Chapter 2: Game... START.

550 27 9
                                    

Chapter 2: Game... START.

West Marine High
-11:30pm-
-school field-
-Ace-

Syet. Napa-aga ata yung dating ko. Eh anong magagawa ko? LOL, desperado na yung tao eh. Ako lang kaya yung nakakuha ng text message, o may iba pang mga tao... Or baka prank lang to ng mga taga lower section?!

Kailangan ko na ng desenteng grado, para hindi na ako mapagalitan!!


Arrgghh, fuck!

Litong-lito na ko. Malapit ko nang masabunutan yung sarili ko nang...

"Uhh... Garcia? Ba't nandito ka?"


Napalingon ako sa may kanan, at nakita ko yung dalawa kong mga kaklase, sina Phoebe at Jack, magkasama, at tig-iisa sila ng dalang flashlight.

"Teka, ba't nandito ka?!" Sabi ni Phoebe na naka-pamewang pa. "Wait, no... Ace, nakuha mo rin ba yung text -"

"Ahh, geez.. Sobrang obvious naman." Sagot ko sabay lingon sa paligid. Meron pala akong mga kaklaseng nakakuha din ng text message.


Meron pa ba kaya sa ibang section or sa ibang grade?



"Uhh... Uhh, h-hi?"


Napalingon nalang kaming tatlo nang marinig namin ang isang maliit na boses ng isang lalaki...

At nakit nga namin siya. Maliit... Slightly brownish hair... At naka pajama pa talaga.

From the looks of it though... He's a grade 7 student.

"What the heck are you doing here, nerd?!" Sumbat naman ng isang babae na nakamapewang pa. Tinititigan niya ng husto ang isa pang grade 7 student na babae na naka salamin.

"Tsk." Sagot lang niya habang umiwas ng tingin.

Arrgghh... Bakit ba ang tensyonado naman masyado ng mga taga grade 7?!?

"Whoa. Marami palang dumating. Grade seven at eight ba kayo?" Pa-cool na tanong ng isang grade 10 student na sinundan pa nang dalawa niyang mga kasama.



"Sumama lang ako dahil curious ako." Sambit ng isang lalake na naka headphones, at lumingon naman sa kanya ang kasama niya.

"Nylersh, nakatangap ka din ba?" Tanong ng isa pang binata.

Nakita ko na mayroon pang dumating na mga kambal, na sa pagkaka-alala ko, grade 8 students ng section Jade. Napalingon yung isa sa kanila sa akin at nag wave. "Hi!! I'm Kristina Angel!" Pasigaw niyang sabi sa akin.

"Ahem..." Panimula ni Phoebe habang siniko niya ako sa ribcage.

Tsk. Feeling close.



Wala akong kaibigan sa loob ng classroom, tapos ngayon na nandito kami sa school fields, gusto na niyang makipag-close sakin?

Suspicious woman.

Speaking of suspicious, mayroon akong nakitang lalake na nakamasid lang sa amin. Wala naman talaga akong mga pake sa mga taong nakatanggap din sa text message na iyon, pero nandito lang ako dahil kailangan ko na ng mga matataas na grado. NGAYON. NA.

At samantalang nasa isip ko iyon, bigla-bigla nalang nagsabayang tumunog ang mga cellphone namin.



*You have 1 text message.*

Guide to Highschool Survival #Watty's2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon