Must be known

4 0 0
                                        


I'm staring at the window of the car. Si Brian ang nagda-drive at nasa front seat si ate. Nasa likod kami ng mga bata dahil naka tulog na sila sa pagod. Si Nikki kanina pa natutulog sa mga braso ko. Si Cee naman dahil nga sa pagod nung nakita niyang tulog na si nikki, natulog na rin siya sa lap ko.

Tumingin ako sa anak ko. Ang ganda niya. Huminga ako ng malalim. Marami na akong naiisip. Hindi ko ma describe ano ang nararamdaman ko ngayon.

Ang dami ring taon na hindi ko siya hawak. Fulfilling pala talaga na ngayon hawak ko na siya. Na hindi ako nagagalit sa sarili ko ngayon dahil sa kakaisip kung ano kaya kung hawak ko ang anak ko sa mga bisig ko, yung kasama ko siya lagi, yung maproud sa kanya sa lahat ng bagay, yung karga ko siya, yung kayakap ko siya, yung kausap ko siya, mahalin niya at ituring ako na ama niya.

"Kieth, wala namang iyakan. Baka magising mo yung bata sa mga luha mo." Tumingin ako kay ate. Nakangiti lang siya . Hinawakan ko ang mukha ko. Bakit hindi ko namalayan na umiiyak na ako ngayon?

"Alam mo Kieth, ganyan na ganyan din ang nasaksihan ko nung umuwi si Brian sa amin." Nahihiya man pero tumatango tango si Brian.

"Ganyan na ganyan talaga Keith. Nakakahiya pero ramdam kita." Dugtong ni Brian.

"Anong ibig ninyong sabihin?" Nagtataka kong sabi.

Tumawa si ate at si Brian. " Hindi mo ba naaalala yung kinuwento ko sayo noon na taong minamahal ko pero iniwan ako? Diba hindi niyo alam yung sikreto kong malupet hanggang sa kabuwanan ko na? " Tumawa lang ulit si ate. Nasa luzon kasi siya nun doon niya pinagpatuloy ang mag med school pati ang panganganak.

"Siya yung gago na umiwan sa akin. No offense sa word ko bry ha. Lab naman kita."

"Ano?" At tumawa ako. Yung tawa na 'Ang tanga ko naman bat ba ako nag assume agad' kind of tawa. Nagtaka sila ate.

"Akala ko pa naman na kaagaw ko si brian kay han dahil nung gabi na pinuntahan ko kayo sa bahay niyo, nakita ko na ang saya niya noon at nagyakapan pa kayo." May halong lungkot sa boses ko pero mas gumaan ang dibdib ko.

"Close kasi kami ni han. Kasama niya kami ni Fine noong panahon na nawala ka na lang bigla at dala-dala niya yang angel na yan." Sabay turo kay nikki kahit hindi siya nakatingin dito sa likod.

Nakatitig lang kasi ako ulit sa anak ko. "Angel nga siya." Sagot ko.

"Malapit na tayo." Sabi ni ate sakin.

Nung makarating na kami sa bahay nila at ginarahe na ni Brian ang kotse, binaba na namin ang dalawang bata. Buhat ko si Nikki at si Brian naman kay cee. Nalagay na namin sila sa kani kanilang kwarto.
Nagkwentuhan pa kami nila ate sa garden. Gusto ni ate na makitulog ako sa kanila para naman makasama ko raw naman ang anak ko.

"Alam ko past namin to ni bry pero gusto ko lang mag-share." Sabi ni ate na naka ngiti. Hawak nila ang kamay ng isa't isa. Tumawa naman si Brian.

"Sige na ako na magkukuwento." Aniya ni Brian.

"Hindi ko alam kung anong nararamdaman nung mga panahong yun. Tama si Fine na gago ako nun. Tinakasan ko siya. 'Bata pa ako at ayaw ko pang matali. Maybe hindi ko talaga siya mahal, and etc.' Yun ang sinasabi ko sa sarili ko nun. I made a mistake kasi akala ko noon na si Andrew na classmate niya eh sinulot si Fine at ako naman si gago nga ehh nambabae at nakita yun ni Fine kaya naghiwalay kami. Ayun misunderstanding lang pala.

Nag punta ako ng US at doon tumapos ang pagmemed school. Finding myself talaga kung baga. Trying to move on, pero na realize ko na mali ako at mahal ko naman talaga siya. I had two relationships doon pero hindi seryoso dahil... Corny pero ni halikan sila hindi ko magawa kasi siya lang nakikita ko sa kanila. Naglalasing lang ako dun kasi parati ko na lang siya naiisip. Nagkita kami ng papa ni Fine at nagusap kami na gusto kong balikan si Fine ngunit ang sabi niya ayusin ko na lang ang sarili ko.

Napagpasyahan ko nun na pag-igihan at tapusin ko na muna ang pag-aaral ko para pagbalik ko may ipagmamalaki akong kaya ko siyang buhayin at ang magiging mga anak namin. Pero nung naka uwi ako dito sa Pinas, nalaman ko na lang na nagbunga pala ang pagmamahalan namin ni Fine. Simula noon sinigurado ko na hindi ako papayag na hindi sila makuha. Inayos ko lahat ng gusot - sa kina papa at mama pati naman kay han. Pinakasalan ko na rin agad si Fine para hindi na maka arte pa. Binigla ko man siya, atleast kami ng pamilya niya ang nag handa sa kasal para sa aming dalawa." Nakikita ko na nakikinig ng mabuti si ate Fine at kinikilig din. Para silang mga teenagers kung makatingin sa isa't isa.

"O Kieth, bakit parang ang seryoso mo naman?"

"Naka-relate kasi ako ate. " Tinawanan ko lang sila. Pero sila parang nagtataka naman.

"Siguro panahon nang malaman ninyo ang dahilan kung bakit ako umalis."

Nung naka balik na kami sa bahay, tinawag naman namin si mom na ka Skype pala si dad at kuya Ford.

Kinuwento ko ang lahat sa kanila. Ayaw ko na rin kasi patagalin pa. Kung baga dapat kunin ko na rin ang boto nila para mabawi ko na agad agad si han at wala nang tututol pa.

"Inaamin ko po na mali ang lisanin ko si han. Pero hindi ko po masasabi na mali ang kunin siya dahil mahal ko naman talaga siya simula't sapul." Patapos ko sa usapan namin.

"Kieth, congratulations on your second life.
Nagusap na ba kayo ni Han on your next step?" Aniya ni dad.

"I'll need this family's help po for that."

"Well, we're on your side on this. I know too well you're the man worth the love of my daughter. I knew it nung high school pa kayo till you both made it official. I knew it from the way you stare at han. That's the exact way I look at my loving wife. Live a great life with her, fix everything, bring joy to each other everyday and don't leave ever again." Blessings received again. Mabuti nga at hindi sila sobrang galit sa akin. Dad, mom, and ate has been the coolest ever.

"As long as sincere ka at firm ka sa desisyon mo. Fighting for your belief has never been a sin, it's a right. Know where you stand and affirm that you won't regret your decisions before you fight for it." Yun ang laging payo ng Dad ni Han sa amin.

That's what he said to me when nag punta ako sa bahay nila nung nag away kami ni Han sa sobrang liit na bagay. First fight namin yun as a couple. Pumunta ako para magsorry and sabihin na siya yung pinipili ko over my addiction towards video games. At nung nagpaalam ako kung pwede kong pakasalan si Han.

"I'm swearing from my soul dad. I'll do everything you said."

Love is a Commitment (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon