"Hooooyyyyy, YanYan!!! Gumising ka na baka ma-late ka sa school!!!" Sigaw ng nanay niya. "Ano ba 'yan ang aga-aga pa naman eh", pagod na sagot ni Arianna.Grade 10 na si Arianna ngayon. Palagi siyang late sa school pero wala siyang pake kasi babawi lang naman siya sa pagsagot. Kahit ilang ulit pa siyang ma-late, wala pa ring makakatapat sa grades niya.
"Miss Santa Cruz, you're late again." Bati ng guro niya. "Maganda parin naman po ma'am." Pang-iinis niya kay Mrs. Omoso.
Tinaasan nalang siya ng kilay ng mga MALDITA niyang kaklase.
Ang yabang naman nito. Kung makapagsalita parang maganda.
Yon ang tumakbo sa isip nang kanyang kaklaseng parang clown dahil sa kapal ng make-up.
Umupo na siya at tiningnan ang mga kaklase. Ningitian naman siya ng mga ito. "Kung fake kayo, huwag nalang kayong papalag!" Pagpaparinig ni Arianna.
Umalis muna ang kanilang guro. Bigla namang dumating ang kanyang classmate na nerd.
"Oh, nandiyan na naman ang hampaslupa." Sabi ni Kathy na secretary sa kanilang classroom. Sumabay naman sa pagtawa ang kaniyang mga kasamang minions.
"Eh, kesa naman sa inyo na clown na nga, minions pa ang back-up.", ani Arianna.
Nagsimula na naman ang world war------este debate. Mabait si Arianna ngunit masama siya kung inuunahan at pag may inaapi.
"Gusto niyo bang hampasin ko kayo ng bato at ilibing nang buhay? Oh baka gusto niyong sa impiyerno agad? Ano, Sagot!!!" Pananakot ni Arianna.
Alam nila ang ibig sabihin sa sinabi niya kaya katahimikan ang kapalit sa pagbabanta niya. Kaya nga siya ang Miss President dahil napapatahimik niya ang buong silid sa loob lang ng limang minuto.
Ding! Ding! Ding!
Tunog ng malaking bell. Dahan dahang nagsilabasan ang mga estudyante. "Lunch Break!" Sigaw pa nang isa.
Park University. 'Yan ang pangalan ng paaralan nila. Ang daming bully; kasi mayaman. Pero kampi si Arianna sa mga inaapi.
Kasama ni Arianna ngayon ang kanyang mga BFITWH( best friends in the whole campus).
Si Carmen ang boyish pinaka baliw, si Kylene, na boyish din at pinaka mabait, si Olivia ang pinaka maganda, si Tony, na beki at napaka ingay, at si Reynon, ang nag-iisa niyang bespren na lalake. Lahat ng meron sa kanila, ay kay Arianna na din. Kagandahan, kabaitan, at medyo boyish.
Pero kahit medyo maldita ang mga BFITWH niya, tanggap niya ang mga ito dahil hindi sila mga plastik.
Medyo mapili si Arianna sa kanyang mga kaibigan. Ayaw niya sa lahat ang mga bitches o ang tinatawag nilang bitch friends.
"Bess, libre mo 'ko nang burger sige na", request na naman ni Tony. "Sige na nga, pero bukas ikaw na naman ang maglilibre", sabi ni Arianna.
"Sige, wala naman akong magagawa eh" pagsasang-ayon ni Tony.
Dumating naman ang demonyita nyang kaklase, in short--- bitch friend.
"Hay nako, ang cheap talaga nang mga pagkain dito", komento niya. "Eh kung gan'on edi huwag ka nang bumili, nagsasayang ka lang ng oras", walang takot na sagot ni Carmen.
Salamat nalang talaga at hindi nahawa ang mga kaibigan ni Arianna sa baho ng kanilang mga kaklase.
BINABASA MO ANG
It's Complicated
RomanceAre you looking for a smart, kind, loving, caring, and beautiful girl? Well, if you more than that, Arianna Nicoli Santa Cruz is the perfect girl. Kung akala n'yo, lahat ng magaganda ant dyosa maldita, iba siya. Para siyang anghel, na dyosa. Y...