Chapter 4

13 2 0
                                    

"We have a new classmate everyone", announcement ni Gng. Omoso. Biglang nanlamig at namutla si Arianna. Naku, mas malubha pa yata sa bangkay.

Biglang pumasok ang puti, singkit, matangkad, blonde na buhok na lalake. Parang hihimatayin na si Arianna ng makita muli ang kababata.

"Good morning everyone. I know you already know me as I introduced my self earlier. So I guess meeting you up guys wouldn't be too hard", nag no nosebleed na ata si Carmen. Napalunok naman si Tony.

"Mr. Park, let me introduce to you our Classroom President Ms. Arianna Santa Cruz. I hope you'll get along well. We're hoping for your full cooperation to this class", dahan dahan namang tumayo si Arianna at lumakad palapit. Hindi niya alam kung anong bagay ang humila o tumulak sa kanya. Basta alam niyang papalapit na siya kay Wayne.

Mas lalo pa siyang kinabahan ng iniabot ni Wayne ang kanang kamay niya kay Arianna. Iniabot naman ni Arianna ang kamay niya kay Wayne. "You're cold. Is something wrong?", tanong ni Wayne. Ay, hindi na niya ako kilala. "Uhmm, don't worry that's normal" malamig niya ring sagot.

Makalipas ang 1 oras ng blablablubluble ng guro nila sa Araling Panlipunan, sa wakas Math Time na din. Ang subject na pinaka hate ng lahat pero gustong gusto ni Arianna. Pagpasok pa lamang ni Mr. Uy, sumulat na siya sa pisara. Nakasanayan na nilang hindi mag greet sa guro dahil hindi naman ito sasagot at wala itong pakealam.

"Answer this. I"ll give you 30 minutes", ani Mr. Uy. Namutla naman si Carmen. "Bess, ok kalang?", tanong ni Arianna sa kanya. Tumango nalang si Carmen. Naalala na lamang ni Arianna ang unang pagkilala niya kay Carmen.

Flashback!!!

<,>, or=

1.5___1/2

"Carmen please go to the board", alok ng guro nila sa math. Hinay hinay na pumunta palapit sa pisara si Carmen.
">", sinulat ni Carmen. Biglang may tumawa sa likuran niya. Kaya binura niya iyon at pinalitan ng "<".

"Mali 'yan", bulong ni Olivia. Binura niya naman ito at pinalitan ng "=".

"Explain. Why is it "="?" Tanong ng guro. "Eh sir hindi siya pwede gon'on(>) at hindi din pwede yun(<) edi ganyan nalang", tumawa nalang lahat ng kamag-aral sa sinabi ni Carmen. Napatawa na din nila sa wakas si Sir.

"Hello, nakakatuwa ka talaga kanina. Carmen pangalan mo diba? I,m Arianna Nicoli Santa Cruz. Nice to meet you", sabay iniabot ang kanang kamay.

Present

"Pass your papers finish or not finish", utos ng guro. "Ngayon niyo po ba i che-check 'yan sir?" Tanong ng isang babaeng makapal kapal ang lipstick. "I'll be the one to check this. I'm going to announce the scores after.", paingles pa talaga hah...

Paglipas ng ilang minuto, natapos na rin siya sa pag check. "Only one got perfect", anunsyo ng guro. "Siguradong ako 'yan", bulong niya sa isip.

"Wayne John Park"

Parang gumuho ang mundo niya sa narinig. "H-hindi maaari", mahina niyang bigkas. Lahat ay nakatingin sa kanila. Hindi sila makapaniwala sa nangyari.

Pag-alis ng guro, pumutok na ang bulkang Mayon.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon