TWSLMO Chapter 5: Clarence, Kaizer & Lorraine.

333 16 0
                                    

Kaizer’s POV.

  This is my First POV right? Buti naman at naisipan ng Dyosa nating author. Kala ko wlang plano eh. Hahaha. V^_^. Ako nga pala yung Ex ni Lorraine nung 2nd year kami. 4 months lang ang itinagal namin, di pa rin daw sya nakaka move on sa Kristoff na yun. Pero nung naging kami, maeffort ako. Lahat ginagawa ko para mapasaya lang sya. Naramdaman ko rin naman na minahal nya ‘ko. Masaya na ‘ko dun. Kaya lang, mas nangibabaw lang talaga ang pag mamahal nya kay – tss, sa walang kwentang Kristoff na yun. At dahil tapos ko na gawin yung assignments ko, itetext ko muna si Lorraine. Wala naman atang masama diba, miss ko na kasi yun eh. Hehe.

“Hi Lorraine, kamusta ka na? Hindi kasi kita nakita kanina sa school. Mukang busy ka. Alam mo, miss na kita. Sana magreply ka, let’s talk.”

MESSAGE SENT.

Wala pang 3 minutes nakapag reply agad sya.

“Ano ba yan Kaizer! Panira ka ng moment. Nag e-emote ako eh T___T huhu. Okay naman ako noh. Kanina kasi si Mark lang ang kasama ko. Alam mo tigil tigilan mo nga ako sa miss miss na yan. Hehe. Joke lang. Sige, ano naman ang pag uusapan natin?” text ni Lorraine.

Tsss. Nakakainis. Hanggang ngayon, Kristoff pa din. Hindi ba sya napapagod mag senti at mag emote? Ibang klase. Pfft. Kakamustahin ko na lang ang panliligaw ni Clarence sa kanya, alam kong hindi nya pa yun mahal kaya hindi ako nawawalan ng pag asa.

“Kristoff na naman. Aiish. Nga pala, kamusta na ang panliligaw sayo ni Clarence? May ginagawa ba sya syo? Mahal mo na ba?”

“Ay oo nga pala, alam mo ba may balak akong patigilin sya sa panliligaw.”

Wow. Nagulat ako. Tama ba ang nabasa ko? Sabi ko na nga ba eh, may chance pa. Haha *evil laugh* akala mo Clarence ah. May pag asa pa ‘ko. Tss. Then i smirked.

“Oh? Bakit naman? Di ba sya deserving? At kelan mo patitigilin?”

“Bukas, kaizer. Ano kasi eh, ayoko syang paasahin. Alam naman siguro ng lahat na – na si Kristoff pa din ang mahal ko. Ayoko munang may manligaw sakin kaya ganun.”

Damn. Akala ko may pag asa ako -_- pero wag mawalan ng pag asa. Kaya ko ‘to.

“Ganun ba. Alam mo, bakit ba hanggang ngayon sya pa rin? Wala naman kayong pina panghawakan ah? Ganun ba talaga sya kahirap kalimutan? Kung ikukulong mo ang sarili mo sa kanya, pano mo sya makakalimutan? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo sa kanya. May mga tao pa naman sayo na nagmamahal. Hindi lang sya ang lalaki sa mundo.”

Yesss. Hugot pre! Ganun talaga. Kapag gusto mo, gagawa ka ng maraming paraan.

5 mins later –

 

15 minutes later –

Two words, Six letters: MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon