na gustong gusto ni manang na magkaanak na kami ni Jazz pero hindi ko lang talaga makita ang sarili ko or kaming dalawa ni Jazz na magkaroon ng anak. Magsama nga sa isang kwarto eh kinikilabutan na ako. Paano pa kaya kung yung magkatabi na kami diba?

Nakarating rin naman kami agad sa kumpanya and I just parked in front of the building since mabilis lang naman kami eh. Pinabantay ko na lang muna sa gwardiya yung kotse ko and since hindi ko pwedeng samahan si manang hanggang sa opisina ni Jazz, nagpaalam akong pupunta ako sa table ko. Alam naman na niya kung nasaan yung opisina nung gagong yun.

Husband and Wife: The VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon