Chapter 17

8.1K 64 15
                                    

Sa bahay naman ng magulang ni Yuriko;

"Ilang araw na at hindi pa umuwi ang anak nating si Yuriko." Ani ng ama nito.
"Baka naman nasa isa sa mga kaibigan nya at gumagala. Alam mo naman yun, matagal din nangingibang bansa ang anak natin." Malumanay namang sagot ng ina ni Yuriko.
"Nag-alala lang ako sa anak natin asawa ko." Saad pa ng ama nya.
"Malaki na ang anak natin mahal ko. May tiwala naman ako sa kanya. Ikaw ba?" Tanong nito.
"Malaki lang tiwala ko sa kanya at sana hindi niya ito sisirain sa iisang pagkakamali lang."
______________________

(Sa bahay naman ni Peirce)

Peirce's POV

Umaga na at kailangan ko nang pumasok sa trabaho. Ilang araw nadin na hindi ako pumasok. Ako pa naman ang manager. Baka hindi na ako gagawin ng CEO ni dad.

"Yuri??" Pagtawag ko sa kanya. Paggising ko wala na sya sa tabi ko. Bumaba nalang ako at baka nasa kusina sya.

"Yuri?" Pagtawag ko ulit sa kanya ng makababa na ako.
"Peircee nasa kusina ako." Sigaw nito.

Pinuntahan ko kaagad sya at nakita syang naghahanda ng makakain namin.

"Gising kana pala. Oh, nakapagbusiness attire ka, papasok kana ba?" Tanong nya sakin habang tinapos ang paghahanda.
"Kailangan ko nang pumasok ngayon dahil nakatambak na siguro mga papeles na kailangan kong pirmahan." Sagot ko sa kanya at umupo na.
"Mabuti at naisipan mo nang pumasok." Nakangiting sabi nya.
"Nga pala Peirce, uuwi narin ako. Baka nag-alala na sina dad at mom sakin." Dagdag pa nyang sabi.

"Sige. Pwede naman siguro kitang puntahan sa bahay nyo diba?" Kahit ayaw ko syang umalis wala akong magagawa.

"Oo naman. Bibisitahin din kita sa opisina mo ok lang ba?" Sabi nya.
"Maganda yang naiisip mo. *wink* Tapos imamassage mo'ko sa opisina ko habang nagtatrabaho ako." Sabi ko na parang nang-aakit sa kanya.
"Sure. Kain na tayo at sasabay narin ako sayo." Saad nya sakin habang nakatingin sakin ng malagkit.

Natapos nadin kaming kumain at naghanda na para umalis.

Nauna na syang lumakad sakin kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng likod nya.

It's just me o sadyang lumiit lang talaga si Yuriko? Dahil sa pagkakaalam ko matangkad sya. Tch ano ba itong iniisip ko. Binalewala ko nalang iyon at sumakay na sa kotse dahil nakasakay na pala si Yuriko.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse kaya nagpatugtog nalang ako.

Yuri's POV

Nauna na akong lumakad kay Peirce dahil may malalim akong iniisip. Sumakay kaagad akosa kotse nya. Sumakay nadin sya pagkatapos.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse kaya nagpatugtog nalang ito.

"Peirce." Tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"Diba madadaanan mo yung coffee shop ni Kris?" Tanong ko.
"Oo bakit?" Tanong nya pabalik.
"Dun mo nalang ako ibaba dahil simula nung bumalik ako dito sa pinas, hindi pa kami nagkikita." Sagot ko sa kanya.
"Sige, pagkatapos mo dun uwi kana agad. Wag nang gagala."
"Hindi po. Pagkatapos kong makipagkita sa kanya uuwi na kaagad ako." Pagsisinungaling ko.

Mga ilang oras din at nakarating na kami sa coffee shop ni Kris. Naunang bumaba si Peirce tsaka ako inalalayan pagbaba ko.
"Oh paano, una na ako mahal." Malumanay na sabi ni Peirce. Hinalikan ko kaagad sya sa lips tsaka nagpaalam na.

Author's POV

Lingid sa kaalaman si Peirce, may nakaabang na palang sasakyan na kukuha doon kay Yuri. Nang makasiguro na si Yuri na nakaalis na talaga si Peirce tsaka pa lamang sya sumakay sa sasakyan na naghihintay sa kanya dun.

Saan kayapupunta si Yuriko? At sino naman kaya yung babaeng nakagapos?

_______________________________

Hello everyone. Sino sa tingin nyo yung babaeng nakagapos? Hmm. Oo nga pala, biglang umangat yung rank ng istoryang ito. Naging rank 9 na sa romance. OmO ang bilis naman. Salamat talaga sa inyo mga mahal kong readers.

Sex with my classmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon