- 10:28 AM -
Umaga na. Kagigising lang ni Mark. Si Jane, nakaakap parin sa kanya. Dahan-dahang kinuha ni Mark ang phone nya para imessage ang nanay nya.
• Messages •
Mark : Hi ma, kagigising ko lang po, late na po
kami nakatulog e. Baka di na po ako
makaabot ng lunch. At sigurado din po
kasi ako na magyaya pa si Anne na dito
nalang po kami mag-lunch.
Mama : Ah, sige. enjoy ka dyan. Love you.
Mark : Love you too.Binalik nya ang phone sa nightstand. Pag tingin nya kay Jane, gising na sya. "Good morning.", sabi ni Jane, medyo antok pa. "Good morning", sabi ni Mark. 'Tanungin ko ba si Jane tungkol dun sa sinabi nya kagabi?', napaisip si Mark. "Jane", "Yes, Mark?", nag-stutter si Mark. "Uh, ah, wala! Tatanungin ko lang kung maayos ba tulog mo kagabi.", "Ahh, oo, sobrang ayos, gusto ko pa nga ulit matulog e.", sinabi ni Jane habang yinayakap si Mark ng mahigpit.
'Totoo nga yung sinabi nya, tama si Anne.', isip ni Mark. "Bangon na tayo, Mark", sabi ni Jane. "Uh, sige, kaw na muna.", sabi ni Mark. "Okay.", sabi ni Jane, yinakap nya ng mabilis si Mark at hinalikan sya sa pisngi. 'Yup, totoong totoo.', inisip ulit ni Mark. Habang nagto-toothbrush si Jane sa CR, minessage ulit ni Mark sila Anne at Ivan.
• Group Chat •
Mark : Guys.
Anne : Mark! Anong nangyari?
Ivan : Gising na si Jane?
Mark : Gising na sya
Anne, tama ka.
Anne : OMG!
Ivan : Anong ginawa nya?
Mark : Ilang beses nya ako yinakap kung
nagising sya, hinalikan pa nga ako sa
pisngi bago sya bumangon.
Anne : OH. MY. GOSH.- 10:39 AM -
Bumaba na sila Mark at Jane. Pumunta sila sa dining area, kung saan nakaupo na sila Ivan at Anne. Tinignan ni Anne sila Marl at Jane, sabay nginitian si Ivan. Nakita ito ni Mark, napatawa si Anne ng konti nung humarap sya kay Mark.
"So, musta kayo kagabi, Mark? Jane?", tinanong ni Anne, "Ang saya kagabi!", sabi ni Jane, "Diba Mark?", idinagdag nya. "Ano ba nangyare, Jane?", tinanong ni Ivan. "Nagkatabi kami ni Mark kagabi!", nagkunwareng gulat sila Ivan at Anne, "OMG.", sabi ni Anne, "Talaga?!", sabi naman ni Ivan. Siniko ni Ivan si Mark ng mahina, "Ikaw Mark a!", sabi nya. "Hala! Bakit? Walang nangyare guys, maniwala kayo!", sabi ni Mark, "Diba Jane?". "Wala nga.", sagot ni Jane, biglang lumungkot yung mukha nya. "Hala! Ano yan Jane? Lumungkot bigla o! Loko, aral muna oy!", sabi ni Anne. Napatawa silang dalawa ni Jane ng malakas, dinig na dinig sa buong bahay.
"Actually, guys, may kailangan akong aminin", sabi ni Jane, "Ano yun?", tanong ni Ivan. "Gusto ko si Mark.", sabi nya. "Uhm, duh, halata naman ever since kinwento mo yung nangyare kagabi, HAHA!", sabi ni Anne. "Yieeeee! Mark! Kailan ka mangliligaw? HAHAHA!", tanong ni Ivan. "Loko!", napatawa si Mark. Gusto na nga talaga ni Jane si Mark! Ano kaya ang susunod na mangyayari? Abangan!

YOU ARE READING
Tied by Affection
Romance[ D I S C O N T I N U E D ] Hi! Welcome sa first book ko! Actually intended to be a short story. ~ Written mostly in Tagalog! ~ Cover by reignxlee, thank you din sa pagtulong sa title! Highest Rank! ~ • #9 in @courtship • #22 in @plan