TWSLMO. Chapter 7: NAKAMOVE ON NAKO. (weh?)

306 14 0
                                    

Ann’s POV

NAKA MOVE ON NA ‘KO.”

 

“NAKA MOVE ON NA ‘KO.”

 

“NAKA MOVE ON NA ‘KO.”

 

“NAKA MOVE ON NA ‘KO.”

Paulit ulit na sabi ko sa sarili ko. Weh? Talaga? Naka move on nko? Di nga? Yung totoo? Dahil lang ba sa nagawa kong iwasan sya eh ibig sabhin naka move on n’ko? Hindi ba pwedeng isip ko ang nag pasya nun at pati ako nagulat sa sinabi ko? Ha-ha-ha. Natatawa na lang ako sa kabaliwan ko. Hindi naman talaga yung break-up ang masakit eh.. kundi ang MEMORIES na naipon nyo nung mga panahong masaya pa kayo.. sweet pa kayo.. NUNG PANAHONG MAHAL NYO PA ANG ISA’T ISA. Hayy >//< sabi nila it takes time para makalimutan mo yung tao na yun.

 Pero juskolord, hindi pa ba sapat ang tatlong taon?  Ang tagal tagal na eh Huhuhu minsan gusto ko nang sumuko dahil ako lang naman yung nahihirapan. Pero alam mo yung feeling na HOLDING ON ka pa rin dahil nagbabakasakali ka na “BAKA” may CHANCE pa. Bt ba kasi ganun? NAPAKA daling sabhin na naka move on ka na. SUKDULAN NG.. UBOD NG.. SOBRANG DALING SABIHIN NA NAKA MOVE ON KA NA. Bkit ganun? Paki explain with feelings please or kung mas mabuti pakibato ako ng lampra sa ulo para maliwanagan. At pwede ba konsensya, tigilan mo na kakaisip sa kanya. Pwede bang kahit ngayong araw lang absent muna sya? Tss. Kainis eh.

( HOY ANN ANG KAPAL NAMAN NG MUKA MO. AKO BA ANG NAG IISIP SA KANYA? ANAK NG TINAPA KA. ANG LIIT LIIT NA NGA NG UTAK MO TAS SI KRISTOFF PA YUNG LAMAN. DINADAMAY NYO PA AKO SA KATANGAHAN NG PUSO MO! CHE )

Huhu ang hard. Oo na ako na nag iisip. Hindi ko kasi mapigilan. Pakingtape. Andto pala ako sa classroom at dahil absent na NAMAN yung teacher namin kung ano ano na namang chismisan ang naririnig ko dto. Ako? Nakamasid lang sa kanila habang nag sesenti. HAHAHAHA. Jklang

“Oh pre, pusta mo akina. Miami ako ikaw ano? Bilis!” rinig na rinig kong nagpupustahan pa yung mga kklase ko. Haha. Talaga nga naman mga walang magawa. Ganto kami pag walang teacher. Yung iba naglalandian. Yung iba nag c-cellphone kahit bawal. Yung iba nakain. Yung iba nag papaalam na mag c-CR lang pero pagbalik may pag akin ng dala.. yung totoo? Nasa cr na pala yung canteen? Di ako updated, bukas na pala si Aling Puring! Hahahahahaha. Mga classmate mong sira ulo oh. Maya maya, may kumatok sa pinto ng room namin. At laking gulat ko sa nakita ko kung sino yung kumatok. O.O

 

“pwede po bang ma-excuse si Joy? May iaabot lang akong papers para sa intrams next week. “ OO. TAMA KAYO. SI KRISTOFF NGA. AT HINDI LANG YUN, yung mga classmates ko.. kung ano anong parinig ang ginawa.

“EHEM.” Sabi ni Mark sabay tumingin sakin.

“HMMM. Seventeen. Ehem.” Sabi naman ni Sheena, isa sa kaibigan ko. Oo, 17 kasi yung number namin ni Kristoff remember? -_-

May mga sapak siguro tong mga ‘to. Binigyan ko sila ng isang matinding baka-kiligin-ako-asa-kayo look. At sabay naman silang tumawa. Sus! Totoo naman baka kiligin? Eh naka move on nko.

Two words, Six letters: MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon