Chapter 1: In the Beginning...

1.3K 39 9
                                    

Chapter 1: In the Beginning...

West Marine High
-8:45am-
-Grade 9-
—Section Echo—

"James Acer Garcia." Sambit ng subject teacher ng section Echo sa Mathematics na si Mrs. Morales.

Katatapos lang ng quiz nila at ngayon ay tinatanong na ng teacher ang kaniyang mga estudyante para i-record ang kanilang mga score.

"2." Sagot ng binatang si James Acer Garcia, o mas kilala ng mga kaklase niya as Ace.

"Sus, maryosep! 50 items yung quiz na to Mr. Garcia, tapos 2 lang yung nakuha mo?! Dinu-dumihan mo lang tong class record ko. Nasa 1st section ka pa naman!" Sigaw ng subject teacher sa binatilyo.

Pinag-titinginan na si Ace ng mga kaklase nito, pero hindi na niya ito alintana dahil wala naman talaga siyang pake.

At saka... Hindi rin naman niya marinig ang sermon ni Mrs. Morales dahil naka-headset siya.


Dahil kung tutousin, mas gusto pa ni Ace na mapabilang nalang sa mga lower sections, dahil hindi napre-pressure ang mga ito sa mga ekspektasyon ng mga guro na ang akala ay kung anong genius ang nasa 1st section at ang daming pinapagawa.

Wala din naman siyang pake kung mapunta siya doon sa lower section dahil ang importante lang naman sa kanya ay ang maka graduate at makapasa ng board exam.

Dahil hindi naman sectioning ang basehan, kundi ang mga grado ng isang tao.


*****  
-Recess-   

Nasa classroom lang nagtambay ang isa pang estudyante ng section Echo na si Jack Jacob Johannes, or Jack for short. Bukod sa wala siyang pera dahil kinakapos sila, ayaw din niyang lumabas dahil dun sa text message na natanggap niya.

Hindi niya kilala kung sino yung nagtext sa kanya... At saka, wala naman sigurong magkaka-interes sa cheap na cellphone niyang di-keypad parin hanggang ngayon.

Gusto niya sanang makasali man lang sa top 10, pero dahil kapos siya sa pera, hindi magaganda ang naipa-pass niyang mga proyekto, at mababa din ang mga marka niya.



"Psst..."

...

"Psst!!!!!"

...
...

"HOOOOYYY!"  May bigla nalang sumigaw sa tenga niya kaya malapit na tumilapon yung mga tutuli ni Jack sa tenga niya.

"Arrgghhh... Ano ba, Phoebe?!" Pabalik niyang sigaw sa dalaga.

Tumawa lang si Phoebe. "Haha... You look like a zombie, man. Ang haggard mo tingnan. Na stress ka ba?"

Nag roll eyes lang si Jack... Well, pilit nyang mag roll eyes pero hindi niya nagawa. Ba't ba kasi sobrang flexible ng mga eyeballs nga mga babae?!

"Jack, may natanggap akong creepy text message!" Sigaw ni Phoebe... Ulit. Siya nga pala si Phoebe Mae Santos, isang addict sa anime, guns and weaponry, and mystery stories.

For short... A nerdy nerd geek.


"Hah." Skeptical na pagka-sagot ni Jack. Hanggang ngayon kasi naghahanap parin siya nang paraan kung paano gagawin yung research topic nila, kaya hindi siya gaano ka interesado sa sinabi nitong malikot na Phoebe.

Guide to Highschool Survival #Watty's2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon