Chapter 5

10 0 0
                                    

Krrrrrrrrnnnggggg

Tumunog na ang bell. Biglang namutla si Arianna. Ano kaya ang balak gawin ni Wayne sa kanya?

"Hoii bess, sama kana samin", pagyayaya ni Olivia. "Uhmm, naku huwag na. May pupuntahan din naman ako", sagot niya.

Nakapunta na 'din siya sa park. Hindi niya makita si Wayne kahit saan. Baka ito na yong parusa niya sa'ken.

Bigla namang bumuhos ang ulan. "Ano ba 'yan", may bigla na lamang yumakap sa kanya sa likuran. Pamilyar sa kanya ang amoy nito.

"W-wayne?", bulol niyang sabi. Kinuha ni Wayne ang kamay niya at nagpasilong sa isang waiting shed.

"Bakit ba ang tagal mo?", inis na tanong ni Arianna. "Why were you angry?", tanong din ni Wayne. "Wow, ako na nga 'tong nagtatanong sa'yo, tanong din ang sagot mo? Teka, marunong ka bang magtagalog?", dinedma lang siya ni Wayne

May kinuha si Wayne sa bag nya. Isang chocolate. "Want some?", kinuha naman ni Arianna ang chocolate. Bigla naman siyang niyakap ni Wayne. Naguguluhan na talaga si Arianna.

Ano kayang nakain nito?

"I thought you've forgotten me", sabi ni Wayne. Nagulat naman si Arianna sa sinabi nang kababata. "Hah, eeh akala ko nga nakalimutan mo na ako", patawang sabi ni Arianna.

"Why would I forget you. My mission is to fullfill my promises", biglang namula si Arianna sa mga sinabi nang kababata. "I've prepared some magic tricks for you. Naalala mo ba nung bata pa tayo. Ang hilig ko sa tricks pero palagi mong nahuhuli ang mga tricks ko. Well, this time you won't be able to find out the secrets", napangiti na lang si Arianna.

Marami-rami na din ang tricks na ipinakita ni Wayne pero walang nakitang pagkamali si Arianna sa mga ito. "Gumagaling ka na sa panloloko hah", pagbibiro ni Arianna. "I would never lie to you", namula na lamang si Arianna dahil sa sinabi ni Wayne.

Ang saya talaga ni Arianna ngayong araw na'to. Pero naalala niya yung kanina. Binatukan niya lang bigla si Wayne. "Ouch, what's wrong with you", napakamot na lamang si Wayne sa ulo.

"Akala mo okay na ako hah. Inis na inis talaga ako sa'yo", galit na sabi ni Arianna. "What did I do?", nagtatakang tanong ni Wayne. "'Yong sa math. Usually ako ang palaging na perfect. Walang nakakalamang sa akin. Inagaw mo ang trono ko", sigaw ni Arianna sa kababata.

"Well it's not my fault that I'm smarter", pang-iinis ni Wayne. "Ikaw---", naputol ang sasabihin ni Arianna nang tumawag ang driver ni Wayne. "Sir Wayne, 6"00 pm na po", basag trip talaga ang driver na 'to oh.

"Hatid ka na namin Yanna", hinila ni Wayne si Arianna papunta sa kotse. "Teka lang, kaya ko naman umuwi mag-isa", ani Arianna. "Sige na naman, baka pagalitan kapa nang mommy mo dahil saken", sabi ni Wayne.

Nakauwi na din sa wakas si Arianna. Timing lang talaga. "Salamat Wayne ahh", ani Arianna. "Bawi ko lang 'yan kanina para hindi kana magalit", hay nako, nang-iinis na naman.

Wayne's POV

Mas lalo pa siyang gumanda nang nagdadalaga na siya. Tuwing ngumingiti siya, buo na ang araw ko.

"Hijo, kamusta", ani Mr. Ramos. "O-okay lang po tito", ramdam ko ang kaba nang dibdib ko.

"Nabalitaan kong magkaklase kayo sa anak ko. Sana hindi mo muna sabihin sa kanya na buhay pa ako, at yung tungkol kay Beatrizze", ani Mr. Ramos. "Sige po sir. Uuhhhhm", nako nabulol na naman ako.

"Ano yon hijo?", tanong ni Mr. Ramos. "Kailan po ba natin sasabihin ang totoo kay Arianna?", tanong ko. "Sa tamang panahon. May gusto ka pa bang sasabihin? Namumutla ka 'ata", sincere niyang tanong.

"Magpapaalam po sana ako na manligaw kay Arianna", huminga nang malalim si Wayne. "Alam kong malinis ang kalooban mo. Pero, intayin mo munang maayos na lahat nang problema. Baka mabigla si Arianna sa mangyayari. Lalo na kung malaman niyang alam mo lahat. Pinagkakatiwalaan ka niya", ani Mr. Ramos. Tumango na lamang ako.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon