CHAPTER 3

4 0 0
                                    

Pagdating na pagdating ko sa mansyon agad akong nagtungo sa kwarto ni ate Trixie.
Nakita kong nakasiwang ang pintuan nito. Papasok na sana ako ng marinig ko ang tinig ng mommy ko.

"Sinagot mo na si Lucas?" Sumilip ako at kita ko kung gaano ka sincere ang tingin niya kay ate, samantalang sa akin palaging disgusto ang mga titig niya.
"Opo mom" ngumiti si ate kay mommy.

So all along alam ni mommy na nililigawan siya ni Lucas. Alam lahat ng mga De Leon kong gaano ko kamahal si Lucas.
Napailing ako paano nila malalaman eh wala naman silang pakealam sa akin.
Mabilis kong tinungo ang kuwarto ko at nagkulong na doon.

Hating gabi ng may kumatok sa pintuan ko.
Tamad kong binuksan iyon. Namuo ang galit sa aking dibdib ng makitang si Trixie iyon na may dalang pagkain.

"Trisha masamang malipasan ng gutom"
mapakla akong tumawa at isasarado na sana ang pintuan ng bigla niyang iharang ang kanyang mga paa.

"Ano ba! Ayokong kumain" tinulak ko siya dahilan para magliparan ang kanyang dala.
Naglikha iyon ng malakas na tunog kaya rinig na rinig ko ang mga nagmamadaling yapak ng mga paa.

"What's happening here?" Nagpabalik balik ang tingin ni mommy sa amin.

Ngunit lumapit pa rin siya kay Trixie na ngayon ay umiiyak na.

"Anong ginawa mo Trisha?"
Nanggagalaiti sa galit si mommy. Ngumiti lang ako ng nakakaloko.

"Pabida kasi eh. Ayaw kong kumain nagpupumilit pa akong pakainin" mas lalo pang nag alab sa galit ang mga mata ni mommy.

"Nagmamagandang loob lang si Trixie anak" bumaling ako kay daddy at bumalik ang tingin kay Trixie na ngayon ay alo alo na ni mommy.

"Nagagalit ka ba sa akin dahil sinagot ko si Lucas?" Humihikbing tanong nito sa akin. Niyakap naman siya ni mommy. Naiinggit ako ng makita ko kung paano alauin ni mommy si Trixie,
How I wish magawa niya sa akin yan.

"Hindi lang dun Trixie. Inagaw mo na lahat sa akin pati ba naman si Lucas?"

Madamdaming tanong ko. Nagsimula na namang bumuo ang mga luha ko.

"Anong inagaw? Trisha walang inaagaw si Trixie" madiing sabi ni mommy. Katulad pala kayo ni Lucas mom eh. Manhid.

"Kung ano man yang nararamdaman mo kay Lucas kalimutan mo na yan. Nagmamahalan silang dalawa. Kaya pwede ba wag kang kontrabida"
hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. Pabalibag kong isinarado ang pintuan at rinig na rinig ko pa ang sigaw ni mommy.

Paano niya nasabi sa akin iyon?

Paano niya nasabi sa akin na kalimutan ko na si Lucas?

Ano ba ang nagawa ko bakit ako nagkaroon ng hindi mapagmahal na mga magulang?
Habang tumatagal ang pag iyak ko lalong sumisikip ang dibdib ko.
Parang pinilipit ang puso ko sa sakit na aking nadarama. Dali dali kong hinanap ang gamot ko at ininom iyon halos sampung minuto bago ako kumalma. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Tanghali na ng gumising ako. Sabado ngayon walang pasok. Pagtingin ko sa labas nakita ko ang isang ranger. Binalewala ko iyon at naligo na ako at nagbihis. Pagkababa ko nagulat ako ng bumungad sa akin si Tita Maricel ang mommy ni Lucas. Niyakap niya ako kaya napangiti na lang ako.

"Sa wakas nasagot na rin ang aking dasal" masayang wika nito

nakaramdam ako ng pagkailang kaya yumuko na lang ako.

"Salamat iha at sinagot mo na si Lucas"  umatras ang dila ko sa sinabi ni tita.

Hindi ba niya alam na ang aking kapatid ang nobya ni Lucas?

"Mom hindi si Trisha si Trixie" rinig kong sabi ng nasa likod ng ginang nakita ko naman kong paano nagbago ang reaction ni Tita.

"Akala ko si Trisha, alam mo namang siya ang gusto ko para sayo" nagkatitigan kami ni Lucas pero agad din akong nagbaba ng tingin.

"Mahal ko si Trixie mom"

oo na mahal mo siya uulit ulitin mo pa ba sa harap ko?

May lunch pa lang magaganap sa mansyon hindi man lang ako niyaya. Kita ko namang tumitig si Trixie sa akin at akmang lalapit ng mabilis akong lumabas at kinuha ang mercedes benz na regalo ni lola at lolo.
Mabilis akong nakarating sa Palasyo De Leon tirahan ito nina lolo at lola malawak ang lupain at malaki ang mansyon. No cut the mansyon, palasyo pala.

"Iha! Anong ginagawa mo rito?" Niyakap ko agad si lola at umiyak na sa kanyang mga bisig.

"Naku si Melanie kukurutin ko talaga sa singit iyan" natawa ako sa reaction ni lola ng sabihin ko sa kanya ang lahat.
"Lola asan po si lolo?" Ngumiwi si lola sa tanong ko.

"Ayon kasama ng iyong mga pinsan, feeling binata nag babasketball, tingnan lang natin kong hindi manakit ang kanyang tuhod" sina kuya Genesis talaga alam na ngang matanda na si Lolo sinama pa tsk. Tsk.
Nakiusap ako kay lola na dito na muna ako titira. Pumayag naman siya. Halos mga apat na araw na akong nakatira sa kanila. Hindi ko alam kong hinahanap ba ako don sa mansyon o masaya na sila na wala na ako doon.

Sa loob ng apat na araw tinatawagan ako ni Lucas ngunit palagi kong nirereject ang tawag niya.

"Apo, para maka move on kinakailangan ng closure"
kumunot ang noo ko sa sinabi ni lolo. Feeling bagets nanaman yata siya. Mabilis kong itiniklop ang sketchpad ko.

"Walang kami lolo"
tumango tango lang si lolo. Sabagay may point naman si Lolo.

Palakad lakad ako sa loob ng aking kuwarto nag iisip kong ano ba ang tamang gawin. Napapitlag ako ng biglang mag ring ang phone ko. Nakita kong si Lucas ang tumatawag sa akin. Agad kong pinindot ang answer button.

"Meet me, coffee shop sa subdivision natin" pinatay ko kaagad ang tawag. At pumunta na sa aming subdivision.

LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon