Ch. 1 - The Start of Something Crazy

40 2 0
                                    

- Friday, 3:47 PM -

     Isang napaka-normal na araw sa eskwelahan, patapos nang magturo si Mr. Reyes ng Math sa kanyang mga Gr. 12 students, pakurap-kurap na ang mga mata ng mga estudyante sa antok, dahil ito ang huli nilang subject ngayong araw. Habang nagaayos ng kanyang mga gamit, nagkaroon si Anne ng idea para gawin sa weekend, na usually ay boring.

     "Isang sleepover!", masaya nyang ikinuwento sa mga kaibigan nyang sila Mark, Jane at sa kanyang matagal nang kasintahan, na si Ivan. Napatingin si Mark kay Jane habang iniisip kung may plano ba ang kanyang mga magulang sa nararating na weekend. Napaisip pa sya lalo nang ma-realize nya na ito ang una nyang sleepover kasama ang mga kaibigan nya, kasama si Jane, na matagal na nyang gusto.

- 4:57 PM -

     Kakatapos lang ni Mark gumawa ng kanyang homework, nakarating na rin ang kanyang nanay mula trabaho, magpapaalam na sana sya ng makatulog ang nanay nya sa sofa. " Ma, pwede ba ako su-", napatingin nalang si Mark sa kanyang ina habang ito'y humihilik sa pagod.

- Later -

     Habang kumakain ng hapunan si Mark kasama ang magulang, " Ma, Pa, pwede po ba ako magsleepover sa classmate ko?", " Sinong classmate?", tanong ng nanay nya, " Kila Anne po, kasama sila Jane at Ivan", "Kailan yan?", "Sa Saturday po sana". Nagtinginan muna ang mga magulang ni Mark, 'Sana payagan nila ako', isip ni Mark.

     "Sige", sabi Mrs. Eleseo. 'Yes!', isip ni Mark. "Basta umuwi ka ng maaga sa Sunday ha? Dapat bago tayo mag-lunch, andito ka na, kasi sa mall tayo kakain.", "Sige po!", sabi ni Mark habang paakyat papunta sa kanyang kwarto. "Kaya siguro gustong-gusto nya sumama, kasi nandoon din si Jane", sabi ni Mr. Eleseo sa kanyang asawa na napatawa ng konte.

• Group Chat •

Mark : Yes! Pinayagan na ako ni mama!
Anne : YAAAAY!
Ivan : Ikaw Jane? Pinayagan ka?
Jane : Hindi e, pero gagawan ko ng paraan.
             Gusto ko talaga sumama e.
Mark : Sana makasama kaaaaa.
Anne : Oo nga!

- 9:34 PM -

     Matutulog na si Mark ng tumunog ang phone nya. Tinignan nya ito agad.

• Group Chat •

Jane : Guys! Pinayagan na akong sumama!
Mark : YAAAAAAAAY!
Anne, Ivan : Yay!
Anne : See you tomorrow guys!

- 7:30 AM -

     Kakagising lang ni Mark, bumangon sya agad pa makapag-prepare para sa sleepover mamaya. Mabilis syang kumain at maglinis dahil aalis na sya ng mga 9 AM, plano kasi nilang mag-lunch sa isang restaurant malapit sa bahay ni Anne.

- 8:54 AM -

     Nagpapaalam na si Mark at aalis na nang puntahan sya ng tatay nya para bigyan ng isang bagay. "Anak o. Baka kailanganin mo sa sleepover nyo", "PA! HAHAHA! Seryoso ka ba Pa?", pilit na ibinabalik ni Mark ang bagay na iyun sa tatay nya, "Sige na Mark kunin mo na, wag ka nang mahiya!", "Loko ka talaga Pa!" sabi ni Mark habang inilalagay nya ang bigay ng tatay nya sa bag nya. Ano kaya yung ibinigay kay Mark? Malalaman ba natin kung ano ito? Abangan!

Tied by AffectionWhere stories live. Discover now