Chapter 5: Bag Inspection

70 4 3
                                    

West Marine High
-7:03 am-

West Marine High-7:03 am-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


  "Nawawala. Ang. Flag!" sigaw nang student council officer sa harapan nina Zoren at Aliyah.

  Tahimik lang silang lahat, at napa-hinto nalang si Zoren, hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. "Ha? Ang flag, nawawala?"

  Tumango-tango nalang ang officer. "Kasasabi ko nga lang—" bigla nalang niyang hinawakan ang damit nito.

  "Nagbibiro ka ba?!"

  "Bro, dude, my man, what the fuck — kumalma ka — ba't naman ako magbibiro? Nawawala po talaga ang flag, kaya hindi po matutuloy ang flag ceremony." At talagang may emphasis pa talaga sa salitang PO. "Pasensya na po talaga."

  Nabitawan nalang ni Zoren ang officer, at hinarap si Aliyah, na namumutla.

  "Hanapin na natin ang flag!" Sigaw  ito, at pumayag naman kaagad ang dalaga, kaya pinakawalan nalang sina Zedric at Jack. "Gusto ba ninyong mapagalitan ng mga teachers?"

Sumama na rin sa kanila ang dalawang student council officers, kaya wala nang nagde-detain kina Zedric at Jack.

  "Oh well, I guess that's part of the plan too," nag-shrug nalang si Zedric at hinigit ang bisig ni Jack.
"By the way... Ang lakas ng pagkaka-suntok mo saakin kanina ah," saad nito, nandidilim ang paningin.

  "Haha... Sorry bro." Sagot naman ni Jack, habang kamot-kamot niya lang ang batok. "Quits?"

  "Gusto mo I-quits ko yang pagmumukha mo, ha?"

  "Sabing sorry na nga diba."

  "Libre fishball sa kanto," sabi ni Zedric, na bigla-bigla nalang nagkaroon ng malaking ngisi.

***

  Nagpunta nalang si Zoren sa harapan ng mga estudyante at kinuha ang microphone. Marami na ang naguguluhan kung bakit ang tagal magsimula ng flag ceremony, kaya tungkulin niyang linawin ang mga bagay na ito.

  "Attention, all—" nagulantang nalang ang binata dahil hindi gumagana ang kaniyang microphone. Lumingon siya kay Aliyah. "Anong nangyayari?"

Umiling-iling lamang ang dalaga. "Zoren, walang kuryente."

  "Ha? Eh bakit parang sa labas ng school mayroong—"

  "M-May nag-cutoff ng power supply natin!" Medyo naguguluhang sigaw ng isang officer sa chairman, hingal na hingal pa.

  Kinuyom nalang ng nagtitimping binatilyo ang kaniyang kamao. "SINO ANG GUMAWA?"

  Daglian namang lumayo sa kanya ang officer at umiwas ng tingin. "P-Pasensya na, Zoren, hindi naman namin alam dahil may problema daw sa security system ng school."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guide to Highschool Survival #Watty's2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon