- 1:07 AM -
"Jane, dito ka nalang, okay lang talaga ako.", sabi ni Mark. "Hindi ngaa, okay lang ako dito." sagot ni Jane. "Sure ka talaga a?", "Oo!", sabi ni Jane.
- 1:36 AM -
Hindi parin sila makatulog, sinabi ulit ni Mark, "Jane-", naputol ang sasabihin nya nang magsalita ni Jane, "Okay lang talaga ako dito.".
Hirap parin sila'ng matulog, si Mark, nanonood parin sa phone at paminsan-minsang tumitingin kay Jane, habang si Jane naman ay nakatingin lang sa kisame, pilit na ipinipikit ang mga mata para makatulog. Napatingin si Mark sa orasan ng phone nya, 'Hala! Magaalas-dos na! Napupuyat na si Jane, ayoko ko namang di sya makatulog, haysst bahala na!', inisip ni Mark, tumayo sya mula sa higaan at binuhat si Jane! At ihiniga sa isang side malaking higaan, pumunta sya sa kabilang side. "Since di tayo makapag-agree sa kung sinong matutulog dito, we compromise.", sinabi ni Mark kay Jane, magsasalita na sana si Jane nang magsalita din si Mark, "Wag ka magalala, hindi kita hahawakan, I promise."
- Meanwhile -
Sila Anne at Ivan naman, naguusap. "Musta na kaya sila Mark at Jane?", itinanong ni Ivan. "Hmm, musta na nga kaya sila?", sinabi ni Anne habang mayroong malaking ngiti sa kanyang mukha. Naintindihan agad ni Ivan ang sinasabi ni Anne at sinabi, "ANNE!", "O, akala ko ba inaantok ka na?", tinanong ni Anne. "Nawala ata antok ko.", "Sus! Kunware, iniintay mo yung balita kila Mark at Jane no? HAHAHA!", "Loko!".
Sila Mark at Jane naman, still restless. Ang daming dumadaan sa isip nila. Sobrang tahimik, medyo awkward. Inisip ni Jane, 'Hayst, ang awkward. Umamin na kaya ako? Total nandito na rin naman kami, wala si Anne para pagtripran kami. Hayst, aamin na ako, kaso, paano?'
- 2:33 AM -
"Anong oras na?", sinabi ni Jane. Tinignan ni Mark ang orasan sa phone nya, "Hala! 2:35 na!, Late na ako magigising! May pupuntahan pa naman kami ni Mommy!", ibabalik na nya sana ang phone nya sa nightstand nang, 'Nagmessage si Anne!'.
• Private Message •
Anne : Mark!
Mark!!
MARRKKKKK!
- You missed a call from Anne -
Mark : Uy? Bakit?
Anne : Musta kayo ni Jane dyan? HAHA!
Mark : Eto, di makatulog.
Anne : Aww. Kami rin ni Ivan e, iniintay namin
balita sainyo e. HAHA
Mark : Lokooo, well, walang balita haha.
Anne : Hmm, talagaaaa?
Mark : Hayst, sige na nga. Katabi ko sya. Pero
hindi yung as in katabi ha? Nasa
magkabilaan kami. Wag OA!
Anne : OWEMJI!
Mark : Here we go, sabi na e."OWEMJI! IVANNNNN!", sinigaw ni Anne. "Anooo?", medyo kumukurap ang mata dahil nakaidlip na sya, "Nakachat ko si Mark!! Magkatabi sila ni Jane! AS IN MAGKATABI!", "HA?!", biglang lumaki ang mata nya, nagmadali syang kunin ang phone ni Anne para basahin ang convo nila, "Woahhh! Loko di naman daw as in magkatabi e!", "Ganun na din yun! Oh my God! Dali kailangan natin pumunta dun!", "Luh? Wag natin sila guluhin!", "Hindi naman natin sila guguluhin e! Makikinig lang tayo!", "LOKO KA TALAGA ANNE! HAHAHA!", "HAHAHAHAHAHA! TALAGA! MATAGAL NA!", "Hay nako Anne, ayoko nga!", "Sige, perooo baka anoo-", pinutol ni Ivan ang sasabihin ni Anne, "HEP!". Magkatabi sila Mark at Jane! Si Anne naman, gusto manggulo! Ano kaya ang susunod na mangyayari? Abangan!
YOU ARE READING
Tied by Affection
Romance[ D I S C O N T I N U E D ] Hi! Welcome sa first book ko! Actually intended to be a short story. ~ Written mostly in Tagalog! ~ Cover by reignxlee, thank you din sa pagtulong sa title! Highest Rank! ~ • #9 in @courtship • #22 in @plan