Bago ako mag-update, BASAHIN NYO MUNA ITO DAHIL KINAKAILANGAN!!! Charoot.
Ganito kase yun, wala akong maisip na pwedeng ipangalan sa mga magulang ni Yuriko baka naman may ma-i-SUGGEST KAYO READER(S)??? Kase, pigang-piga na utak ko pero wala pa din akong maisip. Pero kahit ganon, mag-uupdate na ako.
----------------------------------------------------------------------------------
Author's POV
Ohhhh akala nyo wala akong point of view nooo. Syempre meron.Hahahahaha
Ako muna magpopov ngayon since may mga kaganapan na dapat sanang hindi mangyari. Bagama't nailigtas na sa critical na kondisyon ang nagngangalang Yuriko na mahal ni Peirce, hindi parin ito gumising ilang araw na ang lumipas. Sinabi ng doctor na bunga ito sa nararanas nya na mga bugbog at maging ang sugat nito sa ulo. May posibelidad din ito na magkaroon ng temporary amnesia/transient global amnesia. ( Transient global amnesia is a sudden, temporary loss of memory for events during, after, and sometimes before the event that caused the amnesia. What causes many cases of transient global amnesia is not known, but one type iscaused by drinking too much alcohol or taking certain drugs.-Mr.Google )Inuulit ko, may posibelidad na magkaroon ng temporary amnesia si Yuriko dahil sa natamong sugat nito sa ulo.
Sa kabilang banda naman, alamin naman natin ang mga pangyayari sa mga araw na nakatakas ang magkambal.
Kanna's POV
Matapos namin makatago ng kambal kong si Sheena, nandito kami ngayon sa, sandali lang, bakit ko naman sasabihin sa inyo? Readers lang kayo at wala kayong karapatan na malaman kung nasaan kami ngayon. Baka magtraydor pa kayo at ireport nyo pa kami sa mga pulis.
(A/N; sorry readers kung ganyan magpopov si Kanna, naguguluhan na kase yang pag-iisip nya, kaya pagpasensyahan nyo na. Kay Sheena nalang tayo.)
Sheena's POV
POV na naman author? Bakit hindi mo tinapos yung kay Kanna? Tsss...kitang busy ako kakaisip ng paraan kung paano patayin si Yuri eehhh!!!! Naman!!!!
(A/N; guysss, sorry ulit. Mukhang nabaliw na si Sheena, balik nalang tayo kay Kanna.)
Kanna's POV
Buti binalik mo author at marami pa akong sasabihin. Alam kung masama na ang tingin nyo samin ng kambal ko. Pero wala kayong karapatan na husgahan agad kami! Wala kayong alam sa totoong pangyayari!!!
14years ago...
"Sir, maawa po kayo, wag nyo akong tanggalin saking trabaho. Kinakailangan ko ito. Naghihirap kami ngayon, nagkasakit pa ang magkambal ko." ani ng isang babae.
"Sorry, pero tanggal kana sa trabaho mo." sagot naman ng isang lalaki.
(present)
Mga bata kami noon ni Sheena pero dahil sa pangyayaring iyon, nagkahiwalay kami. Nagkasakit kaming dalawa sa panahong yun kasabay naman ang pagkawala ng trabaho ng nanay namin. Walang magawa si nanay kundi puntahan ang ama namin. Mayaman ang ama namin at naisipan ni nanay na humingi ng tulong. Tinulungan nga si nanay namin sa aming ama pero sa isang kondisyon naman. Palalakihin nya ang isa sa amin ni Sheena at ako ang batang iyon. Ako ang napili ni ama na kunin sa mga kamay ni nanay. Tulog si Sheena sa mga oras na iyon kaya wala syang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Hindi kasal si nanay sa ama namin dahil hindi ito nagustuhan sa mga magulang nito dahil daw mahirap lamang si nanay. Kahit labag sa kalooban ni nanay, naiisip nya na mas mabigyan ng magandang buhay ang kambal ni sheena kung nasa puder ito nang ama nila.
Hindi sana ako maging isang masamang tao kung hindi lang sana tinanggal sa trabaho si nanay bilang sekretarya ng ama ni Yuriko!!! Oo, tama kayo, ang ama ni Yuriko ang nagtanggal ng trabaho sa nanay namin kaya ako nahiwalay sa kambal ko. Nang malaman ko ang mga nangyayari tungkol sa kambal ko, wala na akong sinayang na oras at hinanap sila. Nalaman ko na lamang na patay na pala si Nanay at tanging si Sheena nalang ang naghahanap-buhay para sa mga nakakabatang kapatid nito. Napabayaan na din nya ang pag-aaral dahil sa pagtataguyod bilang ama at ina sa mga kapatid nito. Nakapag-asawa ulit si nanay ngunit lasenggero ito at walang ibang ginawa kundi ang humingi ng humingi ng pera ni nanay. Kung walang maibigay si nanay, bugbog sarado daw ang makukuha nito. Yan ang sabi sa akin ni Sheena. Nang hindi na makayanan ni nanay ang mga pangbubugbog sa kanya ng lasenggero nyang asawa, hiniwalayan nya ito. Ngunit huli na ang lahat dahil may sakit na pala si nanay at ang masaklap pa, cancer ang sakit ni -nanay.
Nang mabanggit ni Sheena si Yuriko doon na nagsisimula ang mga plano na dapat ko na sanang sinimulan noon pa. Nang malaman ko na gusto pala ni Sheena si Peirce ngunit naagaw ang atensyon nito dahil kay Yuriko, mas lalong tumatak sa isipan ko ang paghihiganti sa pamilya nya.
----------------------------------------------------------------
Masyadong maikling update na naman mga babies. Pagpasensyahan nyo na, yan lang lumalabas sa utak ko. Matulog na kayo ng maaga at wag magpuyat. May namamatay na dahil dyan. Wag matigas ang ulo, totoo ang sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
Sex with my classmate (COMPLETED)
RomanceHighest rank #9 in Romance. Rated SPG!! Alert!! Alert!! This is just a work of fiction. If names, incident, etc. of this book is much like to a real story, then it must be just a coincidence. No part of this book will be published or plagiarist in...