TWSLMO. Chapter 4: Kristoff Axel Rodriguez

452 16 1
                                    

Kristoff’s POV.

  Matagal na kaming hindi nakakapag usap ni Lorraine simula nung nakipag break sya. Ang ayos ayos ng relasyon namin pero hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nya. 4th year HS na ako ngayon. Bihira ko na syang makasalubong sa corridor. Iniiwasan ko na rin kasi sya.

Isang taon kami naging mag MU. Ganon ko sya kamahal, kaya ko maghintay kahit gano katagal. Una ko syang niligawan nung March 8, 2011. Pero nakipag break agad ako, hindi dahil sa hindi ko na sya mahal. Graduating kasi sya, remember? Ayokong makasira sa pag aaral nya. Focus muna sya. Hihintayin ko na lang sya hanggang makatungtong ng HS. Hindi ako katulad ng ibang lalaki dyan, na puro pangako lang. Hinintay ko sya at naging kami ulit.

FLASHBACK.

“Break na tayo. Sorry.” Sabi ko sa kanya.

“huh?! Bakit? Anong problema? Akala ko ba mahal m’ko?” naiiyak na tanong nya.

“Hindi kita Mahal, Lorraine. Mahal na mahal kita. Kaya ko lang naman to nagawa kasi ayokong makasira sa pag aaral mo. Graduating student ka. Hihintayin naman kita eh.” Masayang sabi ko sabi ko sa kanya.

Nakita ko naman na pinahidan nya yungluha sa mata nya at napalitan ng ngiti ang mga ito.

“Salamat, Kristoff. Akala ko iiwan mo na ako eh. Sige hayaan mo, pag bubutihin ko ang pag aaral ko. Mahal na mahal kita,” then she hugged me tight.

END OF FLASHBACK.

First day of Class palang, niligawan ko na agad sya. Ayoko ng patagalin pa. Parehas na kaming HS student. Ayokong mawala pa sya sakin nun. Mahal na mahal ko sya. Naging kami nung June 17, 2011. Pero hindi rin kami nagtagal. Aish. 4 months lang ang itinagal namin. Pero all in all, we counted as 1 year & 7 months. Lahat lahat na yan, simula nung nagmahalan kami.

Sadyang mapaglaro ang tadhana at pinaghiwalay kami.

Akala ko nga forever na kami eh. Tsss. Madami pa namang nag sasabi samin nun na, “Uy kelan ba kayo  mag be-break?” lagi lang sinasabi ni Lorraine na, “Hindi kami mag be-break kasi FOREVER na kami.” Ansarap pakinggan ng mga salitang yun galing sa bibig ni Lorraine, pero ngayon unti-unti ng nadudurog ang puso ko pag naaalala ko yun.

Aiish. Bakit nga ba kami nag break? Sumali kasi sya sa Basketball Team ng school namin. Varsity sya, hanggang ngayon. Nung una pinagbawalan ko sya, ayoko kasing napapagod sya. Hindi ko rin naman alam na ito pala ang magiging dahilan ng pag b-break namin. Naging tomboy sya. Nagka gusto sya sa isang player sa ibang school. Eto na nga yung kinakatakot ko eh – yung iwan nya ‘ko. Napaka walang kwentang dahilan noh? Wala akong nagawa kaya nakipag break na dn ako. Ayaw nya na eh. Yan, yan LANG yung dahilan. Siguro, dala na rin dahil bata pa sya kaya kaya nya ng sumuko ng ganun ganun na lang.

 After ng ilang months, nakikipag balikan sya. Ini-ignore ko lang sya. Di ko sya pinapansin. Ayoko na, ayoko na masaktan. Tapos na kami. Nabalitaan ko nga eh, na ako pa din daw ang mahal nya hanggang ngayon. Grabe lang, 3 taon na yun. Pero may narinig din ako na nagka boyfriend daw sya after ng break up namin yung isa REBOUND lang daw tas yung isa naman, medyo sumaya sya dun pero hindi rin nag tagal katulad nung amin. Si Clarence at Kaizer ata eh?

