Chapter 9

2 0 0
                                    

Arianna's POV

  Kinaumagahan ay excited na akong bumalik sa paaralan. Tatlong linggo na akong absent. Pagpasok ko sa classroom, ang tahimik. Nanibago ako. Walang niisang bag na makikita.

  "Surprise!!! Welcome back beshie", nagsilabasan lahat nang mga kaklase ko. Pati rin ang guro namin. "Wow, ano bang nakain niyo?" sarcastic na tanong ko.

  "Ano ka ba bess, na miss ka lang naman namin", daldal nitong si Tony. May nag-abot nang gifts saken. Aayyyiieeeh, ang dami palang nagmamahal sakin kahit medyo maldita ako.

  "Teka, sa panahong wala ako sino bang nag hahandle sa inyo?", tanong ko. Eh obligasyon ko 'yon as a president. Sana makapasa pa ako nito.

  "Bess, nothing to worry. Si Wayne ang nag handle nang class. Ang galing nga niya eh", sabi ni Carmen. "Ahh, so mas magaling pa siya sakwn gan'on?" Hayyst. Nagtatampo tuloy ako.

  "Walang makakatapat sa'yo", sabi nang boses nang lalaki sa likuran. Paglingon ko, na-recognize ko agad ang blonde niyang buhok, pati ang pabango nito.

  "W-wayne", yinakap ako ni Wayne. "Sorry hindi ako nakapunta sa ospital ahh. May nangyari kasi sa bahay", sincere niyang sabi. Nagresponse din ako nang yakap sa kanya.

  Nakakahina si Wayne pag yakap ko siya. "Ok lang 'yun. Ok lang din naman ako", tumigil ang pagyayakapan namin nang mag ring ang bell. flag ceremony...

 

  Sabado nang umaga, ang boring talaga. Nag fb lang, 825 yung online pero wala namang ka-chat. Bakit gan'un?

  May biglang kumatok sa pinto namin. Pagbukas ko, "Wayne, anong ginagawa mo rito?", tanong ko. "Anak, sino ba 'yang kumakatok nang pinto?" Sigaw ni inay.

  Paglabas ni nanay sa kwarto. "Teka, sino 'yan Arianna? Diba sabi ko bawal ka munang mag-boyfriend....blablablablublubla", mas mabilis pa ata sa machine gun tung bunganga ni mama. Kinurot ni mama ang tainga ko.

  "Aray, ma si Wayne po 'yan. Si mama naman oh", nanlaki ang mga mata ni mama. "Ano? Wayne John Park? Aba, nagbalik ka na pala. Hindi mo siya naitukoy Yanna hah. Hali ka pasok", pagyaya nang mama ko.

  Uuuuuyyy... may flowers. "Arianna, para sa'yo", binigay ni Wayne ang mga roses. "Para saan naman 'yan?" nagmamaldita pero alam kong namumula ako.

  "Hay nako anak, pa choosy ka pa talaga. Ay, anong gusto mong kainin. Magluluto muna ako nang noodles hah tapos kwentuhan mo ako. Matagal tagal narin kase eh no.. oh sige, dun muna ako sa kusina", si mama talaga oh.

  "Uhmm Yanna. Yung nangayri sa---", nako akala ko nakalimutan na nya. Pinutol ko agad yun. "Aahh, kalimutan nalang natin yon hah. Huwag mo na lang yung pansinin"

  Hindi ako nakaharap sa salamin pero alam kong nag bu-blush ako. "First kiss mo ba 'yon", nakakairita talaga. "Oo na nga. Huwag na huwag mo nang banggitin yun", nakakainis.

  Katahimikan....

  "Para saan ba yang f-l-o-w-e-r-s?", inisa-isa ko pa talaga yung mga letra. Namutla siya. "Uhmm, gusto ko sanang---", "Ok handa na ang noodles", nakakaepal naman tung si mama oh. Nandon na sana yung pagkakataon.

  Kumakain na kami nang noodles. Ang takaw ko talaga, naubos ko kaagad ito. Ang sharap... ang peg!!!

  Nagkukwentuhan lang sila palagi ni mama. Nakatitig lang ako palagi sa kanya. Nakakakalma ang mga mata niya. Ang cute niyang ngumiti lalo na't malaki ang dimple nya sa kanang pisngi. Hay.. sana siya na nga...

  Continue reading....plsss support by voting every chapters😉thank u
 

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon