NATHAN's P.O.V.
ngayon nasa kwarto ako nag sa soundtrip. kakapunta lang namin sa pangasin ngayon. ano naman gagawin ko dito? ang boring dito eh. labas muna nga ako. lumabas ako at nag elevator. pag ka bukas ng elevator nakita ko si irene. lumabas ako, siya naman pumasok pero pinigilan kong mag sara yung elevator. gusto ko muna titigan siya. so sinabi ko.
"wait! may nakalimutan ako." pero wala naman talaga. pero yung phone ko naiwan ko talaga pero hindi ko naman kailangan yun. ang gulo ko noh? ang tahimik namin dun. gusto ko sana mag salita. maya maya nag stop bigla yung elevator. kaya parang umalog konti tapos natumba siya sakin.
"aray!" sigaw ko pero hindi naman talaga masakit. haha.
"grabe naman, hindi naman ako mabigat aa." sabi ni irene.
"ang bigat kaya." sabi ko natapos nakita ko sa mukha niya na. nafeel sorry siya. tumayo na ako.
"sorry..." sabi ni irene.
"okay." sabi ko. nafeel sorry din tuloy ako.
20 mins na ang nakalipas at andito pa rin kami sa elevator.
"may phone ka ba jan?" tanong ni irene. tapos tinignan niya ko, pag tingin niya parang nag taka siya.
"grabe tinulugan ako." tapos lumapit siya sakin. hala... anong gagawin neto?
"hayy..asan na yun...?" kinakapa niya yung bulsa ko.
"Hoy!! anong ginagawa mo?!!" sigaw ko sakanya. parang nagulat siya.
"huh--? h-hina-hanap y-yung p-phone mo."
"wala yung phone ko dito!"
"a-aa....okay." maya maya. bumukas bigla yung elevator.
"ma'am, sir, okay lang po ba kayo?"
"okay lang po. kuya, salamat." lumabas na si irene. lumabas na rin ako. tapos sinundan ko siya ng hindi niya alam. nag hagdanan siya. pag kaakyat niya sa third floor. parang hinahanap niya kung san ba siya pupunta.
"aa..yun!" sabi ni irene habang itunuturo yung room 250. parang hindi pa niya alam kung yun ba talaga yung dapat niyang pasukan. pumasok siya sa room 250. hindi ko na siya sinundan hinintay ko na lang siyang lumabas. maya maya lumabas na siya nag lakad siya ng mabilis at pumunta dun sa room 215 ata. tapos lumabas din siya pupunta sana ako sa room 250. checheck ko lang kung anong meron, kung bakit nag madaling mag lakad si irene. papunta na sana ako ng may lumabas dun sa room 250. at nakita ko si Louis, Louis Salvador ang aking makulit na classmate. ewan ko kung pano kami naging close. kaibigan ko siya pero paminsan hindi ko siya pinapansin. tahimik ako pag may babae siyang kasama. chixboy. kaya pag may kinakausap siyang babae hindi ako nag sasalita. pero i think we're Bestfriend. friend namin siya ni nate.
IRENE's P.O.V.
"ma'am, sir, okay lang po ba kayo?"
"okay lang po kuya, salamat." lumabas na ako sa elevator at nag hagdanan na lang buti na lang at isang floor na lang ang aakyatin ko. dahil nung nasa elevator kami isang floor lang ang naiakyat nun kasi nasa third floor yung room nila mama.
"aa...yun!" 250...ito ba yun? o 215? 250? nakalimutan ko na tuloy kung anong number ng room nila mama. sa sobrang tagal namin sa elevator. pumasok na lang ako dun sa room 250 at icheck the c.r at napansin ko na parang may tao sa loob. sinilip ko yung c.r. may naliligo, isang lalaki.
"sino ka?" sabi ko habang tinatakpan yung mata ko. lumingon siya.
"no! who are you?!" sigaw niya sakin.
"no! ikaw sino ka? anong ginagawa mo dito?"
takang taka kong tanong.
"'cause, this is my room, so GET OUT!!" sigaw niya ulit sakin. umalis na lang ako, ahh....sabi na mali ako ng pinasukan ee. hinanap ko na lang yung room 215. icheck the c.r. if my shower at tapos nun bumaba na ako at pumunta sa may dagat at umupo na lang muna sa sand. at maya maya may umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
LOVEBIRDS
Teen FictionSa lovelife ng mga iba't ibang tao, merong Happy Ending. meron din Hindi happy ending. at may mga taong hindi talaga meant to be. at may mga taong pinagtatagpo ng tadhana. dito sa Lovebirds everybody Happy :D