CHAPTER 4

2 0 0
                                    

"Trisha iniiwasan mo ba ako?" Tumango ako dahil yun naman talaga ang totoo.

"Bakit?"

Hindi ko napagilang tumawa ng mapakla.

"Mahal kita Lucas"
nakita ko kung paano umigting ang bagang niya. Umiling iling siya.

"Mahal ko ang kapatid mo Trisha" tumulo na naman ang pesteng luha ko.

"Ako na lang Lucas please, mahal na mahal kita"
umiling iling lamang si Lucas at tumayo akmang aalis na sana siya ng bigla ko siyang yakapin patalikod.

"Trisha I'm sorry"

hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya.

"Bakit palaging si Trixie ha? Ang mahal ni mommy si Trixie. Ang mahal ni daddy si Trixie ang mahal mo si Trixie ano bang mayroon siya na wala ako Lucas?"

Ramdam na ramdam ko ang paghina ng tibok ng puso ko. Ikinalas ni Lucas ang kamay ko sa pagkakayakap ko sa kanya humarap siya sa akin. Kita ko kung gaano dumilim ang kanyang mga mata.

"Ang puso ko na sa kanya Trish, wala sayo. Pagkakaibigan lang ang nararamdaman ko para sayo."

Napaluhod ako dahil nanghina na ang aking mga tuhod sumisikip na rin ang dibdib ko.

"Makakahanap ka rin ng para sayo Trish"

at tuluyan na akong iniwan ng taong mahal ko.

Siguro ito na siguro ang time na kalimutan ko na si Lucas. Hindi talaga nakatadhana sa akin ang magkaroon ng mapagmahal na magulang at mahalin ng pabalik ng taong iyong minamahal.

Makalipas ang tatlong linggo, tapos na ang graduation namin hindi man lang sumipot ang magulang ko. Kompleto ang tiyahin at tiyuhin ko pati na rin ang mga pinsan ko. Sina lolo at lola ang naglagay ng mga medals sa akin na dapat gawain sana ng mga magulang ko. Sa loob ng tatlong linggo hindi na tumatawag si Lucas sa akin. I pity myself.

Nakarinig ako ng sigawan sa baba ng palasyo De Leon. Dali dali akong bumaba baka napano sina lolo at lola. Pero ang nakita ko dun ay si mommy na malaki ang eyebags at walang make up para bang stress na stress siya.
Namiss mo na ba ako mommy?

Lalapitan ko sana siya ng tumatakbong tumungo siya aking kinatatayuan.

Nanlilisik ang kanyang mga mata kaya dahil sa takot ay napatakbo ako sa ikatlong palapag akala ko hindi niya ako maabutan pero bigla niyang hinigit ang buhok ko napatili ako dahil sa sakit na aking nadarama. Parang matatanggal ang anit ko. Umiiyak na ako nakikiusap na bitawan niya ako. Walang magawa ang mga katulong kundi ang pilit na tanggalin ang pagkakahawak ni mommy sa buhok ko. Natigil lamang siya ng may malakas na puwersa ang humiwalay sa amin. Nakita kong si lolo iyon. Naramdaman ko naman ang pagyakap ng lola sa akin. Kitang kita ko kung paano binigyan ng malakas na sampal ni lolo si mommy.

"Hindi kita sinaktan noon Melanie. Kahit na napakatigas ng ulo mo. Hindi kita pinagbuhatan ng kamay. Anong ginawa mo sa anak mo Melanie?"

Tumindig ang balahibo ko ng humalakhak si mommy

"anak? Wala akong anak na kayang ipapatay ang kanyang kapatid"

naguguluhan ako sa sinabi ni mommy. Umalis kaagad si mommy matapos niyang sabihin iyon.

Hinaplos haplos naman ni lola ang buhok ko. Lumapit si lolo sa akin at hinalikan ang noo ko.

"Apo nasa hospital si Trixie. Kritikal siya ngayon. Alam kong wala kang kinalaman sa nangyari sa kanya apo. Huwag kang mag alala lilinisin natin ang pangalan mo" natigalgal ako sa sinabi ni lolo. Pinagbintangan ako ng mommy ko? Dahil kay Trixie?

Pinilit ko sina lolo at lola na pumunta sa hospital. At first hindi sila pumayag baka pagbuhatan na naman ako ni mommy ng kamay. Pero pinilit ko pa rin sila.
Pagdating namin sa hospital agad tumayo si Lucas at lumapit sa akin hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. Napadaing ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

"Kritikal si Trixie. Punyeta ka. Anong nakain mo at pinlano mong ipapatay ang sariling mong kapatid"

nanginig ang binti ko ng marinig ang kanyang malamig na boses.

"Huwag mo akong pagbintangan Lucas" yun lang ang sinabi ko sa kanya pinilit kong maging matapang sa harapan niya bago nilagpasan.

Nagpatulong na rin ako kay Ren sa pag iimbestiga sa nangyari kay Ate Trixie. Alam kong kayang alamin ni Ren iyon.

Napaatras ako ng sinalubong ako ng sampal  ni mommy. Buti wala sina lolo at lola dumaan muna sila kay kuya Jacob, doctor kasi ang pinsan ko dito.

"Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito."

Tinulak tulak ako ni mommy wala akong magawa kundi ang umatras lamang.

"Wala kang awa!"

Hindi pa rin siya tumigil kakasabunot sa akin. Pinanood lamang ako ni Lucas na para bang sinasabi niyang 'serves you right bitch'

sa hindi inaasahang pangyayari naramdaman ko na lamang ang pagkahulog ko sa hagdanan.
Rinig na rinig ko ang tili ng mga tao pero mas nangibabaw ang kay mommy.

I hope kontento na siya. Napagbayaran ko na ang hindi ko na man ginawang kasalanan kay Trixie.

Pagod na akong mabuhay sa mundong 'to. Sana mamatay na lang ako gusto kong umiyak si mommy at daddy dahil patay na ako.

LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon