Pinipilit kong ibukas ang aking mga mata ngunit tila wala akong lakas. Rinig na rinig ko ang iyakan sa paligid ko. Rinig na rinig ko rin ang tinig ng aking ina na para bang nagpupumilit na makalapit sa akin. Nagmamakaawa na papasukin siya ngunit tanging malamig na sagot lamang na galing kay lola.
Rinig na rinig ko rin ang boses ni Ren."Wala po talagang kinalaman si Trisha. Si Trixie po ang nag utos sa mga tauhan niya na bugbugin siya. At palabasing si Trisha ang nag utos na ipapatay siya"
rinig ko din ang mga bayolenteng komento ng mga tiyuhin at tiyahin ko.
"Legal ba ang ginawa mong pagiimbestiga iha?" Tanong ni lolo. "Illegal" malamig na sagot nito. "Kinakailangang may ebidensya tayo" rinig kong sabi ng isa sa mga tiyuhin ko, malamig na tumawa lamang si Ren
"ginawa ko na po. Tinakot ko lang po yung isang tauhan ni Trixie. Bumigay agad eh." Pinilit ko pa rin ang dumilat. Hanggang sa ikatlong beses kong pagsubok napagtagumpayan ko rin sa wakas."Oh my god! Gising na si Trisha" tili ni Jenny. Parang umurong dila ko nahihirapan akong magsalita.
"Tu...ig" mabilis naman inabot ni Kuya Kael ang isang basong tubig sa akin at ininom iyon. Nakita ko ang pulang pulang mata ng mga tiyahin ko.
Dumating kaagad si kuya jacob para I check ang katawan ko. Ang sabi niya maari na akong makalabas next 3 days.
"Ilang araw na akong natutulog?" Ngumiwi naman si Ren sa tanong ko "grabe ka kong matulog ha dalawang linggo" humalakhak naman siya sa kanyang sariling biro. Haays."Papasukin niyo ako! Anak ko yan!" Napatingin ako sa may pintuan ng marinig ko ang boses ng aking ina. Tumingin ako sa kanila at tiningnan si Ren.
"Pakisabi Ren na huwag siyang mag ingay natutulog ako" malamig na sabi ko, nagulat naman silang lahat akala nila papasukin ko ang ina ko. "Oki" maikling sabi niya.Pagod na ako
Siguro naman magiging masaya silang tatlo kapag wala na ako sa kanilang landas. Madagdagan pa ang membro ng pamilya nila dahil dumating si Lucas."Lola" umupo naman si lola sa kama at hinaplos ang buhok ko. "Narinig ko kayo ni lolo na pupunta kayo ng Paris" tumango tango lang si lola. Noon ko pa ito pinag iisipan. Ngayon buo ng ang pasya ko.
"I want to go to Paris la. And study there" nagkatinginan sina lolo at lola. Tumayo si lolo at lumapit sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Ano ba ang course na kukunin mo?" Ngumiti ako dahil alam kong isasama nila ako."I want to design gowns. I want to build a clothing line company."a Hinalikan ni lola ang noo ko at sinabing sumasang ayon siya sa gusto ko.
Naalimpungatan ako ng may humahaplos sa pisngi ko. Pagdilat ko nakita ko ang aking ina na may ngiti sa labi.
Dahil nadala na ako sa ginawa niya sa akin tinampal ko ang kamay niya at marahas na tinanggal sa pisngi ko. Napaatras ako baka kong ano ang gawin niya sa akin.
Nakita kong bumalantay ang sakit sa kanyang mga mata. Inilibot ko ang paningin ko at walang tao sa room ko.
"Asan si lola?"
May bahid ng takot ang boses ko. Hinaplos niya ang buhok ngunit lumayo lamang ako."Huwag!"
Pigil ko sa kanya ng akmang hahaplusin niya ako. Baka sabunotan ako."Hindi, huwag kang matakot kay mommy."
Malumanay ang tinig nito. Yung boses na ginagamit niya pag kausap niya si Trixie. Umiling lang ako at akmang tatayo na sana ng bigla ko siyang nakitaan ng pagkataranta."Hindi pa maayos ang katawan mo anak"
Anak?
Kailan pa niya ako naging anak."Then leave kong ayaw mong tumayo ako." Malamig na saad ko nakitaan ko na naman ang mga mata niya ng sakit na emosyon. Binalewala ko na lang iyon.
Pinilit kong makatulog ngunit hindi talaga. Kaya pinikit ko na lamang ang mga mata ko. Narinig kong nagbukas at sara ang pintuan baka si mommy na naman.
"Diba sabi ko alis?" Galit na saad ko, pagdilat ng aking mga mata ay agad kong nakita ang kinamumuhian kong tao sa buong buhay ko.
"What are you doing here?" Sabi ko sa matigas na ingles. Lumapit pa siya sa akin at nabigla ako ng umiiyak siya sa harapan ko.
"I'm sorry Trisha" iyak lang siya ng iyak ngunit bato na yata ang puso ko dahil tila parang natutuwa pa ako na makita siyang umiiyak.
"Leave baka sumugod na naman ang mommy mo at awayin ako" wala siyang nagawa kundi ang sundin ang utos ko dahil alam niyang kaya ko siyang ipakulong.
After 3 days nakalabas na ako ng hospital. At ngayon ay nag gigirls bonding kami ng mga kaibigan ko. Malapit na kasi ang alis ko eh.
"Teka sure ka bang ipaputol tong mahaba mong buhok Trisha? Alam ko kung gaano mo ito kaalaga"
tumango lang ako kay Sabrina. Kung noon natatakot akong maarawan ang buhok ko. Gusto ko kasi noon na Ibraid ito ng ina ko. Ngayon nagbago na ang sitwasyon."May napansin ako sa mga mata mo Trisha"
nailang ako ng tumitig sa akin si Jenny sa salamin kahit ako tinatanong ko ang aking sarili kong anong kulang sa mga mata ko."Nawala na yung mga sparkles sa mata mo Trish. Noon tuwing magsasalita ka parang may sparkles ang mata mo"
isip bata talaga si Jenny kahit kailan."Anong course ang kukunin ninyo?" Alam ko na kong ano ang kay Jenny business talaga ang sa kanya.
"Same kami ni Jenny. Ikaw Ren?"
Napatingin kami sa gawi ni Ren
"doktor neurosurgeon" bilib talaga ako kay Ren.
"Ta da!"
Napangiti ako ng matapos gupitin ang buhok ko. Napakaikli na nito. Pero bagay sa akin. Mas sophisticated akong tingnan.
"Nagmomove on ka teh?" Sabay nilang sabi. Natawa na lang ako. Ah mamimiss ko talaga sila.
BINABASA MO ANG
LOVING YOU
ChickLitMahal na mahal ni Trisha si Lucas kaya niyang gawin ang lahat para kay Lucas. Kaya ng maisipan ni Trisha na sabihin dito ang kanyang pag ibig na nadarama. Labis siyang nasaktan ng malaman niya na mahal ni Lucas ang kanyang nakakatandang kapatid na...