TWSLMO Chapter 15: Naguguluhan Part 2

147 11 0
                                    

Matapos nung nangyari kanina eh ndi ko pa rin talaga alam kung pupunta ako. Si Mama kasi ang tagal magdesisyon. Kaloka.

After nung competition eh ndi muna ako bumalik sa school na pinuntahan namin. Umattend muna ako sa PE class namin. Kapag P.E namin merge kaming dalawang section. Ibig sabhin same schedule.  Sabay nag p-PE. Agad naman kaming pinaakyat ng PE teacher namin sa 7th floor para dun magtipon dahil hindi kami kasya sa isang room.

Iniwan ko muna ang lahat ng binigay ni Clarence sa classroom. Pag akyat ko ng 7th floor biglang lumapit sakin si Mika, classmate ni Kaizer.

“Uy! Tulungan mo kong buuin tong puzzle please!”

Nilagay nya sa table lahat nung mga puzzle na kailangan buuin. Nagmamadali sya. natataranta. Parang hinahabol. Kaya naman si Ako, tinulungan sya. hindi na ako makatanggi dahil parang kaylangan nya talaga mabuo yun.

Parang madali lang naman yung puzzle eh. Habang binubuo eh may words na nakasulat. Nung malapit na naming mabuo, bigla akong nakaramdam nung may nakasulat na “WILL”

Bigla ng nag akyatan yung dalawang section. Ang iingay nila. Nasa may left side ako ng 7th floor. Dun dumaan ang mga classmate ni Kaizer. Sa right side naman yung mga classmate ko. (2 kasi yung staircase namin)

Nung matapos na naming mabuo, “Will you be my promdate?” ang nakasulat. Bigla akong napabitaw dun sa puzzle. Binigyan ko ng ano-to-look si Mika. Hindi ko kasi maintindihan kung para saan/kanino yung puzzle.

Nagsisigawan din yung kabilang section.. section nila Mika. Nagulat ako sa huling dumating sa may right staircase

Si Kaizer.

 

May hawak na paper flowers

 

Chocolates

 

Letter

Juskolord. Ayokong ma aasume pero ano na naman ba ‘to? Sana wag. Huhu!

Pero hindi gumana ang prayer ko kay Lord. Tama. Yayayain nya nga ulit ako. Tanginames. Hindi pa nga ako nakaka get over sa unang nangyari may panibago na naman. Huhu. Same day pa. Pakshet.

Lumapit sakin si Kaizer. Bigla akong napatingin kay Mika. Peste. Naloko nya ko sa mga pasabog nya. Kaynis. Uggh.

“Ann, kaya papel ang bulaklak na binigay ko sayo kasi may papel ka sa buhay ko.”

Hindi ko alam kung iiyak ba ko sa kakornihan nya o iiyak sa saya. Hahaha. Narinig ko naman na nag sisigawan yung classmate nya.

Say yes!”

Napatingin naman ako sa section ko. Lahat sila naka poker face at nakatingin samin. Para tuloy ang nangyayari ay Clarence vs. Kaizer. Section ko at section nya.

Two words, Six letters: MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon