"Welcome home"
Sabay sabay na bati ng mga tiyuhin at tiyahin ko. Lumapit ako kay lola na nagtataray na ngayon sa akin. Niyakap ko siya at nagpapacute.
Malaki kasi ang tampo ni lola sa akin, uuwi na sana ako rito 5 years ago pero mas naging in demand ang mga designs ko kaya na extend pa ako ng limang taon.
"Welcome home anak"
napatingin ako sa bumati sa akin.
Ten years na ang nakalipas na patawad ko na siya.
Ngunit hindi ibig sabihin na napatawad ko na siya ay magiging close na kami.
Kung ano yung trato niya sa akin noon ganundin ang trato ko sa kanya ngayon. Ngumiti lang ako bago bumaling kay lola."La naman huwag ng magtampo" humalakhak ang mga tito ko dahil sa inasal ni lola. Pinisil lang ni lola ang pisngi ko at pinugpog ng halik. Tawa lang ako ng tawa.
Nagtungo kami sa hardin ng natapos kaming kumain. Nakatanaw lamang ako sa mga pinsan kong nagtatawanan. Katabi ko ang mga tiya ko at ang aking ina.
"Anak, pinalinis ko na ang silid mo sa mansyon" tumingin lang ako sa kanya. Wala talaga akong balak na umuwi sa mansyon.
"Sorry mom. Sa pad ni Ren ako tutuloy" nakitaan ko naman ng sakit ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko kaagad.
"I'm sorry sa mga pagkukulang ko anak"
gumaralgal ang boses niya.
"Pinatawad na kita mom. And it's been 10 years nakalimutan ko na iyon"
nakalimutan ko na ring may mga magulang ako.
Magsasalita pa sana siya ngunit tumunog na ang phone ko,
unknown number
ilang beses na itong tumawag sa akin kong sasagutin ko naman hindi magsasalita.
"Look kung sino ka man please huwag ng istorbo."
Bakas sa boses ko ang pagkairita. Hindi ko na hinintay na abutin pa ng limang minuto pinatay ko kaagad ang tawag
"Salamat talaga Ren ha" tumango lang si Ren sa akin. Nandito kami ngayon sa pad ni Ren.
Hindi nga sana ako papayagan ni lola, ang gusto niya ay makasama pa niya ako. Buti nag palusot ang magaling ko mga kaibigan.
Nagpaalam na si Ren sa akin, may duty pa raw siya. Kaya ako na lang mag isa sa pad niya.Sa loob ng sampung taon marami ng nagbago.
Pati na rin ang pag ibig ko kay Lucas. Oo inaamin ko mahirap talaga ang kalimutan siya. Pero sa maraming taon na hindi ko siya nakita at inisip dahan dahan na siyang nawawala sa systema ko. Siguro kasal na sila ni Ate Trixie marami na siguro silang anak. Wala na akong balita kay Ate Trixie.
Matagal ko ng pinutol ang komunikasyon sa aking pamilya. Kong gusto man nila akong kamustahin si lolo o si lola ang kanilang tinatawagan."Walang kasalang magaganap" nagulat kami ng makita namin si Jenny na umiiyak. Sabog ang mukha dahil nagkalat ang eyeliner niya.
Nagsimula na ang gulo. Lahat kami nagulat ng malaman namin namay affair pala ang pinsan ni Jenny kay Jeremy.Kaya pala gusto nito na siya ang Maid of honor kahit si Ren dapat o isa sa aming tatlo.
Namilipit sa sakit si Jeremy ng bigyan siya ng malalakas na suntok ni Ren.
Hindi ko talaga alam kong lalaki ba si Ren o hindi putok yung labi ni Jeremy. "Wow! Amazing ka talaga Ren" hindi ko maiwasang sabihin. Binigyan naman ako ni Jenny ng nakakamatay na tingin.
"Nagche cheer lang ako mga bes"
"Teka masyado namang unfair kong si Jeremy dapat pati rin si Hail- -" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may dumapo sa pisngi ko. Napatingin ako kung sino ang gumawa ang ina pala ni Haillee the Hitad."Ano ba wala ba kayong mga puso?"
Puso? E yang anak kaya niya meron ba?
"Siya ang walang puso! Inisip ba niya kong ano ang magiging resulta sa ginawa niya ha?"
Napayuko ang matandang babae. Napuno ng mga iyakan ang simbahan.
Matapos ang nang yari nagpaalam na ako sa kanila. Wala pa kasi akong proper rest. Bukas ko na lang kakausapin si Jenny dahil may kakausapin pa ako.
Nagtungo ako sa pinakalapit na Restaurant.
Suot ko pa rin ang backless blue dress ko. Lahat ng mga taong madadaraanan ko ay
napapatingin sa aking gawi. Haay. Iba talaga ang sex appeal ko.
Muntik na akong matumba ng biglang may bumunggo sa akin. Buti na salo niya agad ako.
Naramdaman ko pa ang malaking kamay nito sa likod ko. Dahilan kong bakit naramdaman kong tila tumindig ang mga balahibo ko sa leeg ko
Inangat ko ang tingin ko. Nagkasalubong ang aming mga mata
Bumilis sa pagtibok ang puso ko
Parang huminto sa pag ikot ang mundo ko.Nararamdaman ko na naman ang pagpilit ng puso ko dahilan para kapusin ako ng hininga. Hinaplos pa niya ang likod ko dahil sa ginawa niya ay malakas ko siyang tinulak.
BINABASA MO ANG
LOVING YOU
ChickLitMahal na mahal ni Trisha si Lucas kaya niyang gawin ang lahat para kay Lucas. Kaya ng maisipan ni Trisha na sabihin dito ang kanyang pag ibig na nadarama. Labis siyang nasaktan ng malaman niya na mahal ni Lucas ang kanyang nakakatandang kapatid na...