TWSLMO Chapter 14: Naguguluhan Part 1

146 10 0
                                    

Eto na yung week na pwede ng mag yaya yung mga lalaki sa gusto nilang maging kadate. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sasama ako. Nakakaloka ang nanay ko.. ang tagal mag decision. Tsktsk.

Hindi rin ako pumasok ng 2 araw last week. Hindi ko talaga kaya eh. OA ko noh? Nakakainis eh. Mamaya di ko mapigilan pag nakita ko yun masapak ko eh. Hihi.

Hindi ko rin alam kung sasama ba talaga si Mark sa prom. Baka naman sumama yun hindi ko pa alam. Maubusan pa ko ng partner eh.

Pagdating ko ng room, kung ano anong kakornihan ang nakita ko. Hahajoke. Nagkalat ang mga papel na heart, bulaklak at kung ano ano pang props na kaylangan para mang-aya. Pero dedma lang sakin. Si Mark kasi ang una kong hinanap. Hihi

“Mark!” malakas na sigaw ko dahilan para mapatingin sya. “Oh ma? Bakit?” sagot nya sakin sabay binitawan nya muna yung hawak nyang ballpen, nag susulat kasi. “Ano? sasama ka ba sa prom? Baka maubusan tayo ng partner. Ako na lang yayain mo. Hehe.” Pagbibiro ko sa kanya. Bigla naman syang napahawak sa baba nya at biglang itinaas ang tingin na akala mo nag iisip talaga. “hindi ko alam ma eh. Kasi pag naghanda ako sa birthday ko, hindi na daw ako pupunta ng prom.”

Ay, oo nga pala. Malapit na ang birthday ni Mark... March 4. Eh March 8 ang JS Prom namin. Ay mali.. nila pala. Hihi. Ayan, caught between two worlds tuloy si Mark. Oh hindi mo gets? Idioms yan. Search mo nalang para relate ka. Ha ha ha *insert sarcastic tone* may natututunan rin naman ako sa English namin noh. Hihi

Sa sitwasyon namin ni Mark, hindi kami makapag final decision. Ang hirap lang kasi ma rush. Yung biglaang papayag yung magulang. Hindi naman kasi ganun kadali makahanap ng gown na susuotin. Ano gusto nila Magic? Hihi

Biglang pumasok yung TLE/Health teacher namin. May hula na ‘ko. Walang discussion na magaganap. Alam kong tatadtarin si Mam ng mga tanong galing sa mga classmate ko. Siya kasi ang naatasan sa mga gagawing activities ng school. Kaya syempre, kasali na ang JS Pr –

Hindi pa ko tapos mag salita eh may narinig na kong sigawan at tanong ng mga classmates kong gutom at uhaw sa JS. Tsk. Kakasabi ko lang eh.

“Mam, san pwede mag rent ng Gown?”

 

“Mam, wala pa kong partner!”

 

Si mam naman, may dala pang props. Kunwari mag di-discuss pero alam naman naming walang mangyayari. Hihi. 1 2 3 para paraan eh. Yung mga estudyante rin naman. Tanong lang ng tanong para pampaubos ng oras. Nagmistulang palengke naman ang classroom namin.

Magkatabi kami ni Mark. Parehas lang kaming nakatanga. Walang masabi. Nganga. Paano, hindi kami makarelate sa pinag uusapan nila. Hihi bigla namang may tinanong ang teacher namin.

“Sino ba dito ang hindi sasama sa JS? Meron ba?”

Napaayos kami ng upo ni Mark sa tanong ni Mam. Kasi dun makakarelate kami. Sabay naman kaming napataas ng kamay. Napansin kong kami lang din ang nagtaas ng kamay. So gustong gusto talaga nila pumunta?

Two words, Six letters: MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon