TWSLMO Chapter 13: Prom

162 11 0
                                    

Ann’s POV

1 week ago na since matapos yung intrams namin. Halos napagod ako ng todo nung last day. Binuhos ko kasi yung lahat ng energy ko dun :3

May incoming activity na naman sa school namin “JS PROM” daw. Dati ndi ako namo-mroblema dyan, pero dahil 3rd year na ‘ko eh kasali nko dyan.

Hindi pa pala ako nakakapag paalam kay Mama, kaya ndi ko pa alam kung sasama ba ako. Usap usapan na rin sa classroom namin yung mga magiging Prom date daw nila. Ako naman, dedma lang. Kaya naman kinausap ko si Mark.

“Psst, Mark.” Tawag ko kay Mark dahilan para lumingon sya.

“Oh bakit?”

 

“Sasama ka ba sa prom?” tanong ko sa kanya at makikita mo sa muka nya na nag iisip sya ng isasagot.

“Uhm. Ewan eh. Di ko lang sure. Ikaw?”

 

“Di ko rin alam, e. Di pa kasi ako nagpapalam kay Mama. At chaka andaming gastos eh.”

 

Kung saka-sakaling di pumunta si Mark eh ndi na rin ako sasama. Bukod sa may karamay n’ko, gastos pa yun. Di ko pa kasi yun nararanasan kaya sakin parang ndi kawalan yun.. okay lang. Hindi big deal.

Ang daming gagastusin dun noh.. 1, 500 yung bayad. Plus yung gown mo pa tapos yung pa make-up. Eh pwede naman hindi pumunta dun. Marami ka pang mabibili sa halos 2k.

Narinig ko din na nag e-explain yung teacher namin sa harap.. na next week pa daw pwedeng mag aya kung sino ang gusto mong maging prom date.

Syempre.. magkakalat na naman jan ang mga chocolates, flowers, bouquet at cardboard na may nakasulat na “Will you be my promdate?”

Yung iba ko namang mga kklase eh natataranta na kung ano ang gagawin nilang pasabog. Kanya kanyang plano ng mga boys kung pano nila yayayain yung mga magiging partner nila.

Ang unang dahilan na naisip ko para hindi ako makasama eh yung bayad..  kasi andaming binaayaran sa school tapos dadagdagan ko pa. Hindi pa nga ako bayad sa tuition ko eh. Pano kaya ako makakapag exam nito? Hehe

Pero dahil mas nangibabaw yung curiousity ko, gusto ko tuloy sumubok sa prom.  Hihi

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko.. alam kong bawal to pero syempre patago kong gagamitin noh. Ninja moves lang ang katapat. Pro na e. Hihi sanayan lang.

Pagkuha ko ng phone ko eh tinext ko kaagad si Mama. Itatanong ko kung sasama ba ako ng prom. Marami na rin kasing nagtatanong sakin eh, pero wala akong matinong maisagot.

To: Mama

“Ma, sasama ba ako ng prom?”

Two words, Six letters: MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon