Chapter 18

8.9K 75 19
                                    

Warning: READ AT YOUR OWN RISK.
__________________

Yuri's POV

"Blake, kumusta na si Yuriko sa abandonadong building?" Tanong ko kaagad sa kanya ng nasa loob na ako sa sasakyan.
"Ayun, buhay pa naman Sheena. Anong balak mong gawin dun?" Tanong ni Kian pabalik sakin.
"Paglaruan ko muna bago ko patayin. Hahahahaha." Demonyo kong tawa.

(Si Blake ang kababatang nerd noon ni Sheena. Simula elementarya hanggang sa magcollege na ang dalawa, magkasama parin sila. Naging schoolmates nila noon si Yuriko na sikat na sikat na school nito. Kung ano man ang dahilan ni Sheena kung bakit nya pinadukot si Yuriko ito ang mga pangyayari noon.)

High School palang ako ay gustong-gusto ko na si Peirce nun. Pero iba ang gusto nya at si Yuriko iyon. Bakit alam ko? Simple lang, pinake-alam ko ang mga gamit ni Peirce sa closet nya sa school at doon ko nakita ang litrato ni Yuriko na may nakasulat 'mahal ko' sa gilid nito. Noon palang, inggit na inggit ako kay Yuriko dahil nasa kanya na ang lahat. Lahat ng gusto nya nakukuha nya. Hindi katulad ko na sa sobrang dami naming magkakapatid eh halos hindi na ako mabigyan ng magulang ko sa kung ano man ang gusto ko.

One time sa school, alam nyo bang nerd ako? Oo nerd ako katulad ni Blake noon. Pero si Blake lang ang matalino saming dalawa at ako naman ay average lang ang katalinohan. Sa school, may nambubully sakin. Wala pa kase nun si Blake. Sya lang kase ang nagtatanggol sakin. Habang binubully ako, nadaanan ako ni Yuriko. Huminto sya at tinignan ako at yung nambully sakin. Akala ko tutulungan nya ako pero hindi. Tinulak nya ako at nilagyan pa ng dumi ang uniporme ko. Tumatawa pa sya habang ginagawa yun. Pati narin ang mga nambully at mga taong nakatingin samin.
Umiiyak lang ako noon habang sya naman, naglalakad na paalis at yun naman ang pagdating ni Blake. Tinulungan nya agad ako at pinagtaboyan ang mga umaap sakin. Mayaman sina Blake at isa din sa kilalang pamilya ang pamilya nito.

Hanggang sa laging nagcross ang landas namin ni Yuriko sa school at inaaway ako. Na nerd daw. Walang kafashion fashion sa katawan. Kesyo manang manamit. Naiiyak na lamang ako kapag sinasabihan nya ako ng ganon.

"Sheena? Hoy Sheeena??!" Sigaw ni Blake sakin.
"Bakit ka umiiyak dyan? Naalala mo na naman ba ang nangyari noon?" Pag-alalang tanong ni Blake sakin.
Tumango lang ako bilang sagot tsaka pinahiran ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko.

Blake's POV
Nagtext si Sheena sakin na dadalawin nya si Yuriko. Oo nga pala, nagpapanggap syang sya si Yuriko ni Peirce.
Kababata ko si Sheena kaya alam ko lahat ang pangyayari sa buhay nya. Lahat lahat, alam ko.
Pagpasok na pagpasok nya sa sasakyan, tinanong nya kaagad kung kamusta na si Yuriko kaya ang sagot ko buhay pa naman.

Tinanong ko sya kung ano ang balak nyang gagawin dito pero ang sagot nya ay paglaruan muna bago patayin.

Hindi ko pinahalata na nagulat ako sa huling sinabi nya kaya tumahimik na lamang ako.

Tinignan ko sya dahil ang tahimik nya at hindi nagsasalita eh hindi naman sya ganito. Nakita kong dumaloy sa mga mata ang mga luha. Siguro naalala na naman nya ang nangyayari noon.

Tinawag ko sya at tinanong kung bakit sya umiyak. Kung naalala na naman ba nya ang mga nangyayari noon pero tumango lamang si Sheena bilang sagot.

Malapit na din kami sa abandonadong building kung saan nandun ang tunay na Yuriko.

Pitong minuto ang nakalipas nakarating na kami sa abandonadong building.

"Nandito na tayo." Agad na sabi ko kay Sheena at pinark muna ang sasakyan bago kami lumabas at pumasok sa abandonadong gusali.

"Yung kambal mo nga pala ang nakabantay sa kanya dito. Ewan ko lang kung pinapakain nya ba ito." Pag-uumpisa ko.
"Kung pinapakain nya si Yuriko ok din at kung hindi at pinapahirapan nya ito mas mabuti iyon." Nakangising sambit nito.

Hindi ko alam kung bakit umabot pa sa ganitong paraan para lang makaganti si Sheena kay Yuriko.

Hindi na lamang ako nagsalita pa at nagpatuloy na lamang sa paglakad patungo sa kinalalagyan ni Yuriko.

Nasa harapan na kami ng pintuan ng bumukas ito bigla.

"Oh, nandito kana pala kambal ko. Kumusta naman ang mga araw na lumipas kasama si Peirce hmm?" Tanong kaagad ng kambal ni Sheena.

Oo, may kambal si Sheena at hindi pala totoong magulang ni Sheena ang nakagisnan nya. Si Kanna na kambal ni Sheena ang kasama at lumaki sa totoong magulang nila. Nang mahanap na nila si Sheena, kinuha kaagad nila ito at nagpapasalamat dahil sa pag-ampon ng nawawala nilang anak na si Sheena. Mula noon, kami ng tatlo ang laging magkasama at alam nadin ni Kanna ang mga nangyayari sa buhay ni Sheena. Sya mismo ang nag-udyok kay Sheena na gantihan ang mga taong umaapi sa kanya noon. Kaya mula noon, iniisa-isa na ni Sheena ang mga taong umaapi sa kanya kasama na sa listahan si Yuriko dahil sa kambal nito.

______________________________

Hanggang dito muna readers0:-)

Sex with my classmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon