Chapter 19

5.8K 42 5
                                    


Sa kabilang banda naman, labis na ang pag-alala ng mga magulang ni Yuriko sa kanya. Imbes na magreport sa pulis naghintay muna sila ng ilang araw pa.

Someone's POV

"Kailangan ko nang kumilos bago pa mahuli ang lahat. Kailangan kong itama ang pagkakamali na nagawa ni Sheena." Sabi nito sa isip nya habang nakatingin sa babaeng nawalan ng malay.

Sheena's POV

Siguro naman kilala nyo na ako mga readers? Tumawa na parang demonyo. Oo, tama kayo. Hindi ako ang tunay na Yuriko. Pinadukot ko sya at pinapahirapan ng kambal ko. Ang paghihiganti ko ay sya namang pagbagsak ni Yuriko. Dapat mawala sya sa landas ko bago malaman ni Peirce ang lahat. Ayokong mawala si Peirce sakin. Akin lang sya. Akin lang.

"Kambal, pasok na tayo sa loob." Pag-aaya ng kambal ko na nagpabalik sa ulirat ko. Pumasok na kami sa loob at nakitang walang malay si Yuriko.

"Gisingin mo sya." Utos ko sa kambal ko. Binuhusan nya naman ito ng isang baldeng tubig kaya nagising agad ito.

Tumingin si Yuriko sakin na syang nagpalaki ng mga mata nya.
"Bakit magkamukha tayo?" Nanghihinang tanong nya. Napatawa ako ng mapakla.

"Kung pwede lang na hindi gayahin ang mukha mo at gawin ang lahat ng mga pinaplano ko, ginawa ko na." Nakatingin ako sa kanya ng masama habang sinasabi yun.

"Anong kasalanan ba ang nagawa ko at pinadukot mo'ko?" Naiiyak nyang sabi. Sa tototo lang naaawa na ako sa kalagayan nya.

"Sheena, wag mong sabihin na naawa ka sa kanya?" Nagbabantang tanong ni Kanna, ang kambal ko.

"Of course not." Agad na sabi ko at nilapitan si Yuriko. Hinawakan ko ang mukha nya ng malakas kaya naman napa-impit sya ng mahina.

"Kung hindi dahil sayo, edi sana kasal na kami ngayon ni Peirce. Sana, naging kami na noon. Pero may nangyari sa inyo at nagkakamabutihan kayong dalawa. Akalain mo yun, dahil lang sa sex naging ganon na ang lahat? Sana namatay kana lang Yuri." Galit na sabi ko kasabay nun ang pagsampal ko sa mukha nya.

Nanghihina na sya kaya alam ko na kahit ano pa ang gagawin ko sa kanya hindi na nya ako malalabanan pa.

"Tanggalin mo ang tali nya." Utos ko kay Kanna. "Ewan nyo muna kaming dalawa dito", dagdag ko pa.

"Masusunod kambal ko." Ginawa naman agad ni Kanna ang inutos ko sa kanya tsaka agad itong lumabas. Nakatingin lang ako sa malayo at nanunumbalik sa ala-ala ko ang mga nangyayari noon.

>>FLASHBACK<<

"Goshh...andyan na si Yuriii guyss!"

"Bro, ang ganda nya talaga."

Rinig na sabi ko sa mga kaklase namin. Kaklase ko si Yuriko at noon paman, naiinggit na ako sa kanya. Na sa kanya na ang lahat. Maganda, mayaman, matalino, at higit sa lahat mabait sya sa lahat.

"Alam nyo ba na nagkakagusto sa kanya si Peirce???" sabi ni Carla.

"OMG totoo ba yan gurll??!!" tanong naman ni Bethy.

Nasaktan ako ng todo ng marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Nang makarating na si Yuriko, nakatingin ako sa kanya na puno ng inggit at hinanakit ang damdamin ko. Pati ba naman ang nag-iisa kong kaibigan na si Peirce, nagkakagusto rin sa kanya. Yung nag-iisang tao na nagbibigay sakin ng saya kinuha din nya.

Tama ang nabasa nyo. Magkaibigan kami ni Peirce. Simula noong mga bata pa kami hanggang sa lumaki na kami lagi parin kaming magkakasama. Pero nagbago ang lahat simula noong unang pagtungtong namin sa high school. Hindi na nya ako sinasamahan. Lagi na lamang syang nakatingin sa malayo kay Yuri at alam ko na may crush sya dito dahil sinabi nya sakin yun. Kahit nasasaktan na ako noong mga panahon na sinabi nya sakin yun pinilit ko parin na ngumiti at sinabi sa kanya ang mga salitang pilit kong binibigkas na, "bagay din naman kayo eh. Pareho kayong dalawang matatalino, maganda sya at ikaw naman pogi. Yieee support kita beshyy." Pagkatapos kong sinabi yun, nagpaalam agad ako kay Peirce tsaka naman bumuhos ang mga luhang kanina ko palang pinigilan. Hindi na ako pumasok sa last subject. Dumeretso na lamang ako sa bahay dahil alam kong mahahalata nila na umiiyak ako.

>>END OF FLASHBACK<<

Yuriko's POV

Hindi ko alam kung anong kasalanan ang nagawa ko kay Sheena at pinadukot pa nya ako. Gutom na gutom na ako at nanghihina na ang katawan ko. Tahimik lamang sya habang nakatingin sa malayo na para bang may malalim na naiisip.

"S-heena." nanghihinang tawag ko sa pangalan nya. "Paki-usap, pakawalan mo na ako. Wala naman akong ginawang masama sayo. Bakit mo ginawa sakin ito?" Nakatanggal na ang mga tali sa kamay at paa ko pero kahit na wala na akong tali, hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko kaya kung may gagawin mang masama sakin si Sheena, ang panginoon na ang bahala sakin.

"Alam mo bang ang laki ng kasalanan mo sakin Yuri!? Ha!? Nasa sayo na ang lahat pero pati kaibigan ko na nagbibigay saya sa puso ko kinuha mo!!!! Kinuha mo pa!!!" Galit na sigaw nya sabay hampas ng kung anong bagay na hindi ko na maaninang dahil sa nanghihilo na ang paningin ko. Sinipa pa nya ako at tinadyakan. Napaungol ako sa sakit at napaluwa ng dugo. Siguro ito na ang katapusan ko.

Blake's POV

Nakita kong lumabas si Kanna sa kwarto kung saan nandun si Yuri. Agad akong lumapit sa kanya at tinanong kung bakit sya lumabas.

"Pinalabas ako ni Sheena. Siguro gusto nyang solohin ang nakakaawang Yuriko sa loob ng kwarto Blake." nakangiti na parang demonyo. "Diyan ka muna Blake at may bibilhin lang ako saglit. Bantayan mo si kambal." Dagdag na sabi ni Kanna at agad na nagtungo sa kotse nito.

Kinakabahan ako sa pinagsasabi ni Kanna kaya naman walang pag-alinlangang pumasok ako sa loob at nakitang nakahandusay na sa sahig si Yuriko na puno ng dugo ang buong katawan nito.

"Hahahahahahaha, nakapaghiganti narin ako sa wakasss.!!! hahahaha." malademonyong tawa ni Sheena. Hindi ko alam kung si Sheena pa ba ito, dahil ibang Sheena ang nakikita ko ngayon. Tinignan ko ulit si Yuriko at parang hindi na humihinga pa. Mabilis kong tinapkan ang ilong ni Sheena sa panyo na may halong pampatulog at ilang sekundo pa lamang nahimatay na ito.

"Patawad Sheena kung nagawa ko ito pero hindi tama ang ginawa mo." Dahan-dahan ko syang pinahiga sa gilid at agad ko namang nilapitan si Yuriko. Binuhat ko kaagad sya at lumabas kaagad sa loob ng kwarto. Sa likuran ako dumaan at agad nagtungo sa pinarada kong kotse. Mabilis kong nilagay sa backseat ang nawawalang malay ngunit humihinga pa naman si Yuriko pero sobrang hina na nito. Pinaharurot ko kaagad ang sasakyan dahil baka mahuli na ang lahat. Kailangang mailigtas si Yuri dahil kung hindi, baka pati ako madamay sa mga kalokohang pinaggagawa ng magkambal.

Sex with my classmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon