Ch. 5 - Sharing Rooms

14 2 0
                                    

- 7:23 PM -

     Kakatapos lang ni Mark mag-shower sa bathroom ng kwarto ni Anne, pero naiwan nya ang pamalit nya ng damit sa bag nya na nasa sala parin. 'Ano bayan, lalabas pa ako dun.', lumabas si Mark ng bathroom. Doon nya nakita si Anne na nagpapatuyo ng buhok, si Jane na nanonood ng TV at si Ivan na nakatingin lang sa labas ng bintana, admiring the view.

     "Hoy! Mark Eleseo! Anong ginagawa mo! Palakad-lakad sa kwarto ko ng naka-twalya lang!", sigaw ni Anne na palabiro. Sinubukan nyang hilain yung twalya ni Mark, "para daw kay Jane". ~ Loko talaga yun! ~. Ihinagis nya ang kamay nya papunta kay Mark, pero nakaiwas sya at hindi umabot si Anne! "HAHAHA! Akala mo a! Tsk tsk, kilala na kita Anne! HAHAHA!", masayang sinabi ni Mark. "Hayst, para kay Jane sana yun e!", lumaki ang mata ni Jane at napasabing- "ANNE!", sumagot si Anne, "Ha! Bakit? Parang ayaw mo! HAHAHAHA, charrr peace tayo!".

     Napatawa si Mark ng konti bago sya lumabas ng kwarto. Tahimik syang bumaba sa hagdanan papuntang sala, sinisiguradong walang makakarinig sakanya, para di sya makita. Kinuha nya ang bag nya sa sofa at mabilis na umakyat! Pagpasok nya ulit sa kwarto, pinapawisan sya. "Oy! Anyare sayo?", tinanong ni Ivan. "Tumakbo ka no? May nakakita sayong maid? Baka pag-piestahan ka? Wag kang magalala! Puro taken na yun!",  tugon ni Anne. Tumawa si Mark habang pabalik sa bathroom para magbihis.

- Later -

     Nasa hapagkainan na silang apat, kumakain ng hapunan. Nakihalibilo sila sa mga magulang ni Anne, nagtawanan, at malamang, nagpakabusog.

- 8:45 -

     "Ivaaaan! Tabi tayo mamaya a?", sabi ni Anne, habang nakaakap sa braso ni Ivan. "S-sa kwarto mo?", "Malamang! Alangan namang dun sa hardin tayo matulog!", sagot ni Anne. "Wait, so ka-kami ni Mark ang magkasama sa kwarto mamaya?", pinagtataka ni Jane. "Uhm, malamang! Alangan namang matulog si Mark kasama si Daddy! HAHAHAHA kulit nyo!", sagot ni Anne. "Pfft, pilosopo.", sabi ni Mark. "Wag ka magalala, Jane. Di naman kita patatabihin kay Mark, may isa pa akong higaan na hinanda, pero, kung gusto nyooo-", naputol ang sasabihin sana ni Anne. "OKAAAAAY! Tigil na Anne! HAHA!", sigaw ni Jane, "Manood na nga tayo ng movie!". Bago sila malibang sa panonood ng movie, naisipan ni Mark na itext ang nanay nya.

• Messages •

Mark : Hi ma! Sorry po ngayon lang po ako
               nakapagmessage! Nagswimming po kasi
               kami kanina sa pool nila Anne.
Mama : Hi Mark! Ahh, kaya pala! Enjoy ka lang
                 jan. Anong ginagawa nyo ngayon?
Mark : Magmu-movie marathon po kami hehe.
Mama : Ahh, sige. Matulog ka agad pagtapos ha?
                 Wag ka nang magpuyat. Goodnight,
                 love you!
Mark : Goodnight ma! Love you!

     "So? Anong movie papanuorin natin?", tanong ni Mark. Palapit na ng palapit ang mismong sleepover! At iisa lang ang magiging kwarto ni Mark at Jane! Ano kaya ang mangyayare? Abangan!

Tied by AffectionWhere stories live. Discover now