"Trish, sorry hindi siya dumating" saad ni kuya Genesis.
Si Lucas dapat ang ang escort ko sa debut ko ngunit hindi ito dumating.
Hindi na nga sumipot sina mommy at daddy dahil may fashion show si ate ngayon. Mas inuna pa nila si ate keysa sa akin. Buti nandito ang lolo at lola ko, kumpleto ang mga De Leon nandito ang mga tiyuhin at tiyahin ko. Pero wala naman ang mga magulang ko.
Hindi ko mapigilang humikbi. Pinilit kong hindi tumulo ang mga luha ko. Niyakap ako ni kuya Genesis at pinakalma. Ng matapos ang kanta bumalik ako sa mini stage at umupo doon. Nag simula na ang 18 candles. Nagpapasalamat talaga ako na kompleto ang mga kaibigan ko. Lalong laluna si Ren kahit na may trabaho siya pumunta pa rin siya.
"We love you Trish" parang gripong umagos ang mga luha ko. Niyakap ko sila at hinalikan.
Hating gabi ng matapos ang debut ko. Pagpasok ko sa loob ng mansyon bumungad sa akin ang mga tiyuhin at tiyahin ko at ang mga pinsang lalaki. Hindi ko na napigilang umiyak. Isa isa silang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Shhh. Tahan na Trisha" binigyan ako ng isang basong tubig ni kuya Gael kinuha ko naman iyon at ininom. Matapos ang pagpakalma nila sa akin, nagsalit na si lola. "Si Melanie mas inuna pa niya ang ampon niya kesa kay Trisha" tama nga ampon nga si Ate Trixie anak siya sa dating kasintahan ni mama. Namatay sa isang ambush ang kanyang mga magulang. Tanggap ko naman siya bilang kapatid ko, pero ang hindi ko matanggap ay yung mas mahal siya kesa sa akin na tunay na anak nila.
"Lola pagod na po ako" walang buhay na sabi ko tumango lang si lola at umakyat na ako.
Okay lang sana kong nandito si Lucas. Tuwing magbibirthday ako lagi siyang present ngayon lang ito nangyari. Para bang busy siya, hindi na nga niya ako nasusundo sa school. I know wala akong karapatan, magkaibigan lang kami pero mahal ko si Lucas.
Naalimpungatan ako ng tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Napabalikwas ako ng makita kong si Lucas ang tumatawag sa akin. Dali dali kong pinindot ang answer button.
"Hello" malamig na sabi ko. Hindi ko pinahalata na nagagalak akong sagutin ang tawag niya.
"Belated happy birthday Trisha" alam ko kahit hindi ko siya nakikita nakangiti siyang bumabati sa akin. Hindi ko siya sinagot dahil patuloy lamang sa pag agos ang mga luha ko. Binalot kami ng diyos ng katahimikan hanggang sa pinatay ko na lang ang tawag.Nakit ko si mommy sa swimming pool area namin nasa harapan niya si Ate Trixie. Inaayos ni mommy ang buhok nito. Napabuntong hinga na lang ako kahit nung bata pa ako hindi pa niya binabraid yung buhok. Maganda naman ang buhok ko. Hindi ko alam sa tuwing lalapit ako kay mommy tapos sinabi kong gusto kong ibraid niya ang buhok ko ngumingiwi lamang ito.
Napatingin sa aking gawi si mommy agad naman akong ngumiti sa kanya at akmang lalapit ng bigla niyang iniwas ang kanyang tingin at umiling.
"Apo!" Tumingin ako sa lola ko na papasok pa lamang sa pintuan. Mapait akong ngumiti sa kanya. "Congratulations Trisha Maria Elissana you are the class valedictorian for this school year" nagulat ako sa sinabi ni lola. Bumaling ang tingin ko kay mommy ngunit hindi man lang niya ako sinulyapan.
"Talaga po lola?"
"Oo" naglakad pa patungo sa dining area si lola kaya sumunod na ako.
Nakita ko namang tumayo sina mommy at Trixie at sumunod sa amin. Nakita ko agad si daddy na umiinom ng kape. Lumapit ako sa kanya at akmang hahalik sa pisngi ngunit agad niya akong pinigilan. "Goodmorning dad" kalmadong bati ni ate Trixie sa kanya nagulat pa ako ng humalik siya sa pisngi ni daddy. Nakaramdam naman ako ng inggit.Nagtatawanan silang tatlo nagkukuwento tungkol sa nangyari kahapon tahimik lang ako at si lola nakita ko naman na panay ang irap ni lola kapag nagsasalita si ate Trixie. Mabilis lang ang ginawa kong pagkain at umalis na sa hapag. Kita ko kong gaano kasaya sina mommy at daddy sa kuwento ni ate Trixie hindi nga nila namalayan na umalis na ako.
Agad kong pinalis ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Nandito ako sa isang coffee shop ng subdivision namin.
Napatingin ako sa bagong pasok na lalaki. Bumilis kaagad sa pagtibok ang puso ko. Yumuko ako at pinagpatuloy lamang ang pagdedesinyo ng mga damit.
"Here, regalo ni mommy sa iyo" tumingin ako sa kulay pink na box. "Siyempre hindi rin ako magpapahuli" inilabas niya ang kulay blue na box. Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Narinig ko naman siyang bumuntung hinga.
"Kaya siguro mas favorite ka ni mommy dahil mahilig kang magdesign ng mga gowns" tumango lang ako. Hindi ko alam kong bakit ganito ang inaakto ko sa kanya.
"Hindi mo pa rin ako kakausapin?" Pa sweet pa na tanong nito. Umiling lang ako at tumingin agad sa kanya.
"Alam mo kahapon wala na naman sina mommy at daddy" malungkot na sabi ko nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko.
"Ikaw rin wala, pero naiintindihan ko Lucas" agad kong iniligpit ang mga sketchpad ko at dali daling lumabas sa coffee shop.
BINABASA MO ANG
LOVING YOU
ChickLitMahal na mahal ni Trisha si Lucas kaya niyang gawin ang lahat para kay Lucas. Kaya ng maisipan ni Trisha na sabihin dito ang kanyang pag ibig na nadarama. Labis siyang nasaktan ng malaman niya na mahal ni Lucas ang kanyang nakakatandang kapatid na...