INTRODUCTION OF CHARACTERS

35 2 0
                                    

1. Si Mark Eleseo ay nagmula sa isang maykayang pamilya na may origins sa España, ang pamilya ay nakatira sa isang village sa Maynila, malapit sa eskwelahan nya. Isa syang Grade 12 student na nagkagusto sa kaklaseng si Jane. Gwapo at makisig, isa syang heartthrob sa kanyang eskwelahan, protective din sya sa mga taong mahal nya pero, for some reason nahirapan si Jane na magkagusto sa kanya, at first. Magkakahanap ba sya ng paraan para magkagusto at makatuluyan nya si Jane? or meron pa'ng mga bagay na hindi nya alam tungkol kay Jane?

2. Si Jane Santores ay isa sa limang anak ng Pamilyang Santores, isang pamilya na nagmula sa Nueva Ecija. Nagpapakahirap ang kanyang mga magulang para magkaroon ang kanilang panganay ng magandang kinabukasan. Nakatira sya sa isang dorm sa campus. Maganda, matalino at mabait, hindi nakakagulat kung bakit nagkagusto sakanya si Mark. Pero, ang 'di alam ng iba ay, may gusto din sya kay Mark. Gaano katagal kaya matatago ni Jane ang pagkagusto kay Mark? Makakahanap kaya sya ng tamang oras na umamin sakanya?

3. Si Riley Anne Raines ay ang nagiisang anak ng kanyang mga magulang, mayaman ang pamilya dahil ito ay isang pamilya ng mga negosyate. Kahit na mayaman, humble si Anne at matulungin, mahilig sya magpatawa at pagdating sa mga parties, may pag ka party animal din sya. Sya ang matagal nang kasintahan ni Ivan. Sila'ng dalawa ni Ivan ang naging support ni Mark sa tuwing nandyan si Jane, kung ano-ano ang pinaplano nya para mabigyan sya ng opportunity. Ano kaya ang mga plano nila ni Ivan para magkatuluyan ang dalawa?

4. Si Ivan Torrejo ay nagmula sa isang simpleng pamilya mula Cavite. Umaasa ang kanyang pagaaral sa mga padala ng kanyang ina, na OFW sa Saudi. Mahiyain si Ivan, sa una, pero pag nakilala mo pa sya lalo, isa sya sa mga taong masaya kasama. Sya ang matagal nang kasintahan ni Ivan, mula Junior High hanggang ngayon, sila na. Si Anne at si Ivan ang naging support ni Mark sa tuwing nandyan si Jane, ever since napaamin nila si Mark na may gusto nga sya kay Jane. Ano kaya ang mgaplano nila ni Anne para magkatuluyan ang dalawa?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

So, let's get to the story! Please paki-vote yung story at kung nagustuhan nyo talaga, share it with your friends! Again, feedback is greatly appreciated. Thanks!
- Author

Tied by AffectionWhere stories live. Discover now