Maaga akong dumating sa school ko. Inagahan ko talaga para hindi ko makita ang mga magulang ko. Nagtatampo pa rin ako sa kanila.
"Trisha!" Inilibot ko ang paningin ko ng marinig ko ang pangalan ko. Napangiti ako ng makita ko ang mga kaibigan ko. Sobrang energetic ang aura ni Jenny at Sabrina samantala ang aming moody bestfriend na araw araw ay may dalaw na nakabusangot na walang iba kundi si Ren.
"Kumusta? nag kita na ba kayo ni kuya lucas?" Pinsan ni Sabrina si Lucas. Tumango ako
"pero nagtatampo pa rin ako"
"Bakit kasi siya pa ang escort mo pwede naman isa sa mga heartthrob ng campus natin?" Mahina akong natawa sa sinabi ni Jenny. Kung isa sa mga heartthrob dito sa campus namin edi isa sa mga pinsan ko ang escort ko. Walang ibang pinakagwapo rito kundi ang mga pinsan kong nasa college department 4th year na sila. Si ate Trixie 1st year college na rin siya. Samantalang si Lucas nasa 3rd year kaya busyng busy siya.
"May P E pala tayo ngayong umaga?" Nakita ko kung paano umirap si Ren ng marinig ang salitang P E. Ayaw kasi ni Ren ng mga physical activities.
"Tara palit na tayo ng P E uniform" tumango ako at sumunod na sa kanila. Isang linggo na lang graduation na namin. Hindi ko alam kong bakit may klase pa kami. Alam naman ng lahat ang mga top ten this school year. Matapos kaming nagbihis nagtungo na agad kami sa gymasium ng campus namin.
Pagdating namin dun maraming mga studyante ang nagkukumpulan papasok na sana ako ng biglang may humigit sa braso ko. Sabay kaming napalingon sa likuran ko. Pagtingin ko ang mga walong pinsan ko lang pala. Mukhang galing sila ng work out naka jersey pa kasi sila. Nginitian ko sila binigyan naman ako ni kuya Genesis ng nervous na ngiti."Uhm. Baby girl gusto mo ice cream muna tayo?" Ang aga aga namang magyaya ni kuya Genesis ng ice cream. Umiling ako at papasok na sana sa loob. Ng higitin na naman ako pagtingin ko si kuya Gael pala. "How about carbonara?" Napasimangot ako "kuya tapos na po akong nag agahan. At saka diet ako no?" Nakarinig ako ng malalakas na hiyawan at parang kilig na kilig ang ibang mga babaeng studyante. Hindi ko alam ngunit parang hinihila ang mga paa ko na pumasok. Hindi ko na pinansin ang mga pinsan ko kahit na humarang na sa dinaraanan ko si kuya Kael kakambal ng kuya Gael ko. "Baby umalis na tayo rito please?" Tiningnan ko lang siya bago ibinalik ang tingin sa mga studyanteng nagkukumpulan. Hindi ako nakinig sa kanila at tumakbong lumapit ako sa mga studyante.
Parang gumuho ang mundo ko ng makita ko si Lucas na may hawak ng isang bouquet na rosas. Kumakanta siya sa harapan ng Ate Trixie ko. Matapos ang pagkanta niya lumuhod siya at kinuha ang kamay ni Ate Trixie.
"Trix. I love you. Can you be my girl?" Libo libong karayom ang tumusok sa puso ko. Lalung lalona ng sinagot siya ni ate kitang kita ko kung gaano kasaya si Lucas.
Napatingin sa gawi ko si Lucas at may malawak na ngiti na lumapit sa akin. Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero hindi ko magawa. Nabigla ako ng yakapin niya ako.
"Sinagot na ako ng ate mo" nagsimula ng bumuo ang mga luha ko.Nakita kong lumapit sa gawi ko si ate Trixie para bang nahihiya siya. Kumuyom ang kamao ko.
"Wow"
hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko ng gumaralgal ang boses ko.
Ang maingay na gymnasium ay tumahimik at para bang nakikinig kong ano ang aking sasabihin.
"Congrats" tumulo ang isang butil ng luha ko.
"From now on I call you Kuya na Lucas"
tuluyan ng umagos ang mga luha ko nagulat naman si Lucas sa inasta ko.
"Boyfriend ka na kasi ng ate ko eh"
akmang hahawakan ni Lucas ang pisngi ko ng malakas kong kabigin iyon.
Kaya ba nung mga nakaraang buwang busy siya ay dahil nililigawan niya si ate Trixie?
"Why are you crying Trish?"
Manhid. Masyado kang manhid Lucas
"I'm just happy. Tears of joy I think?"
Hindi ko magawang ihakbang ang mga tuhod ko. Parang anytime magbebreak down ako sa harapan ng lahat. Magsasalita pa sana ako ng makita ko ang mga kaibigan kong palapit sa akin. Agad naman akong kinaladkad ni Ren.
Lakad takbo lang ang ginawa namin ng makarating kami sa malapit na cr. Nakita ko doon ang mga pinsan ko. Ngumiti ako sa kanila. Sabay sabay silang lumapit sa akin at inalo ako."Kaya ba hindi nakapunta si Lucas sa debut kasi pumunta siya ng new york at pinanood ang fashion show ng ate ko?"
Tanong ko kay kuya Genesis marahan lang na tumango si kuya. Mas lalo pa akong napahagulgol dahil sa nalaman ko.
BINABASA MO ANG
LOVING YOU
ChickLitMahal na mahal ni Trisha si Lucas kaya niyang gawin ang lahat para kay Lucas. Kaya ng maisipan ni Trisha na sabihin dito ang kanyang pag ibig na nadarama. Labis siyang nasaktan ng malaman niya na mahal ni Lucas ang kanyang nakakatandang kapatid na...