Ann’s POV.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko.. As usual, senti muna. Iniisip  ng isip ko na kung minsan ba eh nagagawang isipin ng isip ni Kristoff ang isip ko? Hahahaha. Nababaliw na naman ako. Ayun, pinapakinggan ko yung theme song namin noon, “ONE AND ONLY YOU.” Hay. Nakakamiss sya. Although medyo nakalimutan ko sya nung enetertain ko si Kaizer, pag naaalala ko na naman yung Memories namin, nagiging tanga na naman ako. Aiish >//<

Naaalala ko yung:

Lagi kaming maaga pumasok para tumambay sa bench ng school namin. Ang saya saya namin nun.

Pagmagkaholding hands kami, ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kinukuryente ako, di ko nga alam kung kaano ano nya si Pikachu eh. Hehe.

Pag may chance na kaming dalawa lang, hindi sya katulad ng ibang lalaki na hahalikan ka bigla. Instead, hahalikan ka lang nya sa noo. Ang sweet dba? Ang galang pa. Yiii.

Tinuruan nya ko mag dota, pero imbis na mouse ang hawak ko, kamay ko ang hawak nya. Ahihihi. Anlandi

Di kami masyadong nagtetext, puro phone calls lang. Ang cute cute ng boses nya.

Lagi nya pa akong kinakantahan, with matching gitara. Pwede na ‘kong mamatay sa kilig. Hehe n_n

Chaka yung nasa bicol sya, sakto monthsary namin. Eh ndi kami magkasama L nagulat ako, may nag abot sakin ng chocolates, galing daw sa kanya. Happy monthsary daw samin. Hala, anak ng teteng. Akala ko nakalimutan nya na monthsary namin eh. Pakiramdam ko tuloy nasa tabi ko sya. Yiii.

Ano ba daw bang romansa ang ginawa ni Kristoff at napaibig daw ako ng ganto? Aba, malay ko din. Bat di nyo tanungin si kupidong walang ibang ginawa kundi pahirapan ang puso ko. Huhuhu.

Si Clarence nga pala, parang napilitan lang ako na payagan syang ligawan ako ulit. Para lang maipakita sa lahat ng tao na kaya ko na. Na nakalimutan ko na si Kristoff. Ansama ko ba tignan? Huhu. Nagmamahal lang naman yung tao pero hindi ko masuklian yun, sinasaktan ko pa. Pero hindi lang naman sya ang nasasaktan eh. Pati rin naman ako, na puro si Kristoff lang ang nasa puso ko. Katangahan na ba ‘to? Kasi parang sinasara ko yung puso ko sa ibang tao. Aynko, kung di pa talaga ako ready, kakausapin ko na lang siguro sya para tumigil muna. *tango tango* TAMAAA. Kyaaaaaa! ^O^

___________________________________________________

AN:

Naguguluhan ba kayo? Hihi. Ganto yun:

Kristoff Axel Rodriguez- (1 yr & 1 month) Gr. 6

Clarence Macatangay- (1 month) 1st year

Kaizer Young- (4 months)- 2nd year

// Ngayong present, may gusto pa rin sila Clarence at Kaizer kay Lorraine. Pero si Lorraine, si Kristoff pa rin ang mahal. Kaya patitigilin nyang manligaw si Clarence.

Haynkoooo. TANGA ba si Lorraine? May dalawa naman kasing tao na may gusto sa kanya, pero ipinagsisiksikan nya pa rin ang sarili nya kay Kristoff, kay Kristoff na walang malay.

Abangan nyo na lang kung ano ang susunod na mangyayari sa magkaribal na si Clarence at Kaizer. Palimos naman ng Vote and comments para ganahan! ^O^ Hihi. Godbless :*

~ Lalaineee <3

Two words, Six letters: MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon