Ch. 4 - Swooning by the Pool

16 2 0
                                    

- 5:18 PM -

     "Guys! Oh my God! Nakalimutan ko! Magsiswimming pala tayo no!", "Ay, oo nga no! HAHA!", sagot ni Mark.

     "So, nagdala kayo ng pangswimming?", tanong ni Anne, "Of course! Dinala ko yung rashguard ko! Muntik ko na nga makalimutan e!", masayang ikinuwento ni Ivan, "Ikaw Mark? Nagdala ka?", humarap si Anne kay Mark, "Uhh, oo, trunks lang dinala ko HAHA", tumawa sya ng konti sabay sulyap kay Jane. "Jane?", "Hmm, actually, di ko alam kung anong pangswimming ang dala ko e, si mommy kasi ang nagayos ng bag ko, so di ko alam kung ano pinadala nya sakin.", sagot ni Jane.

     Nagbihis sila, lumabas sila sa backyard nila Anne ng naka bathrobe dahil medyo mahangin at malamig nun. Nagmadaling magtanggal ng robe si Ivan, nakita ni Anne na naka rashguard at spandex si Ivan, "Nuks naman! Ang macho mo talaga Ivan ko!", umakap si Anne kay Ivan, nagtanggal na din sya ng robe, naka-one-piece bathing suit sya dahil sabi nya, "mataba" daw sya.

     Sabay na tumalon si Anne at Ivan sa pool, tumalsik ang tubig kung saan saan! "Guys! Anong iniintay nyo! Daliii!". Sumonod na si Mark, nung nagtanggal na sya ng robe, napansin ni Ivan na nakatingin si Jane kay Mark, ibinulong nya ito kay Anne, "Oo nga no!", sabi nya ng pabulong. Habang nakatingin si Jane kay Mark, di nya kinayang di magulat sa ganda ng katawan ni Mark, 'HALA! Ang machoo nyaaa! Kailan pa sya nagkaron ng abs? Naaalala ko nung Gr. 11 lang kami, ang payat nya pa! Uh oh, ginawa nya kaya to para sakin? ANUBAYANN JANE! Wag ka nga mag-assume!'.

     Nagulat sya ng makita nya ang katawan ni Mark, meron na syang six-pack abs, malaki ang biceps, firm ang dibdib at macho ang likod. 'Mukha syang isang Greek God!', inisip ni Jane, matipuno! Natulala nalang sya habang bumababa sa Mark. Gusto na nyang sumonod pero nahihiya sya sa suot nya, sumilip sya sa loob ng robe para tignan ang suot nya, naka two-piece sya!

     Nakalublob na si Mark sa pool, nagparinig ulit si Anne, "Mark! Nuks! Ang ganda ng katawan o! *sipol* Nag-g-gym ka?", "Oo HAHA", "Kailan pa?", "Uhh nung summer break bago tayo naging Gr. 12, nagsimula ako mag gym.". Tumingin si Ivan kay Jane, parang nahihiya at ayaw magswimming, "Jane! Lika na!", sabi ni Ivan. "Uh, okay!", sagot ni Jane na parang nanggaling sa pagkatulala.

     Mabagal syang nag-derobe. "Aba! Guys, may nanalo na! Naka-two-piece ba naman!", sigaw ni Anne. "Oo nga e! Ang sexy nya o! *sipol na mas malakas*", pahabol ni Ivan. "Hoy! Tigilan mo yan! Lagot ka sakin mamaya!", biro ni Anne, "Hala! Sorry na Anne! Wag mo naman akong iwan! Mahal na mahal kita!", sabi ni Ivan, "Luh? OA much?", sagot ni Anne, lahat sila tumawa. "Jane! Lika na dito!", sabi ni Mark.

   
     "So? Guys ano gagawin natin?", tanong ni Jane. "Ah! Mag-volleyball tayo!", sagot ni Anne. "D-dito sa pool?", sabi ni Mark, "Oo! Kunin ko lang yung net at bola sa closet!", sinabi ni Anne habang papunta sa closet sa tabi ng barbeque. Napaisip si Mark, 'Hmm, mahilig ako sa volleyball pero bakit di ko pa natatry ang volleyball sa pool? Mukhang exciting!'

     Hinagis ni Anne ang floating volleyball net sa gitna ng pool at hinagis ang bola papunta kay Mark. "Mark o! Since ikaw ang magaling sa volleyball, ikaw mag-serve!, "Ah! Sige ba!", sagot ni Mark, at naglaro sila ng naglaro hanggang sa napagod sila. Mamaya na ang sleepover! May pinaplano kaya sila Anne at Ivan para kay Mark at Jane? Abangan!

Tied by AffectionWhere stories live. Discover now