Chapter 3: Suspicions...

416 23 0
                                    

Chapter 3: Suspicions...



West Marine High
-12:03 am-
-School Field-
—Third person's point of view—   



Napatingin nalang sila sa isa't-isa. Walang may alam kung ano ang dapat gawin at kung ito ba ang nararapat para makamit ang grado na kanilang kinakailangan.

"F*ck." Napa-cuss nalang si Nylersh habang hinablot ulit nito ang headphones. "So? Ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Phoebe habang nilagay niya ang kanyang mga kamay sa bewang niya.



"Well... Pwede naman sigurong i-skip ang quest, diba?" Pasimpleng suggestion ni Jack habang nakangiti lang. At dahil dito, nabaling ang kanilang mga attensyon patungo sa kanya.

Kaya napakamot nalang ang binata sa kanyang ulo. "Hehe.. I mean, hindi naman nakasaad na hindi natin pwedeng i-skip yung level diba?"


Napatango nalang si Xezhamae sa suggestion ni Jack. "Yeah. Hindi natin dapat sirain ang property ng school, dahil paniguradong malalagot tayo kapag nagkataon."





"Hah."

Nabaling na naman ang attensyon nila kay Bridget, na ngayon ay nakangisi na nang malapad. "It just goes to show that you're a wimp." Saad niya habang naka-pamewang pa.

"Malalaman ng school na tayo ang may gawa kung may magsasabi, pero kung wala... Then it's perfectly fine."



Tinitigan lamang siya ni Xezhamae. "Pero kahit pa hindi malalaman ng school... Hindi parin tayo makakatulog sa konsensya—"

"——Oh, shut it... Konsensya." Napa-irap nalang si Bridget. "Well I guess, pare-pareho kayong takot."




"Hah. Wala naman talaga akong pake sa school na to eh." Sumbat pa ni Nylersh, habang inilabas niya ang kaniyang weapon na motolov cocktail.

"T-Teka lang, bro!!" Sigaw ni Zedric habang sinubukan niyang pigilan yung kaibigan niyang, parang gusto nang pumatay ng tao.




"Whoa. Yan ba ang weapon niya?" Napatanong si Angel na mukhang manghang-mangha sa nakita niya. "Cool."

"I'm so envious." Pabulong na sinabi ni Phoebe kay Ace, na nag shrug nalang.



"It will be troublesome... But I will throw this straight into the CCTV and burn it down first." Panimula ng binata habang nag explain siya ng strategy na parang professional.

"Okay. Sinong may lighter dito?"






Pero bago pa makasagot si Jack, bigla-bigla nalang tumunog ang kanilang mga cellphones, at kinuha na naman nila ito at tiningnan.

*You have 1 text message.*



~~~~~

Unfortunately... Dear player Jack, your suggestion is not liable.

In order for you to be able to go forward, you'll need to complete all quests. But don't worry.

Guide to Highschool Survival #Watty's2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon