Chapter 20

3.3K 22 9
                                    

Someone's POV

Lingid sa kaalaman ng lahat, may nakaabang na pala kay Blake at ito ay walang iba kundi si Peirce. Napansin kaagad ni Blake na may nakaharang na sasakyan sa dadaanan nya kaya wala syang magawa kundi ihinto ito. Nagulat na lamang sya ng makita nyang si Peirce pala ang nakasakay dito. Nakaramdam siya ng takot dahil baka alam na ni Peirce ang lahat.

Peirce's POV

Sorry at natagalan ang pag-update ni Ms.Author guys. Tinatamad na kase syang mag-update dito pero dahil sa kakisigan ko nag update nadin sya sa wakas. Nilandi ko kase sya sa panaginip nya. Joke lang. (A/N; tumino ka Peirce, alam mo naman kung bakit may POV ka diba?! Gawin mo na ang dapat mong gawin, may palandi landi ka pang nalalaman dyan tss.) So ayun na nga, nagalit na si Ms.Author.

Nalaman ko ang lahat lahat dahil sa taong hindi ko alam kung sino.

>>FLASHBACK<<

Nasa opisina ako ngayon nakaharap sa sangkatotak na mga paper works. Ilang araw din kase akong nag-sstay sa bahay kasama si Yuriko. Alam nyo naman, laging naglalambingan. *chuckles*

Napahinto ako sa kakaisip ng biglang nagring phone ko.

"Hello?" sagot ko kaagad.

"Is this Peirce Svex?" sabi sa kabilang linya at boses babae ito.

"Oo, bakit?" sagot ko naman.

"May dapat kang malaman." seryosong sabi nito.

"That's all for now Peirce. Better look for the true Yuriko and not the fake one." Last na sabi nito at pinutol na nya ang tawag.

Hindi parin ma process saking utak ang mga pinagsasabi nya. May nag pop na message sakin at ito na ang sinasabi ng babae na nakausap ko lamang kamakailan lang sa phone. May isesend daw syang video sakin. Ebidensya na nagpapatunay na totoo ang lahat ng mga sinsabi nya sakin. Hindi agad ako naniniwala dahil magkasama lang kami ni Yuriko.

Kahit ayaw ko mang panoorin yung video. Pinindot ko parin ito at nakita ang katotohanan. Nang makita kung ano ang laman ng video agad akong nagpatulong sa kaibigan kong isang agent. Pinatrace ko kaagad kung nasaan ang tunay na Yuriko at nahanap naman kaagad nya ito. Mabilis akong nagtungo kung saan dinala si Yuriko. Nagtext din sakin ang kaibigan ko na isang agent kung saan nandun na sa kinaroroonan ni Yuriko at nagsabi na may isang lalaki na isinakay ang walang malay na si Yuriko. Lahat ng detalye tinext nya sakin at doon ko na daw hihintayin yung sasakyan.

Kaya nandito ako ngayon, nakadarapa sa gitna ng kalsada. Ilang oras din akong naghintay dito ng may narinig na akong kotse na patungo sa direksyon ko.

Huminto agad ito at parang walang balak lumabas kung sino man ang driver nito. Lumabas ako sa sasakyan at nagtungo sa kotseng nakahinto malapit sa sasakyan ko. Bawat hakbang na gagawin, palakas ng palakas naman ang pagtibok ng puso ko. Bago paman ako makakatok sa bintana nito lumabas ang nasa loob nito na ikinabigla ko dahil kilala ko ang lalaking ito. Schoolmate ko ito noon.

Bakit sya ang kasama ni Yuriko? Kasangkot ba sya sa pagdukot ni Yuriko at pagpapanggap ni Sheena bilang si Yuriko??? Yan agad ang mga tanong sa isipan ko ng makita ang pagmumukha ni Blake.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung anong gagawin ko. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Paano kung may ginawa sila kay Yuriko? Sa taong malay ko. Nandidilim ang paningin ko ng nakatayo na si Blake sa harapan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok kaagad sya sa mukha.

"Anong ginawa nyo kay Yuriko?!! Ha?! Ano?!!" hindi nya dinepensahan ang sarili nya bagkos hinayaan nya lang akong bugbugin sya.

"Hi-ndi ito ang tamang oras para bugbugin mo ako Peirce dahil anong oras na lang, mamatay na si Yuriko kung hindi natin sya madala kaagad sa hospital." Nagpupumilit na sabi nito dahil sa pagbugbog ko sa kanya.

Natauhan naman agad ako sa sinabi nya at tinignan ang nasa loob ng kotse nya. Nakita ko ang walang kamalay malay na si Yuriko. Agad ko syang kinarga sa mga braso ko at nagtungo sa sasakyan ko. Hindi ko na pinansin pa si Blake at pinaandar kaagad ang sasakyan ko. Hindi pwedeng mawala sakin ang taong matagal ko nang hinintay. Hindi pwedeng iwan ako ni Yuriko. Tumawag sakin si Austin, ang agent na kaibigan ko. Sinabihan ko sya kung anong kalagayan ni Yuriko at sila na daw ang bahala kay Blake at kung sino pa mang sangkot sa pagdukot na ginawa nila kay Yuriko.

-------------------------------------------------------------

ito muna guys, jusmiyo natagalan din ang pag update ko dito

Sex with my classmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon