Chapter 25

2.4K 14 0
                                    

3rd Person POV

Nakatulog na nga ng tuluyan si Peirce at hindi man lang nya namalayan na gumalaw ang mga daliri ni Yuriko.

Yuriko's POV

Nanaginip daw ako. Isang panaginip kung saan nanganganib ang buhay ko. Kailangan kong magising sa panaginip na'to.

Minulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko.

"Where am I?" Paos ang boses ko. Sobrang namamaos na maski ako hindi man lamang marinig ng husto ang boses ko. Nauuhaw din ako.

Naagaw ng pansin ko ang lalaking nakayuko sa higaan ko at hawak-hawak ang kamay ko.

"Tubig, kailangan ko ng tubig." Namamaos na sabi ko. Naigalaw ko ang kamay ko na hawak-hawak nya kaya naman nagising ito at napatingin sakin.

Gulat na gulat ang reaksyon nya at kinukusot-kusot pa ang mga mata nya.

"Sesanghe! You're awake! Gising kana!" Masayang sabi nya at niyakap agad ako.

"Tubig, nauuhaw ako." Namamaos man ngunit nakuha ko paring magsalita ng maayos.

"Wait, kukuha lang ako ng tubig." Mabilis syang kumilos at ilang segundo palang, may isang basong tubig na itong dala. Pina-inom nya ako at makikita mo talaga na abot sa mata ang sayang nararamdaman nya. Pagkatapos kung uminom, tinignan nya ako sa mata.

"Wag mo munang masyadong igalaw ang sarili mo. Tawagin ko muna ang doctor." Malumanay nyang sabi sabay hawak sa pisngi ko at hindi na nya ako pinasagot saka mabilis na nagtungo sa pintuan at lumabas.

Naiwan naman akong napatitig na lamang sa pintuan kung saan sya lumabas.

'It's been a long time Peirce.'

Peirce's POV

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko dahil nagising na ang taong mahal ko. Mabilis akong lumabas sa kwarto ni Yuriko at hinanap ang doctor nya at sinabing nagising na ang pasyente.

(Sa loob ng kwarto ni Yuriko)

"Wala ka bang nararamdaman iha?" Tanong sa doctor at chinecheck si Yuriko.

"Wala naman doc. I'm okay. Medyo nahihilo lang ako at sumasakit ang lalamonan ko dahil sa paos." Mahinang sagot ni Yuriko.

Lumabas muna ako at akmang tatawagan ko na sana ang daddy ni Yuriko.

"Son, baby." Napatingin naman ako sa tumawag sakin. Si mom and dad. Niyakap nila ako at ganon din ang ginawa ko.

"How was she?" Tanong ni Mom.
"She's awake now Mom, Dad. Sobrang saya ko at nagising na si Yuriko." Masayang sabi ko.
"Tawagan ko muna sina Tito at sabihing nagising na ang anak nila." Dagdag na sabi ko at tumango naman si Dad sakin, ganon narin si Mom.

Tinawagan ko na si Tito at nakakabading mang sabihin pero umiiyak ito ng malamang gising na si Yuriko. Pupunta agad sila dito at isasama nya si Tita. Dahil baka daw magwala yun kapag hindi nya pinasama eh nagising na pala ang anak nila.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob sa kwarto at patapos nadin pala ang doctor.

"Who's the relative of the patient?" Tanong ng doctor. Mabilis naman akong lumapit sa kanya.

"I am her husband." Taas noong sabi ko at ngumiti.
"Hmm, Mr. your wife is okay as of now. But we still need to check her kung magkakaroon ba sya ng amnesia. Sabi nga ng sinabi ko noon, na baka magkaroon sya ng acute amnesia na hindi naman magtatagal ng ilang araw. Also, I'm going to give you her medication para tuluyan na syang gumaling at manumbalik ang lakas nya. That's for now Mr.Sven." mahabang sabi ng doctor sakin.

Sex with my classmate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon