"What's the meaning of this? Bakit maraming mga bagahe rito?"
Napangiwi ako ng marinig ko na nag iingay na naman si mommy.
Bumaba na ako at kita ko ang gulat sa kanyang mga mata."Naku anak hindi mo pinapasabi na uuwi ka sa bahay, hindi pa nakapagluto ang mga katulong. Ngunit huwag kang mag alala magluluto ako ng paborito mong kare kare"
napaismid ako, kita kong nalilito ang mga katulong namin dahil sa trato ni mommy sa akin ngayon.
"Actually mom. Caldereta po ang paborito ko"
kita kong parang napahiya si mommy sa sinabi ko."Pinutol mo ang buhok mo? Bagay sayo anak"
ikinibit balikat ko lamang ang sinabi niya.
Inutos ko sa mga katulong na iayos na ang mga bagahe sa van. Kita kong nalilito si mommy."Magbabakasyon ka? Ang dami naman ng dala mo"
bakas ang kaba sa boses nito, nice act mom. Pwede kanang pang famas."Sasama ako kina lolo at lola sa Paris. Doon na ako mag aaral"
napahinto naman si mommy."Bakit sa Paris pa? Ang layo doon. Ano bang course mo? Pwede naman kitang ipasok sa mamahaling paaralan anak"
umiling lang ako at naglakad na papasok sa van. Tinatawag tawag pa ni mommy ang pangalan ko ngunit binalewala ko lamang iyon.Your too late mom.
Ngayon ka pa magpapakaina sa akin?
Nagring ang phone ko
Unknown Number? I press the answer button."Hello?"
Lumipas ang 5 minuto ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya. Kaya walang sabi sabing pinatay ko ang tawag.
Kumaway kaway pa ang lola ko ng makarating ako sa airport.
"Tara na apo"
bakas sa boses nito na excited siya. Ngumiti lang ako bago naglakad kasama sila. Umupo muna kami sa waiting area.Hindi ko alam kong bakit parang ayaw ko nang tumuloy.
Ilang beses akong napabuntong hinga.
Para naman sa sarili ko itong gagawin ko ah.Para malimutan ko ang pait na naranasan ko sa buhay ko.
Gusto kong pagbalik ko sa Pilipinas. Mapatawad ko na silang lahat.
Ang mommy ko ang daddy at si Trixie.
Gusto kong kalimutan na rin si Lucas.Si Lucas na minahal ko at mamahalin ko parin. Gusto kong maglaho itong pagmamahal na nadarama ko sa kanya. Gusto kong sa pagbalik ko rito sa Pilipinas ay kaya ko na siyang tingnan na wala nang pagmamahal, ngitian na walang pagkakailang. Gusto kong bumalik ang pagkakaibigan namin.
Pagkakaibigan?
Si Lucas lang ang nakaramdam sa aming dalawa na magkaibigan kami., dahil pagmamahal ang ibinigay at ipinadama ko sa kanya.
After one hour tinawag na ang aming flight.
Habang naglalakad kami para bang inuutusan ang mga mata kong tumingin sa likod.
Napasinghap ako ng makita ko si Lucas.
Pati ba naman ngayon nakikita ko siya?
Umiling iling ako.
Pinikit ko ang mga mata ko at sa pagdilat nito ayhindi ko na nakita si Lucas.
Impossibleng pupunta siya rito hindi niya alam na aalis na ako.
At alam kong nasa kay Trixie siya ngayon binabantayan, inaalagaan. Tuloy tuloy sa pag agos ang mga luha ko. Niyakap naman ako ni lola.
Ito na ang huling iyak ko para kay Lucas.
Ito na ang huling araw na mamahalin ko siya dahil simula bukas at habang nabubuhay ako hinding hindi ko na siya mamahalin pa.
Matuling lumipas ang mga araw. Linggo at buwan.
At ngayon sampung taon na ang nakalipas.
Hindi ko alam pero ramdam kong may nagbago sa akin.
Napangiti ako ng makita ko ang maiksing buhok ko.
Kapag humahaba na ito pinapaputol ko kaagad.
Masyado na akong naobsess sa short hair.Sa paglabas ko sa airport ay agad akong dinumog ng mga reporters.
"Miss Trisha! Ano pong dahilan kong bakit umuwi kayo sa pilipinas?"
"Miss Trisha! Totoo po bang may relasyon kayo ni Mister Clinton?"
Napataas kaagad ang kilay ko sa tanong ng isang reporter.
Si Clinton?
Oo nangligaw siya sa akin noon ngunit hindi ko na sinagot.
Dahil wala akong oras para magkaboyfriend.
Iginugul ko ang panahon ko sa pag aaral at pagdedesinyo.Agad hinarangan ng mga security team ni lolo ang reporters.
Malawak ang ngiti ko ng makita ko ang mga kaibigan ko at mga pinsan ko.
"Iba na talaga pag artista na diba Kael?"
Tanong ni kuya Gael siniko siko pa nito ang tahimik na si Kuya Kael."Hindi siya artista! Ungas sikat siyang fashion designer!"
Segundo naman ni Kuya Kobe. Hindi kompleto ang mga pinsan ko wala si Kuya Genesis.
"Asan si kuya---" hindi na ako pinatapos ni Kiya Jacob magsalita."Broken hearted ang puta" dahil sa sinabi ni kuya nabaling ang tingin ko kay Jenny na ngayon ay nakangiti sa akin. Nakita ko ang suot nila business attire ha. Samantalang si Ren naka white robe pa halatang nagmamadaling pumunta rito ha. Bagay na bagay talaga kay Ren ang maging doktor. Umuwi ako dahil ikakasal na si Jenny sa long time boyfriend nito na si Jeremy. Kaya si Kuya Genesis grabe siguro ang sakit na nadarama niya ngayon.
Haay! Pag ibig talaga!
Sumakay na kami sa van at nagtungo na sa Palasyo De Leon. Namiss ko talaga ang mga maiingay kong pinsan at ang mga kaibigan ko. Lalong lalo na ang moody bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
LOVING YOU
ChickLitMahal na mahal ni Trisha si Lucas kaya niyang gawin ang lahat para kay Lucas. Kaya ng maisipan ni Trisha na sabihin dito ang kanyang pag ibig na nadarama. Labis siyang nasaktan ng malaman niya na mahal ni Lucas ang kanyang nakakatandang kapatid na...