Chapter 7

4 1 0
                                    

Lunes na naman at gan'on parin ang classroom...ang ingay

Tinabihan siya ng bestfriend niyang si Reynon. "Yan, matagal na tayong hindi nakapag-usap ahh. May problema ka ba?" Tanong niya.

"Wala no. Masaya nga ako eh. Bumalik na ang kababata ko", masaya niyang sagot. "Napadalas na kasi ang pagsasama niyong dalawa. Sa palagay ko nawalan ka na ng oras sa'ken, este samin", nagtaka nalamang si Arianna.

"Bes!!!!", parang manok na tumalaok 'tong si Kylene. "Oh, bakit ba?", kinakabahang tanong ni Arianna. "Naalala mo yung kamukha mo sa facebook? Yung Beatrizze. Nakita ko siya sa isang paaralan malapit sa amin", ang bilis talaga ng bunganga ng babaeng 'to.

"Anong paaralan?", excited nyang tanong. "St. Paul University", nahihingal na sagot ni Kylene. "Puntahan natin mamaya", alok ni Arianna. "Sama ako", ani Reynon.

Lunch time na. Pinuntahan nina Reynon, Arianna at Kylene ang kamukha daw ni Arianna. "Sigurado kabang nandito siya?", tanong ni Arianna. "Oo, 1 hundred percent", sagot ni Kylene.

"Balik na tayo sa school. Ilang minuto na tayong nag-iikot. Bukas nalang", sabi ni Arianna."Sige bess, kakain pa naman tayo", pagsasang-ayon ni Kylene.

3:00 na. Blublublablabla. 'Yan lang ang narinig ni Arianna sa bibig ng guro. "Excuse me ma'am. Mag C.R. na muna ako", sabi ni Arianna. "You're excused", sabi ng titser nilang makapal ang labi.

Paglabas na niya sa C.R. nagtatakbuhan ang mga estudyante. Hindi niya alam kung anong nangyari nang may biglang humila sa kanya. "W-wayne" biglang nag slow mo.

Naguguluhan na talaga siya. Umakyat sila sa third floor dahil may kabilang daanan d'on pero naka lock ang pinto. "Teka nga, ano bang nangyari?", tanong ni Arianna. "May bomba raw", nag panic ata ang mokong 'to. Cute pa rin naman siya.

"Pano na yan. Trap na tayo dito", napansin ni Wayne na parang namutla si Arianna. "Okay ka lang ba?",  nag-aalala nyang tanong.

May kumatok naman sa pinto. "Yanna, ikaw ba 'yan?" Tanong nang bespren niyang si Reynon. "Reynon tulungan mo kami. Na trap na kami", sigaw ni Arianna.

"Hihingi ako nang tulong. Teka lang", dinig na dinig ang takbo ni Reynon palayo. Kita sa mukha ni Arianna na nanghina na ito.

"May asthma ka ba", tanong ni Wayne sa kanya. "Wala, may sakit ako sa puso", sagot ni Arianna. "Hmm, para mawala 'yan, kuwentohan mo nalang ako. Kwento mo yung mga panahong wala ako", seryosong sabi ni Wayne.

"Iyak kaya ako nang iyak n'on. Pero matapos ang ilang araw nagkaroon ako nang mga bagong kaibigan......", patuloy lang ang pag kwento ni Arianna nang biglang inabot ni Wayne ang kanang kamay niya.

Hinawakan din ni Arianna ang kamay ng binata at hinila ni Wayne si Arianna patayo. "Sayaw tayo", alok niya. Sumayaw naman sila. Ilang saglit pa ay may nagbukas sa pinto.

Natulak nang pinto si Arianna na naging dahilan ng pagtumba nilang dalawa ni Wayne at naglapat ang mga labi nilang dalawa. Nanlaki ang mga mata nila pareho.

"Hala, kayong mga bata kayo ang pasaway niyo talaga. Sa pagkakataon pa talagang ito hah", daldal ng guard na siyang nagbukas ng pinto. Tumayo silang pareho at nakita nilang nakatayo sa likuran nang guard si Reynon.

Panay ang pagtakbo ni Reynon palayo.

Awkward

Sinubukan kong sundan ang best friend ko. Pero hindi ko siya maabutan.

Hinihingal na ako. Nang biglang naging blurry ang paningin ko.

Blaaaaack lahat....

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon